Minsan ba naisip mo na sana hindi naman maging katulad ng mga nababasa mo sa nobela ang maging takbo ng love story mo? Naisip mo din ba na sana hindi mo naman makakabunggo sa lobby ng university ang isang napaka-gwapong lalaki na siya palang magiging prince charming mo? O kaya hindi naman sa lalaking palaging nang-aaway sa'yo mahuhulog ang loob mo? Paano kaya kung hindi naman mayaman ang hero mo o kaya hindi naman siya ang pinaka-gwapong lalaki sa campus? Sino ba naman ang may ayaw sa isang campus heartthrob?
Well naisip lang naman ni Peach Saavedra ang lahat ng iyon. Pero paano kaya kung sa kakaiwas niyang maging cliche ang love story ng buhay niya ay maging miserable tuloy iyon? Will she still hate clichés or she'll start to embrace the commonalities of most tales for her to have the same happy ending?