Chapter 1

74 1 1
                                    

Nasa perya si Bianca kasama ang kanyang kapatid ng malaman niyang makakapag-aral siya sa Maynila at libre na ang kanyang dorm at bayad na ang kanyang tuition fee sa Unibersidad na kanyang papasukan sabi ng kanyang guro kaya dali-dali syang umuwi sa kanilang bahay para sa balitang kanyang narinig at sabihin ito sa kanyang ina at ama. Nalaman na ng kanyang magulang ang balita kaya sila'y masaya para sa kanilang anak subalit sila'y malulungkot dahil mawawalay sa piling nila ang kanilang anak. Sabi ni Bianca "Ma, huwag na kayong malungkot ni Papa bibisitahin ko naman po kayo kapag hindi po ako busy". Ang sabi tapos ng kanyang ina "Oo nak , tandaan mo mga bilin namin ha at yung mga tinuro namin sayo. Lagi kang mag iingat dun anak at pagbubutihin mo pag-aaral mo" biglang sumagot ang ama " Nak , tandaan mo na mahal na mahal ka namin ng Mama mo". At syempre hindi magpapahuli ang bunsong kapatid " Ate , pag doon ka na sa Maynila eh tawagan mo ko ha". Naiiyak na sabi ni Bianca " Opo , di ko makakalimutan ang mga bilin nyo at mahal na mahal ko din kayo". Umeksena ang bading na katulong na si Paloma " ay naku! Bukas pa ang alis ni ateng , mudrakels and pudrakels. Tama na muna iyan at baka di na sya gumora sa bahay na itey". Natawa ang lahat sa sinabi ng bading na ito.

Umaga na kaya aalis na si Bianca para habulin ang 1st Trip sa bus papuntang Maynila kaya nagpaalam si Bianca " Ma , Pa , alis na po ako" at sagot naman nila "Sige anak , mag ingat ka". Nakahabol nga si Bianca sa bus na kanyang sasakyan , dumating na ang bus sa Maynila at masaya si Bianca dahil nasa Maynila na sya na dati ay pinapangarap niya lang ito. Bigla nyang sinabi ito "Maynila, nandito na ako!" Nang bigla niyang naalala ang kanyang kababatang si Miguel na nasa Maynila pala kaya napaisip siya " Saan kaya dito nakatira si Miguel? Miss ko na yun ng sobra". Pinagpaliban muna ni Bianca ang pag iisip at tumungo na sa kanyang dorm para malagay at maayos na ang kanyang gamit sa kwarto niya , dumating na nga si Bianca sa kanyang dorm na " Dormitory of Ladies" at sinalubong ito ng may ari ng dorm na si Miss Farro ng greetings " Oh iha , welcome sa dorm na ito nasabi sakin ng guro mong si Miss Susette tungkol sayo kaya "Iha, feel free to stay here and enjoy your study in Ateneo De Manila University. Eto nga pala ang number ng kwarto pati ang susi nito." at nagpasalamat si Bianca "Thank you po , Miss Farro" kaya tumuloy na si Bianca at pumunta sa kanyang kwarto.

Isang buwan ng nakalipas at malapot na ang bukas ng klase kaya naisipan ni Bianca na bumili ng gamit para sa school , may pera pa naman syang pambili kaya pumunta syang mag isa dun pero ang isang kasamahan niya sa dormitory ay nagpakilala sakanya "Hi! Bago ka ba dito? Ako nga pala si Paz , dito lang ako sa kabilang kwarto. Pwede bang makipagkaibigan sayo?". Masayang emosyon ang naramdaman ni Bianca ng may nakipagkaibigan sakanya kaya sabi nya "Oh hello! Ako naman si Bianca , oo bago lang ako dito. Sure pwedeng pwede para naman di ako laging mag isa". Sagot ni Bianca na parang may pinanghuhugutan ( sawi ba bes? Sawi). Nagulat si Paz dahil humugot "Bianx may pinagdadaanan ka ba? Haha jk lang to naman di mabiro" at agad itong sinagot ni Bianca "Uy wala ah haha , sige Paz alis muna ako, bibili ako ng gamit para sa school". Niyaya na rin ni Bianca si Paz kung gusto nyang sumama at pumayag naman si Paz kasi alam nyang bago palang si Bianca sa dorm at baka sya pa ay maligaw ( ang caring mga bes yie).

Nang makarating sila ng mall ay patakbo nilang pinuntahan ang National Bookstore pero isang lalaking walang paki alam sa dinadaanan nya na nakikinig ng music habang nagcecellphone ang nakabangga kay Bianca. "Oy lalaki! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo , may nakabangga ka na nga di ka pa nagsosorry!" At naagaw ang atensyon ng lalaki dahil sa sinisigawan siya ni Bianca. "Excuse me miss? Wala akong paki alam, okay! Kahit pa ireklamo mo to wala kang mapapala kasi kami ng nagmamay ari ng mall na ito. Gets?!" Kaya biglang nainis si Bianca dito at sinabing " Aba! Yabang ng lalaking to ah. Eh ano kung kayo ang may ari ng mall na ito? Ha!". Inirapan nalang ng lalake si Bianca at nag walk out (not knowing that si Miguel pala iyon, OMG mga bes sayang di pa nagkakilala).

Biglang umeksena si Paz " Uy Bianx! Tama na yan , sinasayang mo lang oras mo sa mokong na yun eh. Diba kaya nandito ay para bumili ehehe diba bes diba? Pero you know what , ang gwapo ni fafa ". Kaya di nakasagot si Bianca at tinuloy na ang pamimili ng gamit. Umuwing badtrip si Bianca ngunit nakikita ni Paz sa kanyang mukha na sya ay talagang naiinis kay Fafa kaya pinatawa niya ito and guess what nagtagumpay naman si Paz na patawanin sya.

Inabutan na ng gabi nung nakarating  sila sa Dorm at sinabi ni Bianca kay Paz na " Bes , sige pahinga na tayo nkakapagod naman kasi tong araw na to hays. But sa anong school ka?" At masayang sinagot ni Paz ng "Ateneo De Manila University!!! Kaya sabay na tayong pumasok ha! Sige good night mwuah! See you tomorrow ". Ayun nga pasukan na nga bukas kaya magpapahinga na sila at maghahanda para bukas.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now