The day we fall in love Chapter 3

27 0 0
                                    

Habang nagtatawanan sila Nathalie at Lynn sa kakaasar kay Clark, Napansin ni Lynn na papuntang kusina si Joy habang daladala ang mga napagkainan nila, agad agad naman nitong lumapit sabay sabing "Joy, ako na magdadala nyan"

Binigay naman nito kay Lynn ang hawak. Natahimik sila Nathalie at Clark ng magsalita si Joy habang nagliligpit ng natirang plano sa mesa.

"Hmmp, alam nyo ba nitong mga nakaraang araw, naduduwal ako bigla bigla tapos mensan pag gising ko sa umaga nahihilo ako tapos may time pa na naghahanap din ng maasim yung panlasa ko."

"Bakit sinong buntis?" sagot ni Lynn mula sa likod ni Joy.

Tulalang napatingin si Nathalie at Clark kay Joy. Nilapitan ni Clark ang kaibigan at agad na pinaupo, lumapit naman ng bahagya si Nathalie at Lynn sa kaibigan.

"Tapatin mo nga kami joy, Nakipag sex kana ba?" agad agad na tanong ni Clark.

"yung totoo bheb, nararamdaman mo ba talaga yun?" si Nathalie.

"My god Joy, naunahan mo pa ako?" singit ni Lynn.

Napatayo naman si Joy sa tanong ng mga kaibigan, kinuha nito ang basong may tubig at ininom.

"Ano ba kayo? Hihimatayin ako sa mga tanong nyo ee." sagot nito.

Hinawakan siya muli ni Clark sa balikat at pinaupo.

"Yung totoo Joy nararamdaman mo ba tlga yun?" muling tanong ni Clark.

"Grabe naman kayo. pag nararamdaman mo ba yun buntis agad?" Joy

"So, buntis nga!" singit ni Lynn.

Hindi maipinta ang mukha ni Joy ng narinig iyon kay Lynn. Habang nagkakagulo si Cark at Nathalie sa kakatanong kay Joy. Tulala naman itong nag isip kung meron ba talagang nangyari.

Ilang sandali pa ang nakalipas, malakas na binatukan ni Clark si Joy sabay sabing “uii Tehh kanina pa kami salita ng salita dito oh, ikw nganga dyan.”

“wala talaga akong maisip, hindi ko alam” pailing na sagot nito sa tatlo.

“what? Di mo alam, nakipag sex ka tapos di mo alam?” pasigaw na sabi ni Nathalie.

“naku, nagkakagulo kayo di pa naman natin sure kong buntis nga! “ aniya ni Lynn.

“oo nga naman, ikw kasi Lynn ee, sabi sabi kang buntis naniwala tuloy kami sayo.”nakangiting sabi ni Clark.

Matapos ang gabing iyon, nagsiuwian na din sila Lynn at Nathalie. Kahit sa pagtulog iniisip pa din ni joy kung buntis ba tlga siya o sadyang pagod lang ang dahilan ng pagkahilo nya.

Kinabukasan, Hindi na nagbukas ng resto sila Joy at Clark dahil Sunday.

Maaga pa din silang gumising para magsimba,Pagkatapos magsimba dumeretso ang dalawa sa mall para mamili ng regalo para sa darating na birthday ng papa ni Clark.

“Bheb, Wag na lang kaya natin bilhan si papa ng gift, di na din naman ako uuwi samin ee.” Mahinang sabi nito kay Joy.

“Naku, bumili kana tsaka tandaan mo ang sabi sakin ng mama mo, papayag siya na sakin ka muna titira pero pupunta ka sa birthday ng papa mo.”sagot nito sa kaibigan.

“sige na nga.”

Nag ikot ikot sa department store ang dalawa para maghanap ng pweding maregalo ni Clark sa papa nito. Habang namimili si Joy ng mga damit, napatingin ito bigla kay Clark at nagtatakang tanong “Bakit Clark?” Madali naman itong napatingin kung saan nakatitig si Clark.

“Nick! Nick its you Nick.” Sigaw ni Clark sabay lakad papunta kay Nick.

“oh, Clark Nagkita tayo ulit, Bakit ka nandito?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The day we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon