BIANCA BAUTISTA
Hindi ako makaget over sa nangyari samin ni Miguel kanina medyo kinilig naman ako kasi ano kasi mahal ko siya. Biglang pumasok si Paz at kinulit ako sa nangyaring "date" namin kanina sa likod ng school , nakita niya kasi dahil sinamahan niya ako , alam mo naman yun hindi pwede na hindi niya alam ang tungkol kanina kasi magtatampo yun and as a good bestfriend eh sinabi ko para walang away.
Kinuwento ko sakanya with matching sapak dahil kilig to the max talaga ang nafeel ko at syempre naki sabay din si Paz sa moment na yun kaya nagsapakan kami. Ansaya diba HA HA HA, sinabi ko kay Paz na manahimik na siya at matulog na lang kami dito sa kwarto ko kasi niyaya ko siya , go na go naman kaya yun kasi magkabilaan lang naman kwarto namin.
Nakita kong tulog na si Paz pero ako gising parin hindi kasi ako makatulog hahays.
Pinayagan ko si Miguel na ligawan ako pero naguguluhan ako kasi si Miggy rin diba nanliligaw tapos magbestfriends pa silang dalawa. Ugh di na nga lang muna ako mag oover think para di ko masyadong iisipin to at natulog nalang. Umaga na at papasok na ko sa school pero may pamilyar na mukha na may dalang isang boquet ng flowers at malaking pack ng chocolate.Noong malapit na ko ay palapit ng palapit din siya at si Miguel pala yun. Tinanong niya kung pwede daw ba na siya nalang ang magdala ng mga gamit ko kaya ayun binigay ko pero namataan ko si Miggy ma nakatingin na lamang samin doon sa isang sulok kaya bigla akong natahimik nang biglang sumulpot si Paz.
Kahit kailan talaga si Paz oh! Hinding hindi talaga siya nawawala sa mga ganitong eksena. Tinawag ni Paz si Miggy dahil nakita niya ito , may crush kasi to kay Miggy eh pero alam ni Paz na may gusto sa akin si Miggy kaya medyo na disappoint sya pero agad naman niyang natanggap na hannggang paghanga lang talaga siya kay Miggy.
Binati namin ni Paz at Miguel si Miggy nung palapit na siya samin pero alam kong nalulungkot siya kasi nahahalata ko sa mga mata niya ang pagseselos niya sa ginagawa ni Miguel. Nung malapit na kami sa classroom ay umupo na kami sa mga upuan namin kasi magsisimula na ng klase kay Prof eh.
Past Forward.....
MIGUEL JUSTINE
From this day and so on , liligawan ko siya hanggang sa sagutin na niya ko. Recess na namin ngayon at plano kong manglibre syempre kasama na dun si Paz HAHA alam mo naman di nagkakahiwalay yung dalawang yun eh. Tinawag ako ni Miggy dahil gusto niyang mag usap kami kaya agad ko siyang pinuntahan at nag usap kami sa bench dun sa garden.
Nalulungkot ako sa itinapat sakin ng bestfriend ko dahil napagpasyahan niyang sumama nalang sa Mama niya papuntang Canada kaya naiyak ako kasi mamimiss ko siya ng sobra. Ang sabi nya tatawagan naman daw nya ako sa Skype at mag uusap kami tungkol sa nangyayari sa mga buhay namin after na maghiwalay kami. Kaya sabi niya na magbobonding kami sa mga natitira nyang days dito sa Manila , October na kasi sila aalis eh .
Nagyakapan kami at nag iyakan. Nako parang mga bata kami ,pwede bang matawa? HA HA HA. Bigla kong narinig ang mga boses na pamilyar sakin at syempre si Paz at Bianca yun. Tinatawanan nila kami at inaasar na Bromance kami , loko talaga sila hahays.
Ay! Iniwan ko nga pala silang dalawa kaya nandito rin sila. Uyy kayo! Bat andito kayo? Bumalik nga kayo dun sa Cafeteria. Nagtatampo sila at sinabi nila in a padabog way haysst eto kasing si Miggy eh may pabalibalita pang nalalaman yan tuloy sumama loob nila sakin. Oo na kasalanan ko na babawi nalang ako sa kanila ng bonggang bongga.Hindi tumagal at niyaya ko ulit sila sa Cafeteria ng biglang tumunog ang bell. Ugghh! Kainis talaga ohhh wrong timing pa sige na nga lang some other time nalang mga bes ay bukas nalang haha promise
Bumanat si Paz ng wag magpromise kung di rin naman magagawa at dumagdag pa tong si Bianca dahil umagree siya pero in a cute way pero kay Paz in baby tone way hahaha peace tayo Pazzy! Sinapak niya ko ng malakas at umangal ako ng OUCH! In a pagkabading way. Sumingit na rin si Bianca at sinabing natuluyan na ako sa pagbromance namin kanina ni Miggy kaya ayun sabay tawa sila halos humagalpak na sila sa kakatawa na parang walang bukas eh.
September 10
Plano ko sanang yayain si Bianca na lumabas kami na kaming dalawa lang kaya tinext ko siya at pumayag naman siya omg yes masosolo ko na siya sa wakas.
