Chapter 2.5 : The Big Day (part 2)

19 0 0
                                    

Qrstn's POV

On the way to Pearl Hotel, I just can't stop thinking what happened. I can't believe what dad's secretary told me. After ilang minutes nakarating narin ako sa venue. Nakita ko si secretary Sally na nakatayo sa labas ng hotel probably waiting for me. Lumapit na ko sa kanya.

"Qrstn, you're here. I've been trying to call your dad but he doesn't answer. Is he with you?" Huh? naunang pumunta dito si dad ah!

"What?! He went here before me! Kanina pa siyang 3pm pumunta dito ah!" sagot ko

"Look, nagkaroon ng sunog sa reception area kanina. I didn't know this was going to happen! Everything was going perfectly! Ugh! Alam mo ba kung nasaan na ang dad mo? Kailangan ko na talaga siyang makausap" at tinry niyang icontact si dad.

A-ano daw? Reception? Sunog? Dad? Nawawala? Information overload! Ugh! Totoo ba toh?! Baka mamaya ginugood time lang nila ako kasi birthday ko. Baka surprise ni daddy ito. Pero hindi eh, alam kong hindi. From the worried look of secretary Sally you will know that this is not a joke.

"Sabi nang di ko alam eh! Nauna siyang pumunta dito!" sigaw ko sa sobrang panic at galit.

"Ugh! This can't be happening!" halatang naiinis narin siya.

"I'm going to call dad!" kailangan ko siyang makausap.

*Calling Dad*

"Hindi nagriring! Nasaan na ba siya?!" pagrereklamo ko

"I also don't know. Let's call the police first!" sige dapat lang. kailangan ko ng malinawan sa mga nangyayari

*Calling Police*

"Hello ma'am? Can you please come here at Pearl Hotel Reception area? We have something that we wanted you to investigate. Thank you. Please come immediately" sabi nung secretary sa kausap niya sa phone.

Pano na yung party ko? Hindi na matutuloy? Cancelled na? Once in a lifetime celebration totally VANISHED? Wake me up from this nightmare. Please.

Napagdesisyonan ko narin after ilang minutes. Hindi na matutuloy itong debut ko. Nasira na. Wala na.

"Call everyone invited and tell them THE PARTY IS CANCELLED! This is so frustating! Of all the day in this freaking year, why now? Why?!" Sa sobrang galit ko napaclenched fist na ko. Gusto kong maiyak. Gusto kong manuntok. Gusto kong magwala. Anytime magbbreak down na ko kaya naisipan kong pumasok muna sa kotse.

Hindi nagtagal dumating na ang mga pulis. Inexplain naman ni secretary Sally sa kanila ang mga nangyari at nagsimula na silang magimbestiga.

After 2 hours ng pagiimbestiga.

"Ma'am tapos na po naming imbestigahan. Nagkaproblema lang po sa wirings" Hindi kasi inaayos eh! Akala ko pa naman ready na ang lahat!

"Oh thank goodness! May nasaktan ba?" halong relief at concern ang naramdaman ni secretary

"Ah M-ma'am, m-ma-may nakita po kasi kaming katawan sa loob ng reception" Ano katawan?! Sino naman kaya yun? Staff?!

"Ha?! Kilala niyo ba kung sino yun?!" Tanong ko

"Forensics are still working on it ma'am. May alam po ba kayo kung sino ang pumunta dito bago kayo?" -police

"Well.... No, my party starts at 6 pm and it's still 5:20 masyado pang maaga para magsidatingan ang mga guests and sinabi ko sa guard na wag magpapasok ng guest hanggat hindi pa 6. Who the hell will- Wait! I haven't seen my dad and he went here before me! Have you seen him?!" Hindi kaya si dad yung? Hindi, hindi pwede. No!

"Baka po kasama na ng mga staffs. Pero bago po kayo umalis may itatanong lang ako. Alam niyo po ba kung kanino ito?" May pinakita yung police na phone at watch na nakazip lock plastic. Phone yun ni dad ah! At yung watch familliar yun eh! Hindi napakali yung secretary nung ipinakita nung police yung phone at watch. Para siyang kinakabahan na ewan. Anyare sa kanya? Hays maya ko na nga lang isipin.

"Phone yan ni dad! Ibig sabihin ba-" naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit yung police

"Hindi tayo sigurado ma'am. Iimbestigahan pa po namin."

