Sa iyong Ngiti.. (ONE-SHOT)

489 20 11
                                    

Minamasdan kita nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin..

"Hi Fe." tawag mo sakin kaya napalingon ako sa direksyon mo at binigyan kita ng isang matamis na ngiti at sinagot ka ng "Hi." :">

Sobrang saya ko tuwing napapansin mo ko. Oo, alam ko.. siguro sadyang friendly ka lang, pero kahit ganyan ka, napapansin kong di mo ko nakakalimutang batiin kahit gaano pa karami ang taong nakakasalamuha mo araw-araw. Edi ako na'ng assuming! Pero ano bang paki niyo? Love Story ko to kaya wala kayong magagawa kung ano ang gustong isipin ko. :P

Sana nga bukas.. Umamin na siya tapos tatanungin niya ko kung pwede niya kong maging girlfriend tapos sasagutin ko siya pero siyempre, magpapakipot muna ako ng konti tapos magpapakasal kami tapos magkakaro'n kami ng maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming maraming anak! Tapos.. Tapos..

"Fe!" sabi ni Ge(pronounced as 'Je') as she snapped her fingers.

"Si Felix, papalapit oh!" bulong niya. "Ok, act natural." pero halata namang kinikilig ang kaibigan ko, at heto naman ako, kinakabahan. Ano kayang kailangan niya? :\ Baka babati lang?

"Hi Fe!" sabi na eh! ;) Pero napansin kong bigla siyang napatingin sa labi ko at hinawakan yung pisngi ko. Geez, eto na ba yun Lord? *o* Hahalikan na ba niya ko? OMG. Di pa ko ready! Buti nalang nakapag-toothbrush ako.

Napatingin rin naman ako sa mga labi niya.

Mapupulang labi at matinkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit..

Ipinikit ko na ang mga mata ko at inilapit yung nguso ko, konti na lang ay hahalikan na niya ko.

Konti na lang..

Konti na lang..

Konti na lang..

Teka, ba't ang tagal?

Iminulat ko ang isa sa mga mata ko (O.-) at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.

"May dumi ka sa labi mo." sabay punas nito at heto naman ako, pulang-pula. TAKTE! ANG LANDI MO FE! SOBRA! ANG ASSUMING PA! ANO BAAAAA! T__T Lord, alam ko naman pong alam niyo, na alam nila, na alam nating lahat na naging mabuti akong nilalang kaya kung pupuwede, kunin mo na ko! Ngano naaa! As in.. NOW NAAA! Amen. ( -/\- )

"Huwag kang mag-alala, cute ka pa rin naman eh." Sabi niya sabay kurot sa pisngi kong mala-kamatis.

O.o Like what was that? Lord, Forget what I've said before..

Marami pa pong nagmamahal sakin. Si mama may sakit, aalagaan ko pa siya. Yung mga kaibigan ko, wala nang gagawa ng assignment para sa kanila. At isa pa, Alam kong may pag-asa pang maging kami kaya Lord.. I LOVE YOU! Long live po sana sakin. O:) -/\-

Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin

Umalis na siya sa harap namin nang may ngiti sa kanyang mga labi. Syet Felix, tama na! Baka tuluyan akong mahulog sayo at mabasag ang aking mga buto dahil baka walang kang balak na saluhin ako. <///3

Sa iyong Ngiti.. (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon