****
Hayyy....salamat at natapos rin akong umorder..Ang haba kaya ng line...papunta na ako sa table namin..Medyo malayo yung table nila sa kinatatayuan ko...tapos ang dami pang tao kaya kailangan kong mag-ingat baka mahulog tong lahat...kasalukuyan ko kasing dala ang isang tray na puno ng pagkain..Tapos yung dalawa pang tray na puno rin ng pagkain ay ipinadala ko dun sa isang waiter...Siyempre hindi siya nakatanggi sa kagandahan kong ito.
Nakaabot na ang waiter sa table namin pero ako mukhang 6 na hakbang pa...
*Blag*
Ah! Sht! Fck! Damn! Nahulog lahat ng pagkain...May nabunggo ata ako eh...Lumuhod muna ako para tingnan yung pagkaing nahulog. Tapos nang makita ko na tiningnan ko yung bumangga sa akin.Na hanggang ngayon ay gulat nagulat sa basa niyang t-shirt....
*lub-dub-lub-dub-lub-dub*
Ano tong feeling na to? Hindi ko dapat to nararamdaman...Kasi para kay Anthony lang dapat to....Ano ba to?
Tumayo ako at tiningnan siya sa amlapitan.....WOW!! ANG GWAPO, ANG HOT, ANG CUTE, ANG SEXY, ANG LAPAD NG NGITI NIYA...Teka! Stop! Hindi ko dapat pinagpapantasyahan ang lokong yan...
"Sorry po Kuya....Hindi ko po sinasadya.." sabi ko sa kanya
" Sorry? wala na yan sa diksyunaryo ko..." sabi nung lalaking nabangga ko.
"Kuya, nagso-sorry na nga po ako eh.."
"Aba.." Then he looked to the guys in a table "ikaw pa tong may kasalanan ikaw pa ang may ganang magalit....tss.."
"Hindi naman ho sa ganon---------"
"kiss me" tapos inilapit niya ng pisngi niya sa mukha ko
"huh? Ano ka sinuswerte?" Then umalis na ako papunta sa table namin.
*AT THE TABLE*
"KYAHHHH!!!!!" sigaw ko pero mahina lang
"Anong nangyari dun? Sino yung lalaki ?" RAyne
"Ay EWAN!In fairness gwapo siya ah..." sabi ni Shirley habang nakatutok sa likod nung lalaking nabunggo ko.
"wag no na nga yang pagpantasyahan,..!" ako
"Teka--Nasaan na ang pagkain ko?" Shirley
"Teka---Hindi nyo nakita ang pagkain na nahulog pero napansin nyo yung lalaking bumunggo sa kin?" ako
Nag-smile lang sila.....
"Gutom na ko.." pa-cute kong sabi
"Mag-order ka na lang ulit? ok?" Trisha
"No other choice" ako
NAg-order ulit ako...At papunta na sana ako sa table nang makasalubong ko ulit yung lalaki kanina...Pero iniwasan ko siya...Pero hinaharangan niya ako..
*IWAS*
*HARANG*
*IWAS*
*HARANG*
*IWAS*
*HARANG*
"Sht! Damn! Anong bang problema mo?" sigaw ko sa kanya. natingnan ko rin siya sa malapitan..May black hair...Maputi..Cute...Mas matangkad pa sa kin...gwapo...napakatangos ng ilong niya...... Parang babae....huh? PARANG BABAE?? OO nga noh....kapag naging long hair siya mapagkakamalan mo talaga siyang babae.
"gusto lang naman namin makipagkilala sa iyo..." pa-cool niyang sagot.
May lumapit na 5 lalaki...Sila yung lalaking nasa table kanina......KYAHH!!!! bakit ba ang gagwapo nila? ang cute....ang puti...angels ba sila? Yung isa may red hair , na maputi, na matangos ang ilong. Yung isa kulot......Yung isa parang kamukha lang nitong gwapong nilalang na nasa harapan ko...teka..KAMBAL ba sila?? Parang kasi talagang magkapareho sila ng mukha eh...Naiiba lang yung hair nang dalawa..Itong nilalang na nasa harapan ko may Black hair samantalang siya may golden hair....Yung isa napaka -cute.....Siya ata ang pinakamaliit sa kanila pero matangkad rin siya..At yung isa medyo spiky yung hair...