Alexa P.O.V"Alexa, anak, alexa gising na" naririnig kong bulong ni mama sa akin
"Waah 5 more minutes mama please" sabi ko sa kanya at tinakip ko yung kumot ko sa ulo ko
"Baby 11 a.m na ooh anong oras na bangon na" sabi ni mama sa akin kaya no choice bumangon na ako at para akong zombie na naglakad papunta sa c.r para maligo
"Bilisan mong maligo!" Sigaw sa akin ni mama aaw grabe si mama sa akin huhuhu wala pa namang pasok eeh 1 week pa bago magpasukan pero ang nakakapagtaka di pa ako nakakapag pa enroll
Ako nga pala si Alexandra Cruz or you can call me alexa hihi, 16 years old at 4th year na ako sa darating na pasukan
Pagkatapos kong naligo lumabas na ako ng c.r ko at nagbihis na nag short at white t shirt lang asa bahay lang naman ako eeh
Pagkababa ko pumunta ako sa sala at nakita kong nakaupo si mama at papa roon kaya lumapit ako at humalik sa pisngi nila, bait kong bata noh haha
"Ma bat niyo po ba ako ginising ng maaga?" Tanong ko kay mama habang paupo ako sa harapan nila
"May sasabihin kasi kami sayo anak" seryosong saad sa akin ni papa
"Ano yun papa?" Tanong ko sa kanya hmm. Mukhang seryosong usapan nga ito
"Itratransfer ka namin anak" seryosong saad ni mama sa akin
"Aah yun lan- ANO MAMA ITRATRANSFER NIYO KO? BAKIT PO? SANG SCHOOL?" dire diretso kong tanong kay mama habang nakatayo na rin ako waah ayaw ko ng magtrasfer ng school kahit na masama sila sa akin ayos na ako sa kanila
"Anak calm down first" pagpapakalma sa akin ni papa kaya napa upo ako at napayuko
"Sige na anak pumayag ka na" pagmamakaawa ni mama kaya napatango na lang ako
"Eeh mama kailan po ba ang pasukan sa bago kong school? At kailan po ako magpapa enroll?" Tanong ko kay mama
"Ah next week na rin anak, tapos wag ka ng mag alala napaenroll ka na namin ng papa mo" masiglang sabi ni mama kaya naman napangiti at napailing na lang ako
Pagkatapos nun nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ako sa park pumayag naman sila
Naglakad na lang ako papuntang park, habang naglalakad ako iniisip ko na ang maaring mangyari sa bago kong school mabubully kaya ako? Baka naman mamatay ako ng maaga gosh
Ano ba yan alexa kung ano ano iniisip mo eeh
Hindi ko namamalayan nasa park na pala ako maraming naglalarong bata napaupo lang ako sa isang bench na malapit sa dalawang bata na naglalaro
Habnag pinapanood ko ang mga batang nanonood may lumapit sa aking dalawang bata isang lalaki at isang babae na nasa edad na 8 years old siguro
At nabigla ako dahil bigla nila akong niyakap na dalawa
"Ate Shrine! I knew it buhay ka!" Sabi nung batang babae
Huh? Buhay? Shrine?
"Ate! I miss you" sabi naman nung batang lalaki, naguguluhan ako.
Humiwalay ako sa dalawang bata na yumakap sa akin
"Mga bata, hindi ako ang ate Shrine niyo, I'm Ate alexa" sabi ko sa kanilang dalawa at nakita ko sa mukha nila ang kabiguan
Nagulat ako ng nakita kong lumuha yung batang babae hindi ko alam kung bakit ko sila niyakap ulit, parang may sariling utak ang mga kamay ko
"Shhh! Tahan na," sabi ko sa kanila pagkatapos ay humiwalay ako sa kanila at nginitian sila
"Anong mga pangalan niyo?" Masiglang tanong ko sa kanila medyo nahimasmasan naman na sila eeh
"Ako po si Bryan Felizardo" sabi nung batang lalaki ang gwapo niyang bata
"Ako naman po si Jessica Felizardo, at twins po kami" masayang sabi nung batang babae mabuti naman at masigla na siya at hindi na siya umiiyak
"Aah, ang babait niyo naman sino ba yung tinatawag niyong Ate Shrine?" Tanong ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot bagkus hinila nila ako at may pinuntahan kami
Nakarating kami sa parang kubo na medyo malayo sa park
"Asan tayo?" Takang tanong ko sa kanila
"Andito po tayo sa kubo na ginawa ni ate Shrine sa amin, si ate Shrine po 2 years ago sinabi nila na patay na daw po siya pero hindi po kami naniniwala, dahil ramdam po namin na buhay pa siya." Sabi jessica sa akin at ramdam ko ang lungkot niya. pero patay? Ang gulo
"Nakilala po namin si ate Shrine kasi po niligtas niya po kami sa mga bad guy na gusto po kaming kunin, ang galing galing niya po makipag laban" sabi naman ni Bryan halatang hinahangaan nila si Shrine
Shrine. Shrine. Shrine. Shrine
Bakit parang narinig ko na yung pangalan na yun. Argh whatever.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Nag enjoy ako sa dalawang bata na to
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ako sa kanila ayaw pa sana nila akong paalisin, ayaw ko parin sanang umalis pero baka malagot ako kay mama
Umuwi na ako sa bahay pagkarating ko sa bahay nadaanan ko si mama sa kusina na nagluluto hinalikan ko lang siya sa pisngi at umakyat na papunta sa kwarto ko at naligo muna ako
Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para magdinner , pagdating ko sa kusina andun na sila mama at papa kaya umupo na ako.
Nakakapanibago dahil ang tahimik hindi tulad dati na kapag kumakain kami ang saya
"Anak, ihanda mo na mga gamit mo aah mag dodorm ka kasi roon" sabi sa akin ni papa nanlaki naman ang mata ako pero napakunot rin bigla
"Bakit pa po ako mag dodorm?" Takang tanong ko sa kanila
"Kasi anak, mahal kung uuwi ka pa dito 3 rides kaya yun gagi ka ba?" Sabi sa akin ni mama napatawa naman ako naging maingay na ulit mas gusto ko ang ganito
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga ako
Shrine, bakit hindi ko ito maalis sa isip ko? Bakit napagkamalan akong Shrine? Magkamukha ba talaga kami? At yung dalawang batang yun, bakit parang matagal ko na silang kilala?
Aiish naguguluhan ako pero kung sino ka man Shrine sana bumalik ka na kasi naawa ako kila Bryan at Jessica malakas rin ang kutob ko na buhay ka pa, ang weird sa pakiramdam hays itulog ko na lang to
***
YOU ARE READING
The Long Lost GANGSTER
ActionShe's a hearthless gangster before She's like a demon She can kill you in just a blink of an eye But what if she can't remember anything And she live like a normal person, by the help of others, and you treat them like your real family Can she r...