TUMIGIL sa pagtugtog ng gitara si Check nang maramdaman niyang may ibang taong pumasok sa kanyang kuwarto. Agad siyang lumingon para alamin kung sino iyon. Nakita niyang nakatayo si Bright habang mataman na nakatingin sa kanya.
"So, I'm right," anito sabay sarado ng pintuan. "Kinuha mo 'yung gitara kahapon sa PHQ ng wala man lang paalam."
Tumaas sa isang sulok ang itaas na labi ni Check. 'Ayos, ah! Hindi man lang kumatok!'
Naigilid ni Check ang kanyang mga mata. "Iyon lang, hindi ko nga pala naisara," bulong niya.
Binitawan niya ang hawak na gitara at saka siya tumayo para harapin si Bright. Nakaramdam siya ng hiya kasi totoo ang sinabi nito na itinakas niya lang iyong gitara kahapon. Sinabi niya lang kay Xyro na ipinahiram sa kanya iyon ni Bright, kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
Hindi magawang tumingin nang diretso ni Check. "Ibabalik ko naman, eh."
"You don't need to."
Napanguso siya. "Huh?"
"It's yours now," ani Bright habang ito ay nakahalukipkip.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Check. "Talaga?"
Tumango lang si Bright. Dahil sa sobrang saya ni Check ay napatakbo siya palapit dito at nayakap niya ito nang wala sa oras. Saglit itong natigilan dahil sa pagkakayakap niya. Ilang segundo ring nagtagal ang yakap na iyon bago siya kumalas.
"S-Salamat," mahinang usal ni Check.
"Hindi puwedeng basta salamat lang."
Kumunot ang kanyang noo. "Huh?"
"Magbihis ka. Pakibilisan. Madali akong mainip." Tumingin si Bright sa suot nitong relo.
Namaywang si Check. "Wait a minute, kapeng mainit. Bakit muna?"
"It's time for our first date."
Halos limang segundo ring hindi agad nakaimik si Check. Nakatingin lang siya sa seryosong mukha ni Bright. "Eh kung ayoko?" Pinagtaasan niya ito ng kilay. "No! No! No!"
"I will not take no for an answer. And besides, I already have your brother's permission."
Sinamaan na niya ito ng tingin. "Sapilitan na naman," mahinang sambit niya.
"Hurry up."
"Hoy! Hindi lang isang gitara ang katumbas ng pagpayag ko na sumama sa'yo, 'no!"
BINABASA MO ANG
MS.RIGHT (published under PSICOM)
Teen FictionHighest Rank Achieved - #1 in Teen Fiction Slow, Funny and Annoying... iyan ang tatlong pinakaangat sa katangian ng 16 years old na si Check. She has a sunny face and a flashy smile. She has a strong personality na hindi mo aakalain. What if one day...