Chapter 5

25 0 1
                                    

BIANCA BAUTISTA

Sa mga ilang araw na lumipas , naging busy ang lahat kung kaya't hindi na kami masyadong nagkikita at nag uusap ni Paz pati na rin si Miguel.

Ewan ko ba pero i have the feeling na namimiss ko rin pala yung Mokong na yun , i mean kakamiss rin pala siya. Ano ba nangyayari sakin? Exam na nextweek tapos eto pang pagdeday dreaming ang inaatupag ko , makapagreview na nga lang.

Biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ng kwarto kaya agad ko itong pinagbuksan at oooh nasurprise ako si Paz pala , napag isipan niya pa palang magparamdam sakin pero natawa ako dahil kaya pala siya kumakatok para tanungin ako kung pwede ko ba siyang turuan ng mga lessons , ayy kung di ko lang siya mahal nako.

Habang tinuturuan ko tong bessy ko , nawawala ako sa aking pag iisip na parang may bumabagabag sakin at namimiss ko ang isang taong kahit anino ay di nagparamdam. Ay nako!bat ganito ako mag isip wohooo rock and roll to the world. Di ako gagawa ng move at lalong lalo hindi ako mag aantay kasi ayokong umasa kasi masakit eh. Let's just go with the flow diba HA HA HA kaloka.

MIGUEL JUSTINE

Heto ako buong araw nag rereview binabantayan kasi ako ni Mama eh bawal daw lumabas ng bahay kahit magpaturo sa mga kaklase sa bahay nila eh di rin ako pinapayagan. Namimiss ko tuloy si Bianca dahil ilang araw na din ang lumipas na di kami nagkakausap at nagkikita.

Pero ako ba? Namimiss niya rin ba? Hmm sana oo. Assuming mo tol! - sabi ko sa sarili ko.  Oh parang tanga lang din ako dito hays.  Sana bumilis yung oras para exam na at hindi na ko maging busy ng sobra sa pagrereview para naman makita at makasama ko na si Bianca eh talagang namiss ko na yung mga ngiti niya at ang maganda niyang mukha.

Sabi ko tuloy sa sarili ko na balang araw mapapasaakin ka Bianca, sisiguraduhin kong  magiging akin ka lang at di ka na maghahanap ng iba kundi ako lang. Papatibukin ko yang puso mo para mafall ka sakin pero narealize ko na di ganun kadali at  kabilis e execute yun masyado yatang mabilis pero di ko sya mamadaliin kaya after ng exam ay magpeprepare nako para sa napag isipan kong plano.

AUGUST 26,2016

Exam day na nila!!!!!

BIANCA BAUTISTA

Nandito na kami lahat sa kwarto pati Miguel nandito na rin sa tabi ko pero bakit parang tumitibok tong puso ko tapos gusto na lagi syang nakikita at nakakasama. Bakit ganun? Ayy shemay naibigay na pala ang mga sasagutan sa exam. Good luck to me! Sinabihan ko rin si Miguel ng good luck na may kasamang ngiti at nginitian nya ko pabalik hehe.

Fast Forward .....

Tapos na yung exam tila bang nabuhayan na kami lahat at wala nang aabalahin pa.

Bigla na lang akong kinausap ni Miguel na after class daw ay pumunta daw ako sa likod ng school , hmmm ano kaya ang balak nito at may pa likod ng school pa syang nalalaman. Omg baka aalokin na nya ako kung pwede manligaw omg omg omg!. Ayy ayokong umasa kasi masakit baka mag expect ako ng sobra sobra pero di rin pala nangyari hahays buhay nga naman pero dibale na lang. Sige Miguel mamaya ay pupunta ako.

Eto na nga at nasa Cafeteria kami ngayon ni Paz , nag aalala sa magiging resulta ng exam namin pero iba naman yung iniisip ko yung tungkol sa sinabi ni Miguel kanina , nacucurious ako sa maaaring mangyari mamaya. Nanggulat ba naman si Paz dahil tulala daw ako at parang wala sa sarili bigla ba naman akong inasar kay Miguel ugh makakabawi din ako sayo Paz balang araw , sabi ko sa kanya.

MIGUEL JUSTINE

Oy! Anong oras na? Kanina pa yung dismissal namin ah  um'Oo naman siya na pupunta siya pero bakit wala pa rin siya hanggang ngayon , pinapaasa niya ba ako o pinapahintay niya sa wala haha teka, pareho lang yun tss tanga ko talaga , sabi ko sa sarili pero parang napalakas ata boses ko nun.

Biglang dumating si Bianca at nagulat sa kanyang mga nakita pero narinig niya kaya ako? Di ko kasi siya napansin eh. Hala! Baka narinig niya , patay tayo nito eh sige lang MIGUEL drama pa dyan. Pagkatapos nun ay niyaya ko na syang umupo sa table at pinaglingkuran ko siya para ipakita sa kanya ang pagka gentleman ko chosero naman meh.

Pinag-usapan namin ang ilan sa mga karaniwang tinatanong ng tao tungkol sa lovelife pero after noon ay inalok ko na siya , tumayo ako at pumunta sa kanya hinawakan ko ang kanyang kamay pagkatapos ay hinalikan ko ang kanyang kamay at  lumuhod sa harapan na sinasabi ko sa kanya kung pwede ko ba syang ligawan at agad naman niya binigay ang kanyang sagot na OO na sinunod niya ng "Patunayan mo yan ha". Kaya niyakap ko siya agad agad at niyakap niya rin ako ng pabalik wuhoo kinikilig ako mga bes. Bianca Bautista ? Humanda ka kasi papakiligin ka ng isang Miguel Teodosio!.

Pero parang nagdududa na ko sa mga sinasagot ni Bianca feeling ko ay may nararamdam siya para sa akin , hindi naman sa nag aassume ako pero ramdam ko kanina na kinakabahan sya at pinapawisan ng todo , diba isa sa mga signs yan? Hah? Ewan nalang. Hinayaan ko nalang muna at binigyan ng importansiya ang pagiging masaya ko dahil sa pumayag siya sa alok ko kaya ngayon sabi ko " Let the game begin!" At di  ako susuko kahit may bago mang lalaki na dumating sa buhay niya.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now