Ikaanim: Disappointment

29 1 5
                                    

“KENZIE! What were you thinking? For crying out loud!”

Ito na nga ang kinahihintakutan ko. Ayaw ng Mama ni Ken sa akin. Halos atakihin sa puso ang nanay niya nang sinabi niya kung sino ako. Hindi ko naman din siya masisi.

“Mom stop that.” Malumanay pero may halong pagbabanta ang tono ni Kenzie.

Alam ko sobrang close nilang mag-ina pero bakit hindi ko yun makita ngayon.

 Galit at sakit, yan ang nakikita ko sa parehong mata nila. Disappointment.

“You had the guts to bring that in our house?” Sabay noon ang panduduro sa akin ng Mama ni Ken. Napatungo na lang ako. Oo, hindi siya payag sa amin pero hindi naman niya kailangang ipahiya ako ng lubusan. Pero naiintindihan ko naman.

“MOM PLEASE!” tumaas na rin ang tono ng boses ni Kenzie.

“Ken.. “ mahinang saway ko sa kanya. Hinawakan nya pa ng mas mahigpit ang kamay ko, parang sinasabi niyang hindi niya ako iiwan.

“ARE YOU REALLY OUT OF YOUR MIND SON? Hindi kita pinalaki para maging ganyan. I have better plans for you... at ano? Sisirain mo lahat yun? I am not in favor of this relationshit”

“Mom, we love each other. I just came here to let you know that, not to ask about what you think about our relationship.”Ipinagdiinan niya ang huling salita.

Pagkatapos ng sagutan nilang mag-ina ay umalis na kami sa bahay nila na hawak hawak  pa rin ni Ken ang kamay ko.

Umiiyak lang ako nang tahimik. Nakaupo ako sa isang sulok ng kama ng nahanap naming patuluyan. Nasa malayong kabila naman ng kama si Ken, magkatalikuran kami.

Alam kong alam niyang nasaktan ako pero ayaw kong ipakita ito sa kanya. 

Nag-away sila ng nanay niya dahil sa akin. Masakit ang mga sinabi ng nanay ni Ken sa akin pero mas masakit yung pakiramdam na makita mo ang dalawang taong nagmamahalan na mag-away dahil sayo. Alam kong mahal ni Ken ang mama niya at ganun din naman ang mama niya kay Ken.

“Sorry .. sorry for letting you suffer like this.” mahina niyang sabi.

Hindi ako kumibo.

“It’s unfair for you. Ako tanggap na tanggap ako ng mama mo tapos .. ikaw. Nasasaktan ka dahil sa akin.” Malungkot pa niyang pagpapatuloy.

Pinili kong huwag na lamang umimik.

Humiga na ako sa kama.

Naramdaman kong ganoon din si Ken.

Niyakap niya ako at hinalikan ang balikat ko..

“Sorry mahal.”

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon