Chapter 6

37 2 1
                                    

Zeke's Pov

Oo. May gusto na ako sa kanya. Ambilis no. Ideal girl ko kasi sya. Yun lang naman yung nagustuhan  ko sa kanya eh. Pagiging talented. Wala ng iba.

Kahapon habang nag papractice kami ng sayaw , nanonood sila. Para bang by group yung kung sino una mag peperform ganun! Pansin ko nakatitig sya kay Paulo. Lintek na yan. Parang may gusto pa ata sya kay Paulo. Tignan lang natin kung kanino mapupunta si Keisha.

Third person's Pov

Kitang kita ko kung paano nakatingin si Zeke kay Keisha. Well , talo ko sya. Sakin nakatingin si Keisha. Actually , matagal na akong may gusto kay Keisha at Bestfriend ko sya.  . Pero natakot ako kasi laging nandyan yung Kuya nya. Pero hindi na ngayon. Kaya ko na syang makuha.

Keisha's Pov

Hayy. Eto kami ngayon. Nagpapraktis para sa opening number ata. Sila Zeke na yung nasayaw. Akalain nyo yun? Magaling pala syang sumayaw. Pero yung isa , parang namumukhaan ko sya. Pao , Piolo , ata name nan. Ay basta! Familiar yung mukha nya eh. Pogii. Hahaha

"Insan"
"Insannnn"
"Keisha Yvette Navarro Dela Vega"
"Bakit ba ? " nakakainis tong si Elle. Inaalala ko kung sino yung lalake kanina eh.

"Ano ? Kailangan buo talaga yung pangalan bago lumingon syaka sino ba yung tinitignan mo? Pogi? Type mo? Paano si Papa Zeke?

Aba. Andaming tanong ah. Iniisip ko lang naman kung sino sya. Kasi nga familiar yung mukha nya eh. At pano napunta dito si Elle? Di naman yan kasali dito.

"Hey you Ms. Elle Devon Navarro Santiago. Dami mong satsat. Kailan mo pa naging tatay si Zeke. ?" May pag papa Zeke pang nalalaman. Di naman nya Tatay.

"Kj mo po. E sino ba kasi yang tinitignan mo? " pag uusisa ni Elle. Paano ko masasabi eh hindi ko nga matandaan kung sino yon. . Ting ! Bright Idea! Baka kilala nya kung sino yon. 

"Ayun oh. " tinuro ko. " Kilala mo ba ? Para kasing familiar yung mukha nya kaso hindi ko matandaan." tanong ko kay Elle. Mukha naman syang may iniisip.

" Ay. Si Paulo. Paulo Acosta yan Kei. You sure na di mo yan kilala? "  Paulo. Paulo Acosta. Aish. Hindi pa din.

"Itatanong ko ba yan sayo kung kilala ko?" sabi ko kay Elle. 

"Hahahaha. Di mo matandaan? Poor you! " natatawang saad ni Elle. Pesteng to! Parang di ko kamag-anak. So , kakilala nya nga ? 

"Sino nga kasi?" tanong ko.

"Bahala ka dyan. Isipin mong mabuti. Baka magtampo yan sayo kapag di mo sya naalala. Got to go na . Byee Insan" magtampo? Sino kaya yun.?

"Sige na chupi! "  pagtataboy ko sa kanya. Damot! Ayaw sabihin. 


Di ko namalayan na tapos na pala silang sumayaw. SI Elle kasi eh. Tumayo na ako. Nagpaalam na rin ako sa mga ka group ko. Bukas may practice naman sa Battle of the Bands.The Cove ang pangalan ng banda namin. Di ko alam kung sino nag isip nan.

Papunta na akong locker. Wala tuloy akong kasabay. Sila Aleen at Kristin kasama pala ni Elle. Nag mall daw. Inasar pa nga ako. Masyado daw kasi akong talented kaya ganun. Text ko nalang si Kuya. 

To Kuya: Kuya , hintayin nalang kita sa parking lot :* 

Tagal naman nun mag reply. Nilagay ko lang yung CD namin sa locker ko. Bakit kasi ako pa yung naisipan na pagtaguin nitong CD. Finally , nag reply na din.

From Kuya: I'll be there in 15 minutes. Take care. 

Naglalakad na ako ng biglang...


*BOOOGSHHH*


Ansakit ng puwetan ko. Huhuhu. Sino naman tong nakabunggo sakin. Pag tingala ko. Parang nakakita ako ng anghel. Eto yung Paulo. Oo nga! Sya nga.

"Sorry Keisha" he said while smiling. Napapaenglish ako eh. Kilala nya ako.

"O-oh .N-no . It's okay" I replied. 

"Hahahahaa. Mukhang hindi mo na ako natatandaan" sabi nya habang natawa.

"A-ah. Magkakilala ba tayo?" saad ko

"Hahahaha. Oo naman Pammy" sabi nya

Wait Pammy. P-A-M-M-Y . Siya si Pammy. Wahhhhhh. Si Pao -pao.

"Pammy ? WAHHHHH! Pao-pao ikaw ba yan ? " sabi ko

"Naman Pammy. Masyado na ba akong pumogi kaya di mo na ako nakilala?" mayabang padin sya. Walang pinagbago.

"Pao-pao naman eh. Kailan ka napunta dito? Diba nasa States ka ? Masyado mo ba kaming na miss ni Elle kaya umuwi ka na ? Bat di mo pinaalam sakin? Bakit-" pinutol nya yung sasabihin ko.

"Isa isa lang. Mahina kalaban. " sabi nya.

Yieeee! Bumalik na yung bestfriend ko. Na miss ko din to si Pao-pao.


Zeke's Pov

Natapos na yung sayaw namin. Nakita ko si Keisha na tumayo. Di ko na sya susundan. Pupunta naman ako sa bahay nila. Pinapapunta ako ni Zion

Naglalakad-lakad ako ng makasalubong ko si Elle.

"Oh Zeke , tapos na practice nyo " tanong nya. State the obvious.

"Oo" yun lang sagot ko sa kanya. Pero bakit di nya kasama si Keisha?

"Elle" sabi ko.

" Uhmmm?" tanong nya 

"Si Kei-"

"Zeke dalian mo! Iiwan ka namin." Aish. Nakakainis tong si Louis. Kasama nya si Zion.

"Ah wala. " sabi ko kay Elle at pumasok na ako sa kotse ni Zion.

*****

(Still Zeke's Pov)

Andito na kami sa parking lot. Hinihintay namin si Keisha. bakt ba kasi ang tagal non? Naglagay na lang muna ako ng earphones. 

"Li'l sis bakit ngayon ka lang ?" boses yun ni Zion.

" Kuya , kasama ko si Paulo oh" Wait. Kasama ni Keisha si Paulo. Agad kong tinagtag ang aking earphones. Sumilip ako sa bintana. Tama nga ako. Si Paulo Acosta. Yung ka member ko sa sayaw. Pero bakit kasama nya si Keisha?

Hindi nalang ako nagsalita. Parang hindi ako napapansin ni Keisha dito ah.

"Pao-pao sama ka sa bahay. Andun si Elle. Syaka matagal ka na kayang gustong makita ni Tita Almira. " nagkwekwentuhan lang silang dalawa.

"Sige ba . Zion , okay lang ba ? Miss ko na tong si Pammy eh " walanjo! may call sign pa. Pangit naman Pammy.






Fall for youWhere stories live. Discover now