"YOU BETTER MAKE SURE!" sabi ko with a serious face

"Opo. Tatawagan ko nalang po kayo pag sigurado na kami. Thank you for your cooperation"

"Yes thank you too." sabay shakehands nila nung police

Umalis na yung police at nagcheck in muna kami ni secretary sally dito sa hotel habang hinihintay yung resulta.

Hindi na ko mapakali. Ano ba?! Ang tagal naman nila! Mga pagong ba sila?! Grabe nakakainip nang maghintay! GGGGRRRR!

"Ano, wala pa bang balita?!" Irita kong tanong sa secretary

"W-wala pa Qrstn." mahinang sabi ni secretary

*KRING KRING KRING* nagring yung phone ni secretary. Hay salamat after 739204627193026 years. Sinagot na ni secretary phone niya.

"Hello? Have you figured out whose body is it at the reception?" Tanong ni secretary sa kausap niya.

"Ok. I understand. I'll tell her" with matching nod at inend na niya yung call. Bakit parang masama ang kutob ko?

Bigla namang lumungkot yung expression ng mukha ni secretary. Bakit ano ba kasing nangyari?! Nakakairita na eh! Kanina pa ko naghihintay ng balita!

"WHAT DID THEY FIND MY DAD?! WHOSE BODY IS IT AT THE RECEPTION?!!" nagmamadali kong tanong sa kanya

"Q-qrstn, h-hindi ko alam pano k-ko sasabihin ito." ano ba! bakit siya nauutal?!

"WHAT DID MY DAD GET HURT?! WHERE IS HE?! IS HE FINE?! ANSWER ME SALLY!!!" gusto ko masagot lahat ng katanungan ko

"U-uhm Qrstn-" ang bagal naman oh! Leche!

"ANO?!" isa pa! naiirita na ko ah!

"W-wa-wala na a-ang d-dad mo." mahina niyang sabi

Huh? Ano daw? Tama ba narinig ko? 'Wala na ang dad mo'. Wala na si dad? Si dad? Wala na? Sana pala hindi nalang ako nagtanong.Sana hindi ko nalang siya pinilit na sagutin ako pero kahit anong gawin ko masasaktan at masasaktan parin ako. That sentence trully pierce my heart. Suddenly I felt a tear on my right cheek then followed by another on my left cheek then another then another until I lost count. Bigla nalang akong natauhan. Hindi pwede toh! nagsisinungaling siya!

"YOU'RE KIDDING ME RIGHT?! *sob* SALLY YOU'RE LYING RIGHT?! *sob* THAT'S NOT TRUE! TAKE BACK WHAT YOU JUST SAID! *sob* *sob* MY DAD'S ALIVE HE IS ALIVE! HE IS *sob* A- *sob* LIVE" kinwelyohan ko na si sally at inalog-alog

"H-he was the body at the reception..... The policewoman said that h-he got s-stuck in the re-reception area a-and...." Hindi ko na siya pinatapos at nagwalkout na ko.

habang naglalakad narinig ko sinabi niya "Happy Birthday" pabulong na sabi nung secretary. PANO MAGIGING HAPPY ANG BIRTHDAY KO?! PANO?!

Sobrang nagbreakdown na ako. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na kaya. Bakit sabay sabay yung problema ko? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon? Sino nang mag-aalaga sakin? Sino nang magiging strength ko? I can't live independently. Kinuha na nga sakin ang mom ko, pati pa ba si dad? Ganun na ba ako kamalas? Yun na ba ang karma ko sa mga masasamang nagawa ko? Si dad, siya ang pinakamahalagang tao sakin. Siya lang ang nakakaintindi at nagmahal sakin. Siya lang. Hindi ko kakayanin pag mawala siya. Hindi.

I cannot accept the fact that dad is gone forever. That he already VANISHED.

Hindi ako tumigil sa kakaiyak. Ngayon nalang ulit ako umiyak. Ang huling iyak ko kasi 8 years ago ata. Nagtatakbuhan kami ni daddy tas nasugatan ako. Ibang iba yung sakit ng sugat ko sa tuhod sa sakit ng dibdib ko ngayon. Sa tingin ko hindi ko malalagpasan ang pagsubok na ito. Ilang oras ang nakalipas nakatulog narin ako. Sana panaginip lang lahat. Sana pagkagising ko si daddy ang makikita ko. Sana buhay pa siya. Sana.

Vanished UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon