First Day - On Duty

10 2 1
                                    

Nikko

"Oh. Pumirma ka dito." Nadaanan ko ang apat na binatilyo na pinapipirma sa front desk ng Central Police Division. May mga pasa ang mga ito at parang pinagsakluban ng langit ang mukha.

"Anong tinitignan mo?" salubong ni Dave sa akin na pababa ng hagdan. Nasa second floor kasi ang opisina namin na maluwag naman para sa sampung ka-tao na pito (7) nalang ngayon.

Napatigil kaming dalawa sa paglalakad at tinignan ang mga binatilyo na kinakausap ni PO2 Salde na nakilala ko kahapon. "Sa susunod na makikita ko kayo dito ikukulong ko na talaga kayo." He pointed his finger to the two teenagers.

"Minor yata 'yan eh," magkasalubong na kilay na sabi ko kay David. "Dapat may guardian ang mga iyan bago pakawalan," dagdag ko pa.

"Come on." Lumapit si Dave sa kanila kaya sumunod na rin ako.

"Anong kaso ng mga 'yan?" panimula ni Dave.

"Ah! Mga snatcher ito, Sir," aniya.

"Menor de edad pa sila ah? Nasaan ang mga magulang nila?" usisa ko.

"Wala ho eh." Napakamot sa ulo ang kaharap namin.

"Diba protocol natin na kailangan ng guardian ang mga menor de edad bago palabasin?"

"Ita-transfer naman ho sila sa boy's town, Inspector."

"Kailangan parin natin ang mga magulang na nila o kahit guardian lang bago sila ilipat. Pakikuha ng complete address nila at contact numbers." Sinunod naman niya ang sinabi ko. People today do not follow rules in one shot, they need someone to teach them before they realize it.

"Bakit may mga pasa iyang mukha niyo?" Hinawakan ni Dave ang chin ng isang binatilyo at ginalaw pakaliwa't pakanan. Halata sa itsura nito na may iniindang sakit nang maigalaw ang mukha.

"Eh nabugbog ho 'yan ng traffic police, Sir. Pinagkaisahan daw kasi nila dahil babae kaya lang 'yan ang nakuha nila," si Salde na ang nagpaliwanag. Napangiwi ako ng binitiwan bigla ni David ang bata na napa-ungol sa sakit.

"Gaano ba kalala iyan? Baka makasuhan ng police brutality ang babaeng 'yon!"

"Hindi naman yata, Sir. At saka, silang apat lang naman ang menor sa mga nahuli. Iyong lima nakakulong na at nasampahan ng kaso," ani Salde ulit.

"Tsk tsk tsk!" Inakbayan ako ni Dave at umikot kaming dalawa para talikuran ang kinakausap namin.

"Kakaiba 'to, dude!" bulong niya at I don't like the sound of it.

"What do you mean?"

"Binugbog sila ng iisang babae lang!"

"Eh ano naman ngayon?"

"Aren't you interested?"

"Zalde, ikaw na bahala sa kanila. Tawagan mo 'ko kung hindi mo makausap ang mga magulang nila. Kami na ang bahala," baling ko sa likod ko.

Binalik ko kay Dave ang atensiyon ko at nagpatuloy kami sa paglalakad habang naka-akbay parin ang kaliwang kamay niya sa'kin.

"Stop that nonsense, Inspector Illustre. Hindi ako nagtrabaho dito para pansinin iyang mga kalokohan mo." Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

"Ow!" paarteng nagulat kuno ang nakasalubong namin bago namin marating ang ikalawang palapag ng gusali. "Inspector Nikko Guevarra Samonte, ang bango ng pangalan mo ah? Pero hindi magtatagal babaho rin 'yan dito. Kaya bawas-bawasan ang pagpapa-papel. Baka gusto mong mabali kaagad iyang sungay mo?"

"Tigilan mo nga kami Inspector Robert Aguila. Tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin bago ka magsalita," pasaring ni Dave sa kanya at sa mga nakabuntot niyang tauhan. "Baka iyang sungay mo ang baliin ko ngayon palang?"

"Enough, Dave! H'wag mo ng patulan. Let's go," saway ko sa kanya. Akmang lalapitan at gigilitan na sana kasi niya itong nagyayabang sa harapan namin. We move on the other side na hindi nila sakop at nagsimula ng umakyat.

"Pa-humble ah? Tingnan natin kung hanggang saan iyang tapang mo," he said again.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at nilingon ko siya. "Sa pagkaka-alam ko, pare, kung sino ang taong may binabato sa kapwa niya ay siya ang dapat busisihin. Ikaw din, mahilig pa naman ako sa research. Expert ako sa investigation," I said the last word slowly but I made sure na babaon sa kanya.

"Ikaw kaya ang unahin ko at nang maputol iyang sungay mo na tumubo sa pwet mo dahil wala ng space sa ulo mo?" Sinamaan niya lang ako ng tingin at tuluyan ng bumaba. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad papunta sa opisina namin.

"Akala ko ba hindi papatulan? Eh ano 'yon?"

"Sinabi ko lang na h'wag mong patulan. Hindi ko sinabi na pati ako."

"Ah hahahahaha! Nakakatawa ka, pare, grabe!" pang-aasar ng kasama ko.









***
THIRD PERSON PoV

"Siguradin niyo ang pagkasarado ng mga kahon na 'yan. Mahirap na," utos ni Brando Salipotpot sa mga kasama na nagbubuhat at naglilipat ng mga naglalakihang kahon sa isang closed-van na gagamitin nila para sa paglipat ng kung ano mang produkto nila.

"Para ka namang kinakabahan diyan, Brando e. Maayos ang pagkagawa nila niyan,"

"Naniniguro lang, Alas. Mas mabuti ng mag-ingat," sagot niya dito. "O, sige. Magrereport muna ako kay Boss." Umalis siya at tinungo ang bahay ng amo niya. Sa bodega siya nang galing na may kalayuan sa bahay nito.

"Si Boss?"

"Nasa loob," sagot ng lalaking nakasalubong niya. Tinapik niya ito sa balikat at naghiwalay ng landas.







"Boss, naihanda na po namin ang lahat para sa shipment sa makalawa," bungad niya sa lalaking nakatalikod mula sa pinto. Naka-upo ito sa swivel chair at naninigarilyo.

"Siguraduhin niyong walang magiging sagabal sa biyahe niyo. Malaki ang pinuhunan ko sa ating produkto ngayon kaya kung may hahadlang man, todasin niyo na." Humithit ng sigarilyo ang amo niya at ibinuga ang makapal na usok pagkatapos.

"Areglado, boss." Napangisi ang amo nang umalis ang kanyang tauhan.

***

Hey Mister Doctor SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon