"First love never dies" - palagi ko naririnig sa mga tao hopeless romantic.
They say" lumipas man ang mahabang panahon , kapag unang pag- ibig mo sya..
Hindi basta makakalimutan..Katulad ng ibang kadalagahan, I had my own first love.
Since I was in elementary..hinahangaan ko na sya. Bakit?Siguro dahil sa gwapo sya.
Matangkad , maputi, at may bilugang mga mata na nagpapakita ng kanyang pagkatao.Palasimba din sya , kaya Ako bilang galawang hokage. Sumisimba din Ako , para lang masulyapan ko sya.
Hindi ko na nga naiintindihan ang sermon ng pari kasi sa kanya lang Ako nakatingin.Sa bawat pag ngiti Niya at pagsasalita.. Ang puso ko parang nakikipagkarera sa isang marathon.
Natanong ko nga minsan..
"Kailan mo kaya Ako mahahalin?Asa pa Ako. Mapansin nga Hindi mo magawa..mahalin pa kaya?
Sa mura Kong edad nasabi ko na agad..this must be love!
But I know in my heart , sa Malayo nalang kita mamahalin..Hanggang mag highschool Ako ..gusto parin kita.
Kahit na minsan lang kita makita ang puso ko Hindi mapigil ang kaba..Kapag may kinkausap kang ibang babae.. Pakiramdam ko nagtataksil ka saken..
Para na Ako Tanga! Pero ayos lang mahal Kita eh.Isang araw dininig yata ng langit ang mga dasal ko! Bakit? Kasi napansin mo Ako :).
Sobrang saya ko talaga nun!
Grabe para Ako nanalo sa lotto!
Kinikilig pa nga Ako pag kausap ka..at di Ako makatingin sa mga mata mo.Nagbibiruan na tayo, nagkakausap.. Sabi ko pa nga magtanong ka lang ng "pwede ba manligaw?" -- sasagutin na agad Kita! Wala ng ligaw- ligaw! Sagot agad! Pabebe Pa ba Ako ..eh mahal kita ...
Mabilis na dumaan ang panahon.
Umaasa parin ako na tatanungin mo Ako..
Kaso first love.. College na Ako , di mo parin ba Ako tatanungin?Minsan nga nahuhuli ko nakatingin ka sakin. At kapag tumingin Ako mag- iiwas ka ng tingin.
Kinakabahan kaba?
Naku! Don't be shy! Tagal na kaya kita hinintay!May pagkakataon din na parang may gusto kang itanong pero di mo maituloy..
Wag ka mag stammer.. Kahit ano pa yan. Yes parin ang isasagot ko!Umaabot din tayo ng magdamag sa pagtetext .Nung naubusan ka nga ng load.. Sabi mo pede papasa load?
Syempre niloadan Kita! Regular pa.. Nakakakilig ka naman first love.. Talaga gusto mo magkatext tayo lagi..Araw.linggo. buwan ang nagdaan, umabot na nga sa limang daan yung pasaload ko Sayo..pero di mo parin tinatanong ang katagang" will you be my girl?"
Mabuti PA nga yung thesis ko may proposal..ikaw wala padin.
Pero okey lang yon ! Alam ko naman na pag naging boyfriend kita.. Magiging thesis din.. Kasi Alam ko Ipaglalaban mo Ako!Tiwala lang Ako..
Isang araw nagkaroon Ka na yata ng lakas ng loob, nag text ka pa nga saken.From: First loveee <3
San ka? Pede ba tayo magkita may sasabihin lang Ako sayo.
__________=_sent=______________
To: First loveeee<3
Dto Ako sa bahay .Sige San tayo magkikita? <3 :)
__________=sent__________
Kinikilig pa Ako habang nagrereply sayo.
I made sure na nakaligo Ako, naka lipstick at polbo.
Syempre gusto ko maganda Ako pag nagtapat kana sa akin. Hihi.Tinext mo saken kung saan.Dun pala sa park na palagi naten tinatambayan.
