NAPALINGA si Jane sa kanyang kanan nang biglang may dumukot sa shelf ng librong dapat sana ay kukunin niya. Tumaas agad ang dugo niya sa ulo nang makita niya si Yohan.
Hinila ni Jane ang manggas ng suot na damit ni Yohan nang akmang aalis na ito bitbit ang librong kukunin niya. "Nananadya ka bang talaga ha?!"
"What?" malamig na tugon ni Yohan pagkalinga nito kay Jane.
"Bakit lagi mo akong inaagawan?!" inis na sabi ni Jane. "Give me that book!" Sa librong hawak ni Yohan siya nakatingin.
"Inaagawan? Excuse me, ang sabihin mo mabagal ka lang talaga, Ms.Jaztine Neia Williams."
Napataas ang isang kilay ni Jane. "What? Ako mabagal?"
"I came from that place." Itinuro ni Yohan ang katapat na shelf kay Jane. "And you are just right here, mabagal na naglalakad gamit 'yang pamatay mong sapatos." Ang sapatos na suot naman ni Jane at itinuro nito.
Yumuko si Jane para tignan ang kanyang sapatos.
Why? Bakit ba ang sapatos ko na lang ang laging nasisisi?"Mind your own shoes! Kung inggit ka, edi magsuot ka rin ng ganito!"
"I-try ko minsan," pagsakay ni Yohan at pagkatapos ay tumalikod na ulit ito.
"I'm still talking to you!" Hinila pabalik ni Jane si Yohan. "I need that book."
Humila ng isang libro si Yohan at ibinigay iyon kay Jane. "Ito na lang ang sa'yo."
"No! Lumang edition na 'to! Wala dito yung hinahanap ko." Pahampas na ibinalik ni Jane yung libro kay Yohan. "What I need is that book." Inginuso niya ang librong hawak ni Yohan.
"Then sorry, kailangan ko din, eh." Inipit ni Yohan ang libro sa kanyang kili-kili.
"I said, give me that book!"
Akmang aalis na si Yohan nang biglang hilahin ni Jane yung libro sa kili-kili nito. Dahil sa mahigpit na pagkapit ni Yohan doon sa libro ay napasama ito. Napasandal si Jane sa shelf ng mga libro at napakulong sa pagitan ng mga braso ni Yohan. Nalaglag ang librong ipit-ipit nito sa kili-kili.
BINABASA MO ANG
MS.RIGHT (published under PSICOM)
Teen FictionHighest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has a sunny face and a flashy smile. She has a strong personality na hindi mo aakalain. What if one day...