Chapter 43

11.2K 212 16
                                    

[VENICE]

I woke up in the middle of the night and threw up. Pati tuloy si Rave na bulabog ko.

"Are you sure you're okay? You want me to take you to the Hospital?" nagaalalang tanong sakin ni Rave habang hinahaplos nya ang likod ko.

Mabilis lang ako tumango sakanya sabay kuha nung isang basong tubig sa bedside table.

"Let's go back to sleep, masyado pang maaga." sabi ni Rave. Inalalayan nya ako humiga.

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Parang mas ramdam na ramdam ko ngayon ang pagiging buntis ko kesa nung una.

***

It's almost 11 in the morning, nandito pa rin ako sa kama at nakahiga. I'm not feeling well talaga, kaya naman masyado nang nagaalala si Rave. Nung una nga ayaw pa nya akong iwan, pero kailangan nyang umalis dahil may meetings syang dapat puntahan.

Napamulat ako nang bumukas yung pinto. Nakita kong sumisilip si Raine bitbit ang kanyang favorite na stuff toy.

Napangiti ako at napaupo. Malapit na ang pasko at malapit na rin ang birthday nya. Actually, magka-birthday sila ni Mama. Saktong 12 midnight ng December 25 siya ipinanganak.

"Come here baby.." tawag ko sakanya. Kagad naman syang pumasok at umakyat ng kama para makatabi sakin.

Kinamusta nya ako kung okay lang ako, kaya naman tumango lang ako at niyakap sya.

"Sa isang araw na ang birthday ng baby ko ah, so what do you want for your birthday and also for Christmas?" tanong ko habang hinahaplos ko ang buhok nya.

Umiling lang ito at ngumiti.

"Really? Anything you want baby.. don't worry si Daddy ang bahala." nakangiting sabi ko sabay halik sa ulo nya.

Pero ngumiti lang ito ulit. "It's okay Mommy. No need to buy me anything. I just want to spend it with my Mommy and Daddy." sign language nya.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko at kamuntikan na akong mapaluha.

Ilang oras pa ang lumipas, nandito pa rin kami ni Raine sa kwarto habang nanunuod lang ng TV. Tinanong ko sya kung nagugutom na ba siya pero umiling lang ito at mas yumakap sakin.

Nung nag-commercial yung pinapanuod namin ni Raine ay bigla akong natigilan sa pangungulit dito.

Isang sikat na modelo ay di umano'y nagdadalang tao.

Kumalat ito sa isang social media kaninang madaling araw.

Ayun sa source, ang modelong ito ay galing sa AK Entertainment,

Na si Ms. Gwenyth Yang.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon