Ikatlo: Proposal

39 1 2
                                    

Kinagabihan ay naisipan naming lumabas ni Ken.

Nagpunta kami sa campus. Sabado ngayon kaya walang tao masyado, meron man ay mangilan-ngilan. Isa pa, madilim na kaya wala na halos makikitang mga pakalat-kalat na tao ngayon.

Pinili namin ang isang foot road, parang short cut ito. Hindi kalawakan ang daan pero maayos naman. Pinili naming dito dumaan para makaiwas sa ilang taong maaaring makakita sa amin. Mahirap na. Tago ang relasyon namin. Desisyon namin iyong dalawa para na rin mapatatag ang kung anong namamagitan sa amin. Sa ganitong paraan, mas tahimik kami.

“Dito muna tayo. “ aya ko sa kanya.Tumigil kami sa gitna ng kalsada. Tumango lang si Ken sa akin, walang imik. Kanina ko pa napansin na medyo tumahimik siya kumpara sa normal na ugali nya.

Hinawakan ko ang braso niya. Tiningnan niya ako.

“May problema ba?” Marahan kong tanong.

“Wala naman.” Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata nya. Peke at hindi tunay at parang kinakabahan siya sa di ko mawaring dahilan.

Inilagay nya ang kaliwang braso nya sa balikat ko at inakbayan ako. Hinalikan nya ang ulo ko.

“Mahal.”Malambing niyang tawag sa akin.

“Ano yun, mahal?” binaling ko ang ulo ko para makita ang mukha niya. Nasisinagan siya ng ilaw ng buwan. Ang gwapo niyang mukha, ang gwapong mukha ng mahal ko. Bakit ba ang swerte ko sa iyo?

“pinag-iisipan ko sana ..” Bigla akong kinabahan sa tono niya pero wala akong sinabi .. hinintay kong ituloy nya ang sasabihin niya.

Huminga sya ng malalim. “Gusto ko sana na magpropose na sayo.”

Parang nabingi yata ako sa huli niyang sinabi. Wala akong naging reaksyon. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Alam kong naghihintay siya ng sagot, sinasabi yun ng dalawang itim na mata na nakatitig sa mata ko.

Huminga ulit sya. Mas malalim na buntong hininga. Inilabas nya sa bulsa nya ang isang kwintas. Wala pa rin akong sinasabi. Parang natuod ako sa kinauupuan namin.

“alam ko nagulat ka..” panimula niya. Tumawa siya ng bahagya, bakas ang kaba sa mukha niya. Hindi ko pa rin mahanap ang tamang salita, basta lang ako nakatingin sa paggalaw ng labi niya.

“Pasensya ka na kinakabahan talaga ako.” Ipinako niya ang tingin nya sa paa niya. Isa na namang malalim na paghinga ang pinakawalan niya.

“Wag kang mag alala pinag-isipan ko na itong mabuti. Tatlong taon na naman din tayo. Kilala na kita, kilala mo na ako. Mahal kita at mahal mo din naman ako. Marami na tayong pinagdaanan. Nasubukan na tayo ng panahon at masasabi ko namang nakayanan naman nating magkasama lahat ng pagsubok.”

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Masyado akong nagulat pero ikinasaya ito ng buong kaluluwa ko.

 “Saksi ang buwan at kalangitan .. gusto ko na pagdating ng araw ikaw yung makasama ko.”

Hindi ko na napigilan at isa-isa na silang kumawala sa mata ko pababa sa pisngi ko. Emosyonal na kung emosyonal pero anong magagawa ko. Kung ikaw ba ang nakakarinig ng ganito sa taong mahal na mahal mo ng sobra-sobra..mag-iinarte ka pa ba?

Kenzie Havier pala ang pangalan ng matangkad at morenong lalaki na iyon. Sabi ko sa sarili ko.

Kenzie Kenzie Kenzie.. Nakakatuwang bigkas-bigkasin ang pangalan niya. Parang pyesa ng tugtugin na napakasarap pakinggan.

Naalala ko yung unang beses na napalapat ang mata ko sa kanya. Siya na yata ang pinakaperpektong nilalang na nakita ko noon.

Sa pagdaan ng araw, naging mabuti kaming magkaibigan at unti-unti ko siyang nakilala habang ganoon rin naman siya sa akin.

Noong una pinigilan kong pilit ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko namalayan na sa halip na mapigilan ay lalo pang tumindi ang pagtingin ko sa kanya.

 

Sa kalaunan ay inamin ko sa sarili ko na nabigo ako. Nabigo akong kontrolin kung ano man ang mayroon sa dibdib ko.  Huli na nang mamulat ang mata ko kung gaano na kalaki ang puwang niya sa buhay ko.

At ngayon, heto ako, nakikinig sa pagbubuhos ng damdamin ng lalaking matagal kong pinangarap na mapasa akin.

Masaya ang buong kaluluwa ko sa mga takbo ng pangyayari. “Mahal ko, hindi pa naman kita papakasalan bukas.” Tuloy pa naman niya.

Tumawa ako at bahagya kong pinisil ang braso niya. Niyakap niya ako. Muli ko na naman naramdaman ang pakiramdam na sobrang kapanatagan dahil sa mga bisig na may hawak sa akin ngayon.

“Wala pa akong sing-sing. Itong kwintas na lang muna ang magsisilbing simbolo ng pangako natin sa isa’t-isa.” 

Ipinakita niya sa akin ang dalawang magkaparehong kwintas. Isang nasa palad niya at isang suot-suot na nya.

 “Sabay pa nating aabutin yung mga pangarap natin. Sabay na kakanta ng hymno ng paaralan natin sa araw ng pagtatapos natin at sabay na tatanggapin ang mga titulo natin. Pagkatapos noon ay saka ko tutuparin ang pangako ko at papakasalan kita.”

Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko. Masaya ako, umaapaw at sumasabog sa kaligayahan ang buong pagkatao ko.

Hinayaan ko siyang isuot ang kwintas sa akin bilang tanda ng pagpayag ko sa pangakong ito namin.  Saksi ang  buwan at buong kalangitan sa pagsisintahan naming dalawa.

And that was the far most happiest night of my existence.

 

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon