Vanessa
Huminga ako ng malalim, nilakasan ang loob. Handa na ba ko? Alam kong di pa rin ako sigurado sa pinasok ko pero may parte sakin na gustong gawin to. Mahal ko si Mike, oo! Pero ang biglaang pagpapakasal ay napaka imposible talaga. Gusto kong bawiin ang sinabi kong OO sa kanya pero heto ako at nakaharap sa salamin. Suot ang magarbong puting damit na halos pangarap ng lahat ng babae.
Kung tatanungin nyo ba ko kung bakit ako pumayag agad ay dahil sobrang mahal ko sya. OO, hindi sapat yung mahal ko lang. Matalinong tao si Mike, mapagmahal, mabait, at madaming nagkakagusto dito, mayaman din sya at talaga namang napaka matipunong lalaki. Di ko sya nagustuhan dahil doon, minahal ko sya dahil sa kabila ng mga yon ay may hinanakit pa rin syang nararamdaman. Kaya naman nandoon ako nung mga oras na kinailangan nya ko. Naaalala ko pa ang sinabi nya noon...
"Vanessa, sobra-sobra na yung tulong na ginawa mo para sakin" sabi nito "Kung wala ka siguro sa tabi ko ay malamang nawala na ko sa mundong ito"
"Wala yun Mike, sabi ko naman sayo nandito lang ako kung kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob at hindi ako magsasawang damayan ka lagi" ngiti ko.
"Vanessa..."
Biglang sumeryoso ang mukha nito na nagbigay kaba sakin "A-ano yon?" ang lapit kasi ng mukha nya e. May kakaiba talaga ngayon kay Mike o baka imahinasyon ko lang yon?
"Pakasalan mo ko" nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Ano? papakasalan nya ko? Teka! Di pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi nya. PAKASAL daw? Totoo ba to ? papakasalan nya ko?
"H-huh? P-pero---"
"Seryoso ako, mahal kita Vanessa. Alam ko nakakabigla pero naisip ko na tutal ikaw lang ang nagmamahal at nakakaintindi sakin, hayaan mo kong alagaan ka. Pangako! Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pag-oo sakin" napanganga na lang ako sa sinabi nya
"Vanessa!"
"O-oo! OO!"
"Pumapayag ka na?"
"S-syempre! Oo! Mahal na mahal kita Mike noon pa lang at sigurado akong hindi ko to pagsisisihan"
YOU ARE READING
Kidnapping the Soon-to-be-Bride
RomanceThis story contains unsuitable scene for very young readers. Parental Guidance is advice October 28, 2016