KABANATA DALAWA

259 35 80
                                    

MUKHANG KAHIT ANONG LAKI o kasingsukat pa ng Jurassic World ang exclusive resort kung nasaan si Hershel ay hindi pa rin sasapat ito para maiwasan niyang magkita sila ni Thrill. Dahil ngayon ay halos lumiit na ang mundo nila nang malaman na ang grupo nito ang tutugtog para sa anniversary party ng magulang niya. She have no choice but to endure the whole night seeing his handsome face in front of the pool of crowd.

"Another glass of margarita, please!" Inisang lagok muli ni Hershel ang margarita pagkaabot ng bartender sa kanya ng baso. Lulunurin niya ang atay niya sa dami ng maiinom niya ngayong gabi. She wanted to be numb the whole night. Nanghingi siyang muli ng isa pa. Nagdadalawang isip mang sumunod ang bartender pero wala itong nagawa nang pandilatan niya ito nang nakamamatay na tingin.

"Hey! What's with the liver-torture, sis?" Napaangat ang tingin niya at bumungad ang nakangiting mukha ni Hailey. She smiled at her sister. Mukhang kararating lang nito galing sa Maynila at tinapos ang mga trabaho sa opisina dahil isang simpleng navy blue bodycon dress lang ang suot nito. Hailey sat besides her and ordered a glass of margarita. Tumingin ito sa harapan at napasimangot. "What the hell is he doing here? Si Herb ba ang nagpapunta sa kanya? Naku! Malilintikan sa akin ang burdado na iyon at isasalaksak ko sa lalamunan niya ang drumstick niya."

Yah, right! Gan'on din ang gusto niyang gawin kay Herb nang malaman niyang sinadya nitong imbitahan ang mga kabanda nito. Including Thrill, of course. "Don't worry. I already talked to Dad. And guess what. Mukhang tatlong buwan mo makakasama sa opisina ang burdado nating kapatid--"

"What? No freaking way that I'm going to work with Herb. Please, Hersh! Puwedeng sa Africa mo na lang ipatapon ang isang iyon. Pakuhanin mo na lang siya ng balat ng leon. I don't want him to annoy me everyday in the office." Sa kanilang tatlo kasing magkakapatid. Si Herbert at Hailey ang madalas nagtatalo dahil mukhang ipinanganak itong si Herb para lang sirain ang nananahimik na buhay ni Hailey .Kaya ayaw na ayaw makasama ni Hailey si Herb sa isang lugar. Hailey and Herb are fraternal twins. At sa lahat ng kambal sila ang hindi magkasundo.

"I'm sorry, sister. Pero mukhang kailangan mong tiisin ang pagmumukha ni Herb for three months."

Napainom na lang ng Margarita si Hailey dahil sa narinig nito at napadukdok sa bar counter dahil sa frustration.

Hershel just shook her head before gazing towards the front stage.

There, she saw the guy that she's trying to avoid for almost two months. Pero ngayon eto siya at ilang metro lang ang layo sa kanya. He is singing with his heart content like what he's always doing.

That's what she loved about Thrill. Kapag kumakanta ito, hindi maiiwasang mapatingin ang lahat ng tao rito. Not because of his good looks, perfect built or his god given beautiful voice. But on how he delivered the song: wholly, passionately and heartedly.

"The next song that I'm going to sing is a new composition that I wrote. This song is for someone special in my heart. And hope she still knows that..." Parang nadurog ang puso ni Hershel pagkarinig ng mga salita ni Thrill.

He made a song for Mindy. She guessed. And it breaks her heart.

Dahil noong sila pa ni Thrill ay parati siya nito ginagawan ng kanta. Naalala niya pa na gumawa ito ng isang composition noon para mapasagot lang siya nito.

Herb started pounding the drums, Elliot and Iñigo strummed their bass and guitars, Fabio played his keyboard in an artistic manner and Thrill gazed at her. Locking his eyes into hers. And from that moment on, she felt her whole surrounding stopped from moving, time stopped from ticking but her heart started thumping in a speeding Lub-dub sound.

I Dumped a Rockstar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon