*ang panggugulo nila megan*

25 2 0
                                    

Nasa party parin kami ngayon nag iinom kaya medyo nahihilo na ako pati sila ni prince, jhon at justine..
"benjie tama na wag kana uminom"sabi ni sam sa akin sabay agaw sa beer ko..
"sam bakit tayo umiikot??"tanong ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay..
"lasing kalang kaya umiikot ang paningin mo"sabi naman niya sa akin..
"benjie kailan mo sasabihin kay sam na may amesia siya"sabi naman ni jhon kaya sinapok ko siya sa ulo..
"amesia??"takang tanong niya sa akin..
"wala sira ulo ka talaga jhon"sabi ko sa kanya.."teka teka"sabi ko sabay suka..
"benjie dyan kapa talaga sumuka"sabi ni sam habang hinahawakan ang likoran ko..
"bwuh"sabi ko habang suka parin ng suka..
"mr. perez umuwi na po kayo di niyo na po kaya"sabi nung mga bodyguard habang nakahawak sa braso ko, tinignan ko siya ng masama sabay suntok sa mukha niya kaso nakailag siya kaya ako ang sinuntok niya sa mukha at napaupo ako sa sahig, pasalamat siya nahihilo ako ngayon kasi lasing ako..
"wag mo po siyang saktan lasing lang po siya pasensya na po"sabi naman ni sam habang nakahawak sa braso ko at inalalayan niya akong tumayo..
"ms. pauwiin niyo nalang yan kesa naman sa manggugulo pa yan"sabi nung bodyguard, tumayo ulit ako pero pinaupo ako ni sam..
"wag mo akong pag sabihan ng ganyan hah"galit na sabi ko habang pinipigilan ako ni sam..
"ano ba benjie tumigil kana nga dyan"galit na sabi ni sam sa akin.. Umalis na ang mga bodyguard kaya umupo na ako..
"anong tigil tigil gago kasi yang mga bodyguard na yan"galit na sabi ko sabay kuha sa beer..
"ano ba wag kana ngang uminom diba"sabi niya sabay agaw sa beer ko..
"asaan si sarah mahal na mahal kita"sabi ni jhon, sira ulo talaga to pati kapatid ko dinadamay niya..
"hoy jhon wag mong dinadamay kapatid ko"sabi ko sa kanya..
"GOOD EVENING MGA STUDENT PWEDE BANG UMAKYAT MONA NG STAGE SINA JOAN AT SAMANTHA"sabi nung babae sa stage kaya inakbayan ko si sam kasi sasama ako sa kanya noh.
"dyan kana lang benjie wag kanang sumama sa akin"sabi ni sam sa akin habang inaalis ang kamay ko sa balikat niya..
"sasama ako sa ayaw at sa gusto mo kaya tara na"sabi ko sa kanya kaya umakyat na kami sa stage..
*
*
Pagka akyat ko natapilok ako pero nasalo ako ni sam kaya umakbay ulit ako sa kanya, ngumiti ako sa teacher na nandun, tumingin ako sa mga estudyante at natauhan ako nung makita ko ang club girls na papalapit at kasama na dun si dianne pati narin ang lola ni sam..
"sam tara na umuwi na tayo"matinong sabi ko sabay hawak sa kamay niya kahit nahihilo pa ako, hinawakan ako ni sam sa braso..
"bakit ba benjie"sabi niya sa akin, hinawakan ko siya ulit sa kamay..
"tara na sabi eh"sabi ko sa kanya sabay baba sa stage pero hindi na kami bumaba sa dinaanan namin kanina kasi hinila ko siya papunta sa likod kung saan may daanan din.. May narinig akong sumigaw kaya tumakbo kami..
"GUARD HABULIN NIYO SI BENJIE"sigaw nung babaeng nasa likoran namin..
"benjie ano bang nangyayare?"tanong ni sam habang tumatakbo kami palabas ng school..
"wala basta tumakbo nalang tayo"sabi ko sa kanya.. Nawala na ang lasing ko kaya nakakatakbo na ako ngayon baka kasi maabutan kami ng lola ni sam at patay ako..
*
Sa wakas nakalabas na kami ng school at nasa gate na kami ngayon, pagkatingin ko sa likoran nandun ang mga guard na humahabol sa amin..
"HOY BENJIE TUMIGIL KA"sabi nung isang bodyguard ano ako tanga para tumigil..
"tara na sam"sabi ko sa kanya kaya tumakbo nanaman kami palabas..
"BENJIE TUMIGIL KA NGAYON IPAPAKULONG KA NAMIN"sigaw nung isang babae at halatang si megan yun, wala akong paki alam kung ipakulong nila ako...
"MAAALALA DIN NI SAM ANG LAHAT"sigaw naman ni dianne, wala na akong paki alam kung makaalala na si sam basta naparamdam ko sa kanya na mahal ko siya at di ko siya kayang mawala kaya bahala sila sa buhay nila kung magalit sila sa akin..
"benjie saan tayo pupunta"sabi ni sam habang tumatakbo parin kami paalis.. May nakita akong taxi kaya sumakay agad kami dun..
"manong sa perez village po"sabi ko sa driver, pag umuwi ako sa bahay namin tiyak nandun ang pamilya ni sam kasali na dun sila megan at dianne kaya di mona ako uuwi.."sa hotel po manong malapit sa perez village"sabi ko ulit dun sa driver..
"sige po sir"sagot naman niya sa akin..
"benjie anong hotel?? Di tayo uuwi sa bahay??"takang tanong niya sa akin habang ako di nakikinig sa kanya, kaya hinawakan niya ang braso ko..."benjie bakit tayo umalis dun sa school hindi  pa naman uwian hah"sabi niya sa akin..
--------------------------prince calling------------------------
Tumalikod ako kay sam para di niya marinig..

benjie hindi kami titigil hanggat di mo binabalik sa amin ang apo ko
mamatay mona ako bago niyo makuha si sam sa akin
benjie please ibalik mona si samantha sa amin miss na miss na namin ang apo ko..
makikita niyo lang si sam kung nakakaalala na siya..
ipapakulong ka namin benjie napaka walang hiya mo.
kahit anong sabihin mo sa akin di ko ibibigay si sam sa inyo..

----------------------call ended----------------------

"benjie sino yun??"tanong ni sam sa akin, tinago ko agad ang cellphone ko..
"sir nandito na po tayo"sabi nung manong..
"ito po"sabi ko sabay abot sa bayad..

*HOTEL*

Pagbukas ko ng glass door pagkaharap ko sa babaeng nasa harapan namin ngayon nag smile siya sa akin kaya nag smile din ako sa kanya pero nung makita niya si sam biglang nag iba ang itsura niya..
"sir si ma'am samantha po yan diba"takang tanong niya sa akin habang nakatitig kay sam..
"hindi siya si samantha kundi siya si... niana"sabay fake smile dun sa babae..
Naglakad na kami papunta sa elevator..
"sam dyan ka muna may sasabihin lang ako dun sa babae"sabi ko kay sam..
"sige pero bilisan mo hah"sabi naman niya sa akin..
Pumunta na ako dun sa babae at may hawak na siyang telepono at halatang tatawagan niya ang lola ni sam..
"try mong tawagan ang family ni sam ako ang makakaharap mo"sabi ko sa kanya at dahan dahan siyang tumingin sa akin..
"sorry po sir hinahanap po talaga siya ng pamilya niya lalo na po ang daddy niya"sabi niya sa akin at patuloy niyang tinatawagan, kinuha ko yung telepono at binaba ko..
"alam ko yun pero kahit ngayon lang wag mo munang sabihin sa lola ni sam na nandito kami"sabi ko sa kanya..
"sige po sir"sabi naman niya..
Umalis na ako at pumunta na kay sam para sumakay ng elevator, alam ko na hindi ako isusumbong nung babae kasi adik kaya yun sa akin..
"may unit kaba dito benjie??"tanong niya sa akin..
"oo"sabi ko naman, hinawakan ko ang kamay niya.."wag mo akong iwan sam hah hindi ko naman sinasadyang gawin to sayo"sabi ko sa kanya habang nakatingin lang sa bukasan ng elevator..
"wag kana malungkot benjie, hindi kita iiwan"sabi niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya sabay ngiti

THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE (publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon