Una: Smitten

79 1 2
                                    

“Tulala ka na naman.” Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nagsabi nito sa akin.

Itim na bilugang mata kapares ng kanyang itim at kulot na buhok. Maamong mukha at perpektong labi.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo at hindi ko napigilan ang pagporma ng mga ngiti ko.  Paano ko ba naman mapipigilan ang hindi mahalin ang nasa harapan ko.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong pa nya sa akin.

“Wala naman. May iniisip lang ako.” Maiksi kong sagot sa kanya.

“Ano naman yun? O sino?” Medyo malungkot at may halong pagkainis na pabalik niyang tanong sa akin. Kasabay noon ay ang pagtalon ng puso ko sa reaksyon niya. 

“Bakit nagseselos ka ba sa taong laman ng isip ko ngayon?” At binigyan ko sya ng isang mapaglarong ngiti.

“Oo naman ..kung hindi pa halata nagseselos ako.”

Tumawa ako ng mahina, pilit kong ikinubli kung gaano ako natuwa sa sagot niya. Damn, baby. I am just too damned.

“Bakit ka naman magseselos sa sarili mo?” nakangiti kong sagot sa kanya.

Ang lalaking ito, siya ang responsable sa pagpapasaya sa akin ng ganito. Mahirap ipaliwanag pero sa bawat ngiti at salita nya, parang unti-unti nyang binubuo ang pagkatao ko.

Nabatid ko ang pagporma ng isang ngiti sa maaliwalas nyang mukha. Isang ngiti na parati kong nakikita sa kanya, ang ngiting abot sa mata nya. Ito yung pinakagusto ko sa kanya, parang sa bawat ngiting totoo nya, para bang pinapahiwatig nito na ako yung dahilan ng saya na nararamdaman nya. At dahil doon lubos ang saya ko.

“Natutuwa lang ako na ikaw at ako ... masaya tayo sa piling ng isa’t-isa.” Bulong ko sa tenga nya.

Lalo pang lumawak ang ngiti nya at parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Ang mapuputi nyang ngipin na ipinakita nya .. papaanong hindi kita mamahalin ng ganito?

“Hindi mo alam kung paano mo ako kinumpleto.” Tugon nito sa akin. Ilang saglit pa ay lumapit ang mukha nya sa akin at akmang ilalapat nya ang labi nya sa pisngi ko pero pinigil ko siya .

“Wag Ken, wag dito. Maraming matang nakatingin.”

Bahagyang gumusot ang maamo nyang mukha pero tumango ito at ngumiti sa akin.

Bakit kailangan mong ulit-ulitin ang pag ngiti sa akin? Baka hindi ko mapigilan.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang propesor namin. Kasabay nito ay ang pagdating ng ilan naming kaklase at nagsimula na ang klase.

Nakaupo kami na magkatabi sa may dulo ng lecture hall. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t-isa.

Minsan pa ay nagtatama ang aming mga mata, nahuhuli nya akong sumusulyap sa kanya at ganun din naman sya sa akin.

Itinuon ko ang atensyon ko sa harapan. Mabilis ang paglipat ng slides, marami ring sinasabi ang babaeng nakatayo sa unahan pero hindi naman ako nahihirapang makasabay sa aralin. Lalo pa at inspirado ako dahil sa katabi ko.

Chemical engineering ang kurso na kinukuha ko samantalang si Ken naman ay Industrial Engineering. Pareho kaming nag-aaral ngayon sa isang prestihiyosong paaralan ng bansa.

Pareho na kaming nasa ikaapat taon, at kung seswertehin ay isang taon na lamang ay makukuha na namin pareho ang titulong iginagapang namin.

Boring ng math. Mas masarap pang titigan ka kesa makinig sa sinasabi ni prof.

 

Kailangan mo pa ba talagang magtext kahit nasa tabi naman kita?

Ang makulit na si Ken, nagawa pa talagang magtext sa akin. Hindi na naman din niya kailangang makinig sa tinuturo ng propesor sa unahan, mahusay naman talaga siya sa mga numero. Bagay talaga sa kanya ang kursong Engineering.

Mas gusto ko sana na ikaw ang nasa unahan ko, para ikaw lang ang nakikita ng mata ko.

 

Maloko talaga. Pero ewan ko ba, simpleng mga ganitong salita nya lang, parang lumulundag ang dibdib ko. Hay, bakit ba kasi mahal ko ang nilalang na ito?

Kaliwang kamay ko ang gamit ko habang nagsusulat ng ilang mag importanteng detalye, nasa may gilid ko naman ang kanang kamay ko na siyang ginagamit ko pangreply sa kanya.

Sasagot pa lamang sana ako sa huling text nya nang bigla kong maramdaman ang isa manit na kamay na dumampi sa kamay ko.

Binigyan ko sya ng isang tingin na kinikwestyon ang ginagawa nya.

Nginitian nya lang ako bilang tugon. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Pero inilapit nya lang ang katawan nya sa akin at pasimpleng bumulong.

“Hayaan mo lang ako.” kasabay ng isang matamis at mapaglarong ngiti.

Katulad ng inaasahan, agad na namaang bumilis ang pintig ng puso ko.

“Per-“

“Walang nakakakita.” malumanay nyang sabi.

Natatakpan ng katawan ni Ken ang mga kamay namin at nasa ilalim na parte rin naman ito ng upuan. Lahat rin ng mata ay nakapokus sa unahan. Wala akong nagawa kundi hayaan lamang sya sa gusto nya habang ang kalooban ko ay nagdidiwang sa ibang klaseng tuwa. Bumaling ako sa direksyon niya at kita kong nakapokus sa unahan ang mata niya pero nakangiti at alam kong nakatuon ang ngiting iyon sa akin.

Well, to say that I am madly smitten would be an understatement.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon