Nag umpisa lahat ng kaguluhan na nangyare kay Kyungsoo ng lumipat siya sa kanyang bagong kwarto sa Dorm ng kanyang eskwelahan kung saan, naka sama niya ang tatlong lalaki. Si Baekhyun, ang pinaka matanda sa kanilang apat, masiyahin, palatawa at malambing yan ang mga katangian niya. Si Sehun ang pinaka bata, siryoso lagi,bihira ngumite pero napaka protective sa mga importante sa kanya. Si Jongin naman matigas ang ulo, pala-asar pero napaka loyal at laging nandyan tuwing kailangan mo.
"So ano sabi ko na sa inyong dalawa na akin si Kyungsoo, at wala na kayong magagawa para kunin siya saken!" Pagbabanta ni Baehyun.
"Pasensya na hyung, pero di ko kayang palampasin ang mga sinabi mo, dahil akin si Kyungie at akin lang siya!" Hirit naman ni Sehun.
"Nag-aaksaya lang kayo nang mga oras niyo, dahil halata naman na sa akin may gusto yun si Kyungsoo hyung ehh!" Pagmamalaki naman ni Kai.
"Halata naman na walang magpa-paraya sa ating tatlo ehh, kaya ganto nalang. Kung sino man ang unang makapag-pahulog kay Kyungsoo sa kanya, ay siya ang panalo at sa kanya mapupunta si Kyungsoo." Paliwanag ni Baekhyun.
"Sige, sang ayon ako diyan kasi halata naman na panalo na ako ehh!" Sabi ni Kai habang may smirk na nakalagay sa kanyang mga labi.
"Tignan nalang natin may the best man win!" Sabi naman ni Sehun. at nag kamayan na silang tatlo, hudyat ng pag uumpisa ng kanilang pustahan para sa kanilang mina mahal na si Kyungsoo.
Pagka-gising ni Kyungsoo ay agad sumalubong sa kanyang ilong ang amoy ng pagkain, itlog,bacon at friend rice. Kaya bumangon siya upang tignan kung gising naba ang kanyang kasama sa kwarto na si Baekhyun, at nakita na niyang walang tao sa kama nito kaya dumiretso na siya sa banyo upang mag hilamos. Pagka tapos niya ay dumiretso na siya sa kusina ng kanilang kwarto(Oo may kusina ang bawat kwarto sa dorm ng Eskwelahan nila, mai-ihantulad ito sa isang condo.) At nakita niya dun ang iba't ibang pagkain na nakahain sa lamesa at ang 3 niyang kasama na lahat ay nakangite sa kanya? Miski na si Sehun na mas bihira pa sa leap year kung ngumite.