" bheb, nakikiusap naman ako sayo! huwag muna ako isama sa party na yan, lalo na kung mga mayayabang aa, i mean mayayaman ang mga pupunta." Nakasimangot na pakiusap ni joy sa kaibigan.
" pero bheb, hindi ko naman matanggihan si nathalie." Malungkot na sagot nito.
"eh, basta ayaw ko. Hindi ako pupunta"
" bheb, hahayaan mo ba na mag isa lng na pumunta doon ang Bestlove mo. pag may masamang mangyari sakin doon, ikw din?" Nakatalikod na sabi ni clark na may halung naiiyak na tinig.
" clark! " sigaw nito
walang nagawa si joy kundi sumama kahit na labag sa kalooban nitong pumunta siya para sa kaibigan. Sa labas palang sila ng napakalaking hotel. Mapapanganga kana sa mga makikita mo.
" bheb! " sigaw ni lynn sa kanila " kanina ko pa kayo hinihintay dito " dag-dag pa nito.
" ee, kasi itong kasama ko ang tagal" aniya ni clark.
" ayaw ko nga kasi pumunta dito" sigaw nito.
" naku, huwag na nga kayo mag away 18th birthday ni nathalie, kaya dapat andito taung lahat " sabi ni lynn sa dalawa sabay hawak sa magkabilaang kamay nila joy at clark.
Pagdating sa loob, natambad sa dalawa ang mala palasyong hotel na kahit sa kasuluk-sulukan ng hotel ay may ginto.
" bheb, hindi ba nakakahiya yung suot natin dito?" bulong ni clark kay joy.
" uwi nalang kaya tayo" sagot nito.
"walang uuwi! " sigaw ni nathalie muna sa likuran ng tatlo.
Napalingon naman sila ng marinig si nathalie
" tara na kumain muna kayo. Ipinaghanda ko ang mga favorite niyong food." Nakangiting sabi ni nathalie sa mga kaibigan.
Dalawang araw bago ang kaarawan ni nathalie ng manalo sa lotto ang tatay nito, at dahil nag-iisang anak ito lahat ng gusto ni nathalie nabibigay nang kanyang ama.
Nakalipas ang dalawang oras.
" Sandali lang magCCR muna ako" aniya ni joy sa mga kaibigan.
" bheb, baka naman tatakas ka? hindi pa tapos ang party maaga pa!" sigaw ni lynn.
" oo na! oo na!" sagot nito.
Nasa harap na ito mg CR ng biglang naisip niyang.
" huh! exit yun aa!" sabay turo. "hmm, itetext ko nalang sila pag nakarating na ako sa bahay. Sasabihin ko sumakit bigla yung tiyan ko." Nakangiting bulong nito sa sarili.
Dali-dali siyang pumunta sa exit at agad agad na bumaba. Pagdating sa 3rd floor ng hotel may nakita siyang isang lalaking nakahandusay sa sahig. Kaya naman nagmadali itong puntahan ang lalaki.
" Sir! Sir! okay lang po ba kayo?"
Nang nakita niya ang mukha ng lalaki, natulala ito sa kagwapuhan ng binata.
" wow! ang pogi naman ng lalaking ito" Sabay kagat sa labi nito. " oh! lord thank you gumanda ang gabe ko"pahabol pa nito.
Sinubukan niyang akayin ang binata subalit hindi niya ito kinayanan. Natumba siya sa mga bisig ng lalaki dahil sa kabigatan nito.
" oh my G" bulong nito.
Laking gulat nito ng biglang niyakap siya ng binata. Tinulak niya ito ng malakas para makawala sa yakap ng binata.
"anu bang problema mo aa" sigaw nito sa binata.
Tinitigan siya ng mapupungay na mata ng binata at dahan-dahan itong tumayo. Nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa dalaga.

BINABASA MO ANG
The day we fall in love
Lãng mạnwhat if sa birthday party ng best friend mo, nakilala mo ang isang lalaking napakasungit, mata mahirap, at higit sa lahat mapang-insulto. para sayo, anung gagawin mo sakanya pagnameet mo ang isang lalaking gaya niya?