Kabado Ako at naeexcite! Sa wakas! After 15 years! Magiging totoo na yung pangarap ko.
Habang naglalakad Ako..
Iniisip ko na ang pede nating endearment.
Sweetheart ba? Honey? Babe? Baby? Tart? Cupcake?
Kaya lang masyadong matamis..
Hahaha.
Alam ko na! Hubby nalang.... tapos Ako yung wifey mo! <3 Yieeeeh!
Kenekeleg Ako!Ilan kaya magiging anak naten? Isa? Dalawa? Tatlo?
Kahit ilan ang gusto mo..okey lang! Basta ikaw ang daddy nila.. It doesnt matter diba?Nang makarating Ako sa park .Nakaupo ka sa may swing.
Suot mo yung polo na binili ko , ang mahal kaya niyan.. Pero kiber lang ..mas mahal naman kita!Lumapit Ako sayo na malapad ang ngiti..
Tumgngin ka sa aking mga mata na nagniningning..Ahh.. Sam..
Panimula mo.Ano yon Cris?
Naririnig mo ba ang kabog ng puso ko? Sobrang lakas !
Habang nkatingin Ako sayo.. Iniisip ko na sana maging kamukha mo ang magiging supling naten.Bigla namula ang Yong mukha at tenga.. Sabay ngiti ng malapad.
Sam... Will you be my..
Yes! I do! Payag Ako!
Excited Kong sagot sayo! Grabe Hindi na talaga Ako makapag hintay!
Kiss na ba? Nag I do na Ako diba?Nakita ko na lalo kang napangiti.
Sabay dugtong sa sinabi mo..Will you be my maid of honor sa kasal ko?..
Ang malapad Kong ngiti ay unti- unting nabura. Samantala ikaw, Hindi magkanda-ugaga sa pagkukuwento ng love story niyo ng babaeng papakasalan mo.
Pakiramdam ko bumagsak ang universe sakin.
Pakiramdam ko para akong botcha na baboy.Double dead.Nabingi yata Ako.Hindi ko kasi marinig ang mga kwento mo. Kung gaano sya kaganda, kabait, ka- sweet, kalambing, ka- tangad.
Nabulag yata Ako. Ipinkita mo kasi sa akin yung mga picture nyo sa MOA, sa park, sa mall, sa school. Nakita ko rin na suot niya yung polo na bigay ko sayo.. Nasa kwarto kayo non.
Napilay yata Ako. Hindi kasi Ako makalakad nung kinuwento mo na nagandahan sya sa heels ko na hiniram mo saken.Sabi mo kasi gagamitan yun ng pinsan mo.
Hiningi pa nga niya sayo diba? Tapos ibinigay mo.Napipi yata Ako. Nung sinabi mo na best friend mo talaga Ako.
Fuck you bes. Na bestfriend zone mo pala Ako!Oo nga First love never dies! Kasi kahit paulit - ulit kitang patayin sa isip ko..di ka mamatay matay!
Alam mo kung ano pa ang masakit?
Yung future wife mo..
Eh yung BEStFRiend ko!Kaya pala pag magkatxt tayo , sya yung madalas na topic.
Akala ko naman , gusto mo sya kilalanin para madami ka malaman tungkol sakin.Kaya ka pala sakin nagpapasa load , kasi wala na sya load .
Kaya pala nung bumili Ako ng chocolate hinigi mo..kasi ibibigay mo pala sa kanya.Damn you bes!
Ikaw nga ang aking first love na hindi mamatay -matay.Hindi talaga kita makakalimutan first love.
Sa dami mong iniwang ala-ala sa akin..
Marinig ko PA nga lang ang pangalan mo..inihahanda ko na ang itak ng tatay ko!____________=======__=_=_________
My first one shot story!
Hope you like it.--ailoveskotoh
08-06-16
