Chapter 2

46 1 1
                                    

Unti unti kong minulat ang aking mata. Where the hell I am. Nilibot ko ang aking paningin at nakita kong 11:30 ng gabi pa rin pala, kaninong kwarto to?

Tatayo na sana ako kaya lang kumikirot yung binti ko. Bakit may bandage yung legs ko? Then naalala ko muntik na nga pala akong masagasaan ng kontse.

Paika-ika akong naglalakad, bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang may pumasok na babae na kung titignan nasa edad 30 years old.

"Excuse me? Asan po ba ako? Ano po bang nangyari?" Tanong ko don sa babae.

"Oh so you're a Filipino?" Mukha lang akong chinita dahil sa mata at kulay ko, pero Pinoy pa rin ang dating ko.

"Opo nasa Pilipinas ako e." Biglang tumawa yung babae, sarcastic yon pero bakit ako tinawanan.

"I'm sorry Miss pero wala ka sa Pilipinas, You're here in Korea."

Biglang nanlaki yung mata ko. Nababaliw na ba siya. As far as I remember hindi naman ako sumakay ng eroplano.

"Ano po?! But that is impossible po! kanina lang nasa Pilipinas pa ko. So how would I get in Korea in just an hour."

"Naku Miss dahil lang siguro yan sa aksidente, I want to apologize kasi muntik ka ng masagasaan ng sasakyan namin. Alalang alala nga sayo yung alaga ko. Kasalanan ko rin dahil pinayagan ko siyang magdrive."

"So it means you're also a Filipino? Kailangan ko na pong umuwi. Di ko po alam kung paano ako napunta dito."

"Oo Miss I'm also a Filipino, nandito ang trabaho namin, pero di ka pa pwedeng umuwi kargo ka namin. Saka gusto ka pang makausap ng mga alaga ko. Ahm by the way what is your name?"

"Xyrine Martinez po." Pinagsawalang-bahala ko muna yung sinabi nung babae. For Pete's sake bakit naman ako mapapadpad ng korea.

"Sige Xyrine, just call me Lily. Magpahinga ka muna maya-maya dadating na ung mga anak-anakan ko. Okay lang naman ng mag stay ka muna dito hanggat hindi pa gumagaling ang sugat mo sa binti. Saka sandali lang ikukuha kita ng makakain."

Umalis na si Miss Lily.
Bumalik na lamang ako sa higaan ko.
Ano ba kasing nangyaring kababalaghan sa akin.

Maya-maya may mga narinig akong nag-uusap sa ibaba. Iyan na yata yung tinutukoy ni Ms. Lily na mga anak-anakan niya.

Bumukas ang pinto at dala dala na ni Ms. Lily yung pagkain ko.

"Oh eto Xyrine kumain ka muna, andyan na nga rin pala yung mga anak-anakan ko. Nagbibihis lang siguro."

"Salamat po Ms. Lily."

"Sandali lang, KIDS! Gising na si Xyrine. She is Filipino pumasok kayo dito." Sigaw ni Ms. Lily.

Kids? Mga bata pa?
Maya-maya naririnig ko na ang mga footsteps nila.

Uminom muna ako ng tubig dahil medyo nauuhaw na rin ako.

"Manager Lily! We're not kids anymore!"

"Manager naman si JK lang ang kids dito!"

"Woahh Filipino raw sya RM."

Naririnig kong mga sabi nila. Sabay sabay silang pumasok sa pinto mga naghahampasan pa at nagtatawanan.

Muntik ko ng maibuga yung tubig na iniinom ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. S-sila?

"B-bts?! Ms. Lily sila ba yung tinutukoy mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Kahit 2 years na kong hindi updated sa kanila. Kilalang kilala ko pa rin naman sila.

"Woaaah cool kilala mo pala kami, pero gusto ko pa ring magpakilala. Hi Xyrine ako nga pala si RM!"

Nakipagshake hand siya sa akin. Siya yung Leader ng grupo nila.

"Hi Xyrine ako naman
si J-hope. Your only hope Yo!"

"Hello ako naman si Jimin wanna see my abs?" Sabay wiggle ng kilay niya. Bigla naman siyang hinampas ni Jin

"Tsk Jimin shut up! Hi ako si Jin ang pinakagwapo sa lahat." waaaah siya yung crush na crush ko si Jin. Di ako makapaniwala na nahawakan niya yung kamay ko.

"Suga nga pala." kahit pala sa personal cold pa rin ang image ni Suga.

"Hello Xy Xy ! Ako nga pala si JK ang pinaka cute sa lahat, waaaah may Pinoy na ko na makaka-usap sawa na kami kay Manager eh." Bigla syang binatukan ni Ms. Lily. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Ah ganon JK sige no more chicken and pizza for you." Sabi ni Ms. Lily kay JK

"Eh manager joke lang naman. Hehehe."

"Oh V anong ginagawa mo dyan. Akala ko ba gusto mong magsorry kay Xyrine?"

So siya pala yung nagda-drive nung sasakyan at muntik ng makasagasa sa akin.

"Ahm Xyrine. I want to apologize. Nagpadalos dalos kasi ako." Ang cold ng expression niya. Iba ang V na pagkakakilala ko sakanya 2 years ago.

"It's okay. Hindi mo naman kasalanan. Ako yung bigla biglang sumulpot sa gitna ng daan." Sabi ko na lang.

"Buti alam mo." Bulong ni V, teka tama ba yung pagkakarinig ko?

"Xy xy sorry talaga sa kagagawan namin, ginugulo ko kasi si V kaya hindi ka namin napansin." Ngumiti na lamang ako kay JK

"Oh kayo magpahinga na kayo. Hayaan niyo munang kumain si Xyrine. Marami pa kayong schedule bukas."

Lumabas na silang pito. Saka pa lang ako nakahinga ng maayos. Hindi ako makapaniwala kasama ko ang BTS. Nakita ko si Jin bakit ganoon ang ga-gwapo nila. Totoo ba talaga ito o nanaginip lang ako?!

"Kilala mo na pala yung mga anak-anakan ko Xyrine."

"Ah opo Ms. Lily 2 years ago po fan po nila ako. Kaya lang buhat po ng mamatay ang parents ko hindi na po ako naging updated sa kanila. Nakakahiya po sa inyo. Sikat po yung mga kasama ko dito."

"No it's okay Xyrine."

Bigla kong naalala yung antigo kong pocket watch na dala dala.

"Ahm Ms. Lily may nakita po ba kayong parang antigo na orasan yung pocket watch ko po noong maaksidente ako."

"Ah oo nilagay ko doon sa may ibabaw ng study table. May kailangan ka pa ba?"

"Wala na po. Thank you po. Magpahinga na rin po kayo."

Tumango na lamang si Ms. Lily. Kinuha ko yung pocket watch sa may ibabaw ng study table. Umaandar na siya.

Kailangan kong maka-usap yung ale na nagbigay sa akin nito. Anong hiwaga ang meron ito.

9:30 na sa oras nito. Hindi pa nga pala ito tama.
Kumain na muna ako dahil kanina pa ako nagugutom.

Matapos kong kumain at niligpit ko na ito. I'm already tired. Ang dami nangyari ngayong araw na ito.

Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mata ko. Hawak hawak ko pa rin yung pocket watch ko nakikita ko pa rin na malapit ng mag 10:10 nagliwanag na naman ito. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako.

~~~~~~~~~~~~
Seulmi슬미

 When The Clock Strikes At 10:10Where stories live. Discover now