Chapter 1: "X-TRADS" at ang AKING CRUSH

106 2 1
                                    

                  I'm sitting in a bench right now. Ako lang mag-isa dahil may pinuntahan ang mga friends ko. Ano ba yan? Friends ko ba talaga sila? Teka---ano to? Papalapit na sa kinauupuan ko si Anthony. Si Anthony Reyes na crush ng campus? na super duper crush ko since third year. ? Na love at first sight ata ako nun eh. Kasi transferee siya ng time na yun eh. Pero balik tayo sa present. Totoo ba to? Si Anthony papalapit sa akin. At nag---smile siya sakin. Pero umiwas ako ng tingin baka mapahiya pa ako mamaya. Alam nyo na? Nag-smile  nga siya pero hindi pala sa akin..Pero hindi ako mapakali sa kinauupuan ko eh..Gusto kong umalis. May naririnig akong mga padyak  na para bang papalapit sa kin. At mga ilang centimeters na lang ang layo ay may narinig akong hiyawan. Siguro si Anthony yung hinihiyawan nila? Pero chance ko na to para umalis.. Tama! 

                   Tumayo ako ng hindi man lang gumagawa ng tunog. Hina-hina akong lumakad. At ngayon nakatalikod na ko sa kanila. Pero biglang.

"Dianne!" may sumigaw galing sa likod ko.

                     Sino kaya yun? Pero boses lalaki eh. Hindi kaya si---------Anthony! O_O Unti-unti akong lumingon para tingnan kung sino yung tumawag sa kin. 

"Hi Dianne.!" tawag ni -----Anthony. Habang tumatakbo papunta sa kin.

"H-hi.." sabi ko na halatang kinakabahan.

*lub-dub-lub-dub-lub-dub*

"San ang punta mo?" nakangiting tanong nya.

" ah..sa ano...next class ko. sige bye." nagmamadaling sagot ko.

                    Nagisisinungaling lang ako. Sa totoo niyan hapon pa ang next class ko. Nagsinungaling ako kasi nung tingnan ko yung mga babae sa likod ni Anthony eh--nag-aapoy na yung aura nila. 

"Teka..Dianne!" sigaw ni Anthony habang papalayo na ako sa kanya.

"Dianne!" may sumigaw at parang malabo nang ma-identify kung sino yun.

"Dianne...Gising.."sabi nang isang babae namasyadong malabo yung mukha.

                  Tapos may naramdaman akong may kumurot sakin.

"ARAY!!!!"sigaw ko.

"Yes? Ms Torres? What's wrong?" tanong ng Professor. Sa totoo lang hindi ko alam yung pangalan niya at hindi ko rin inaalam kasi alam kong makakalimutan ko ulit yan mamaya.

                 Lagot! Nakatulog ba ako? Kailan pa? Bakit hindi ko maramdaman na natutulog ako? Panaginip lang ba yun kanina....hayyy..mukhang panaginip lang talaga.Potek! Bakit sa subject pa ni Professor _______ ako nakatulog? Lagot na talaga ako nito,..

"Prof. baka naman natulog siya tapos ginising siya sa pamamagitan ng pagkurot. Kaya ayun  nasaktan at sumigaw.."sabat nang kaaway ko. Argghhhh....Yang pagmumukha mong napakapangit dodoblehin ko pa yan mamaya..Maghintay ka.

"Is that true Ms. Torres?" tanong ni Prof. habang nakahawak sa stick niya.

               Hindi ko naman kayang magsinungaling...Hay..Buhay...Hindi ba pwedeng lagi na lang sa bahay....Para wala nang kaaway...At para naman may dumating na blessings sabay-sabay....

               Pinadala ako sa POD...(prefect of discipline) At after 30 min. ay pinalabas na ako. Pagkalabas ko nakita ko ang mga friends ko..tapos na ba ang klase? siguro..At biglang dumaan si Marielle ay! ang sarap sipain..

"Sht! Leche talaga yung Ella Marielle Sifuentes na yun.."sabi ni Shirley na halatang nanggigigil na para bang may gustong sabunutan..nakakatakot sia...Mommyy.......

"hey! Relax....Exhail...Enhail..." sabi ni Anne kay Shirley na parang pinapakalma...Pero mali kaya yung procedure niya....=____= Ito naman si Shirley sinunod kaya ayun hindi na huminga pero pagkalipas ng 2 minuto nagreklamo na siya.Haha......Wag ka kasing sumunod kay Annie alam mo namang gaga yan..

Partners In Life?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon