Nikko
Tambak na balita ang kaharap ko ngayong umaga. Sa news papers, sa tv at sa radyo. At yung mas kumaha ng atensiyon ko ay ang isa-isang pagkamatay ng miyembro ng team na pinamumunuan ni Dave. Sila ang binibigyan ng mga kaso na malalaking tao ang kailangang banggain, pero this is getting worst. Every week ay may nawawala at namamatay sa grupo nila, and I know na malaking kawalan ang mga ito sa industriya. They were loyal colleagues na handang i-sakripisyo ang mga buhay nila para lang sa kapayapaan at katahimikan ng bayan. Pero bakit sila ini isa-isa?
Paging Doctor Nikko Samonte, please proceed to the emergency room...
Paging Doctor Nikko Samonte, please proceed to the emergency room...
Dali-dali kong pinatay ang radyo at kinuha ang doctor's gown ko na nakasabit sa rack saka lumabas ng opisina habang sinusuot ito. Isa na naman kaya 'to sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen na nangyayari sa paligid? Kailan pa kaya magkakaroon ng katahimikan dito?
I headed to the emergency room, open the double door and move as quick as I can to save the life of this bloody patient laying on the stretcher.
***
Yannie
Nakaupo ako sa isa sa mga kainan dito sa may palengke ng Brgy. Styro kasama ang partner kong si Keith, masarap kasi ang batchoy dito kaya dito namin naisipang magmeryenda. Nakakagutom kasing tumunganga sa highway at maghintay ng mga kung anong kalokahan ng mga driver at kung sino man. Siyempre, hindi sila magpapahuli.
Hindi naman ako matagal na dito, kakalipat ko lang one month ago dahil sa request kong magpalipat dito sa Maynila from Region VI pero noong napag-alaman ko na dito ako sa kalsada ilalagay pinagsisihan ko ang pagpapa-re-assign ko dito. Ang boring kaya. Gusto ko ng action. Hindi tulad nitong babad ka na nga sa init tapos nakatunganga ka lang maghapon. Tsk nangingitim na ako dito! My Ghad!
"Ay! Ang bag ko. Magnanakaw! Tulungan niyo po ako... magnanakaw!" napanting ang tainga ko sa narinig kong sigaw ng Ale sa hindi kalayuan. Agad akong tumayo at hinanap ng mga mata ko kung saan napunta ang sinasabi niyang magnanakaw hanggang sa makita ko ang isang binatilyo na tumatakbo palayo sa kanya habang mahigpit ang kapit sa dala na bag. That's him.
Mabilis akong tumakbo para habulin ang binatilyo. Hindi na ako nagpaalam sa kasama kong kumakain pa, susunod din 'yon.
"Ma'am, saan kayo pupunta?" Narinig kong sigaw niya pero nasa malayo na ako.
Nakita kong tumawid ng kalsada ang binatilyo kaya tumawid na rin ako at sa di kalayuan ay may naghihintay na isa pang ka-edad niya at nang makarating siya roon ay pinasa niya ang bag saka nag-iba ng ruta at tumakbo na rin kaagad ang pinsahan niya ng bag. Kung hindi lang ako sagad sa training noong nag-aaral pa ako, sigurado ngayon palang bumagsak na ako sa kalsada pero hindi, sinanay ko na ang sarili ko sa mga ganitong bagay.
Lumiko naman papasok sa isang eskinita ang sinusundan ko kaya pumasok na rin ako. Hindi ko na nilingon si Keith dahil baka mawala pa sa paningin ko ang taong hinahabol ko. Lumabas ito ng eskinita at lumiko pakanan.
BINABASA MO ANG
Hey Mister Doctor Sir
General FictionHe is a doctor and a crime buster and she's a charming desperate lady who want action on her job. Will they be able to find the thrill of justice and love? *** All names, characters and incidents portrayed in this story are fictitious. Any resemblan...