Nandito ako sa labas ng dorm nila at hinihintay ko si Bianx na lumabas kaya speaking of her eh saktong lumabas siya pero shet ang ganda niya kaya bigla nalang akong natulala.
She snapped at me at sinigawan niya ko dahil tulala ako sinundan niya pa ng ang aga aga nagdedaydreaming agad at sa harapan niya pa huhu kahiya sorry na bes.
Sabi ko na tapos sakanya na alis na kami at pumunta sa park kaso parang kanina pa ako di mapakali dahil may sumusunod yata sa amin kaya ayun di napapagod si Bianx sa kakalingon dun sa likod. Buti pa yung taong sumusunod samin nililingon eh ako hindi talaga , saklap mga bes.Akala ko hindi ko masosolo ko na si Bianx dahil sumulpot nanaman si Paz pero may sinabi lang siya kay Bianx at umalis kaagad pero akala lang pala yun. Pagkaalis ba naman ni Paz eh magbabye lang may sapak pang kasama , aray naman po.
Habang naglalakad kami sa Park , tinanong ko si Bianx kung gusto niyang magfood trip kami kaya pumayag agad siya kasi go na go yun sa mga ganitong bagay, sumigaw sya at tinuro ang mga streetfoods. Sinagot ko ng ahhh sa michael - sa michaelid-gilid. Sinabihan niya ko ng ang corny ng joke ko at gutom lang ako kaya nagjoke ako
Nung nakarating na kami sa baga at chicken skin vendor ay nagsimula na rin kaming kumuha at kumain kaya sinabi ko na libre ko kaya she's free to eat as many as she can haha bilib din ako dito kasi ako , nakakatatlo palang ako sa baga tapos siya, nakaka sampu na sya haha grabe ilan ba alaga nito sa tiyan niya.
Sunod na pinuntahan namin ang chicken vendor pero wala namang pinagbago haha marami parin kumain grabe. Sinabihan ko sya na sige lang Bianx baka tumaba ka ha kasi ang lakas mo kumain parang baboy pero naiinis yata siya at tumigil na parang nagtatampo. I made it up to her kasi di nya ko pinapansin haha pero ang cute niya pagnagtatampo parang bata na gusto kong iuwi sa bahay namin kaya may naisip akong paraan para di na sya magalit o magtampo.
Sabi niya na magbabati lang kami kung bibilhan ko siya ng ice cream doon kaya pinagbigyan ko kaya ako rin kumain na rin ng ice cream. Ang gulo ko kasi kaya nahulog ice cream ko sa shirt ko omg namantsahan yung damit ko . Ako , nalulungkot dahil madumi na damit ko tapos siya , grabe tawa ng tawa at ang cute ko daw pag nainis dahil napipikon ako so childish of me naman.
Kaya sabi ko sakanya na pag hindi sya tumigil sa kakatawa eh yayakapin ko siya eh bigla naman syang tumayo at tumakbo , habulin ko daw siya kung kaya ko so hinabol ko na sya nang nahabol ko na siya at malapit na ko sakanya ay naabot ko siya at ginawa ko sakanya ang back hug shems kinikilig ako pero bigla syang natahimik kaya hinarap ko siya sakin
Namumula siya haha ang cute pa lalo , nilapit ko yung mukha ko sakanya pero ang tahimik niya parin kaya mas nilapit ko pa mukha ko hanggang sa ang lapit lapit na talaga at nakapikit na siya. Sabi ko sa sarili ko na magpapahalik ba siya or hindi pero sana oo diba haha. Kaya hinalikan ko sya pero hindi parin umalma at rinig na rinig ko yung tibok ng puso nya ang lakas lakas tapos bigla syang lumayo at sinabi sakin na " Miguel , di ko to masabi sa harapan mo kasi nahihiya ako nung past few days pero sa totoo lang eh gustong gusto kita kaya tinatanggap ko na Miguel , girlfriend mo na ako sa ngayon" at nakangiti pang sabi yan ha.
Tama ba narinig ko? Nakoo im gonna be the happiest guy ever , kaya sabi ko thank you Bianx thank you! I love you! At agad niya akong sinagot ng I love you too Miguel so ang happy namin dalawa ngayon at inenjoy ang araw naming dalawa na magkasama yohooo. Sabi ko sakanya na "hinding hindi kita iiwan at sasaktan dahil pinapangako kong nandito lang ako lagi para sayo pag kailangan mo ko" tapos sabi nya na "sige naniniwala ako pero kung mangangako ka siguraduhin mong gagawin mo ha Miguel" at ngumiti lang ako at niyakap ko ulit sya at sinigaw ko sa lahat na " Girlfriend ko na si Bianca! Yes kami na! At mahal na mahal ko siya!!!!"
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionDalawang magkakaibigan na nagkakilala simula noong bata pa sila at noong sila'y tumatanda na ay hindi nila inaasahang , mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.Saan ba hahantong ang pag-iibigan nina Maria Bianca Bautista at Miguel Justine Teodosio, mag...