.....
Bago kami makaakyat ng bundok may dadaanan pa kaming bahay. Bahay pahingahan kumbaga. Ang nakatira dito ay ang matandang nakatuklas ng simbahan sa bundok sya si Nanang. (bawal ikwento masyadong sagrado kung pano natagpuan ung simbahan). Kay Nanang ka mag papaalam na aakyat ka ng bundok para kausapin nya ung mga nagbabantay doon (hindi ito mga tao) mga ispirito daw un sabi ni Dadi. Mga alas dose na ng umakyat kami. Sobrang tarik ng mga dadaanan talagang alay lakad. Pagkarating namin sa simbahan nag pahinga kami ng ilang saglit at inumpisahan ng gamutin ang may sakit unang nilubog sa tubig ung lalaking nakasabayan namin sa pag akyat. Parang may sira sya sa pag iisip. Kasi napansin ko tawa siya ng tawa tapos biglang lulungkot ung muka niya. Di ko nga siya matingnan maigi ee nakakatakot kc tapos maya maya nung nilubog na cia (hanggang dibdib lang) tumirik ung mga mata nia as in puti lahat. Nasindak ako ng biglang bumulong bulong hindi namin maintindihan latin yata tapos biglang lumakas ung hangin. Ang ginawa nung leader na si mang Jayson ay lumusong na rin upang hawakan sa noo ung pasyente at bigla na lang itong nakatulog. Habang inaantay namin magising ung pasyente. Dinasalan na ni mang Jayson c ate Mae. Orasyon ang tawag don . Matapos noon ay sya ang nilubog sa tubig gaya ng huli hanggang dibdib lang .. Nanood ako kung anong mangyayari baka tumirik din ang mga mata nia sa isip isip ko. Pero hindi, dighay lang sya nga dighay. Bakit? Yan ang tanong ko sa sarili ko. Yung dighay na pilit lang tapos paulit ulit. Nagtanong ako sa tita Ana ko asawa mo tiyo Joe kum bakit dighay ng dighay si ate. "ganian talaga yan pag binabarang parang nilalabas niya kung ano man ang nilagay niya'' - tita Ana
" edi ba tita hangin lng un ?" -ako
"basta manood ka na lang"
ginawa ko nga ung sinabi niya nanood ako. Maya maya pabilis ng pabilis ung dighay halos hindi na sya makahinga. Tapos nakita ko ung tubig bumubula. Ano kayang nangyayare sabi ko sa isip ko. Matapos non inahon na sya sa tubig. And then ung balat nia mas lumala parang naglabasan na ung sugat hanggang mukha na niya nagkaroon.
.....
Gabi na ready na kami para matulog ng biglang pumasok c ate Mae sa loob nong simbahan. Tapos tumitig sya don sa altar. Nagulat ako bigla syang nangisay tapos tumirik ung mata at nahimatay. Tinawag ko sila dadi upang ilabas si ate Mae sa simbahan. 5 silang nagtulong tulong na buhatin c Ate Mae dahil sobrang bigat daw e hindi naman ganon kataba c ate Mae .. Pinaypayan namin cia ng pinaypayan hanggang sa magising .. Pagtapos nun parang walang nangyare .. At napapansin ko parang mas lumalala ung mga sugat nia .
...
:)
sorry ampangit ko mag narrate hahahahah