Violet P.O.VAng weird ng kinikilos ni Alexa ngayon hays dibale na nga lang
Andito kami ngayon sa HQ namin sa school kung saan si queen ang gumawa hays nakakamiss si queen
"May napapansin kayo kay alexa?" Tanong sa amin ni Nathalie
"Meron, lagi siyang tulala this past few weeks simula nung umuwi siya sa kanila naging weird siya" sabi ni Andrea
"Sa tingin niyo siya si queen?" Hindi ko alam pero yan ang lumabas agad sa bibig ko
"Hindi ko alam, pero bakit pakiramdam ko may kinalaman siya kay queen, pakiramdam ko siya si queen" natulalang sabi ni Nathalie
"Imbistigahan kaya natin?" Sabi ni Andrea
"Paano kung hindi siya? Edi magaaksaya lang tayo ng oras" sabi ni Nathalie
"Tama siya obserbahan na lang muna natin siya" nakangising sagot ko at tumango na lamang sila at nagpatuloy sa kanya kanyang gawain namin
Alexa P.O.V
Andito ako sa likod ng school namin tapos naman na ang klase eeh kaya dito ako pumunta
May nakita akong puno na sa tingin ko HINDI ko kayang akyatin hays kawawang alexa haha
Umupo na lamang ako sa silong ng puno at humiga roon ang ganda kasi ng view at sariwa pa ang hangin makikita mo rito yung mga estudyanteng naglalaro or kung ano ano pa ginagawa nila
Mataas kasi tong likod ng school kaya kita lahat.
"Bakit ka andito?" Nabigla ako ng may nagsalita sa likod ko nanlaki ang mata ko ng makita kong si king ang kaharap ko kasama ang death gang
"Nakatambay" matapang na sabi ko kahit nanginginig na ako sa takot
Tinignan niya ako ng masama
"Hindi mo ba alam na bawal ang pumunta ng kahit sino dito pwera kami?" Cold na sabi niya sa akin nainis naman ako sa kanya nakita kong tinitignan ako nung mga kasamahan niya na umalis-ka-na-lang-look pero di ko sila pinansin maigas sila"Hoy! Ang yabang mo naman! Pupunta ba ako dito kung alam kong bawal? Magtatambay ba ako dito kung may nakasulat na bawal tumambay rito? Asan utak bro?" Inis na sabi ko sa kanya tss
"May utak ako, hindi ko lang alam kung ikaw meron" nakangising sabi niya sa akin
"Antipatiko!" Sigaw ko sa kanya ngumisi nanaman siya. Ano kaya kung tanggalin ko na lang yung labi niyang ngisi ng ngisi
"Antipatikong gwapo, alam ko yun matagal na" sabi nanaman niya pero nakapoker face siya yung mga kasama naman niya nagpipigil ng tawa
"Gwapo? Sang parte? Sa talampakan? Wow oo nga ang gwapo" sabi ko habang kunyari namamangha ako akala mo aah
"Atleast sa akin may natira pang gwapo eh sayo ni wala ngang masasabing maganda sayo eh" nakangising sabi niya sa akin aaargh what the?!
"Aaargh i hate youuu!" Sigaw ko sa kanya
"The feelings is mutual *wink*" kumindat pa siya aah ang kapal
"ANG KAPAL NG MUKHA MO AARGH!" sigaw ko at nagwalk out na pero bago ako tuluyang umalis tumigil ako sa harap ng kasama niya ang death gang tinignan ko sila ng masakit
"Ilabas niyo na baka ikamatay niyo pa yan" sabi ko sa kanila at tuluyan ng umalis narinig ko pa yung tawanan nila tss mamatay na sana silang lahat
Pumunta ako sa dorm namin at isinarado ito. Kinuha ko yung relo ko kung saan nakatago sa damitan ko
inilagay ko ito sa aking kamay at pinindot ko ito. bigla namang lumabas ang robot na di ko alam ang pangalan
"My queen" bati niya sa akin hindi ko siya pinansin
"Bakit parang bad mood ka queen?" Tanong niya sa akin tignan mo to. Robot ba talaga to? bwesit pinaalala niya nanamn waah i hate him hindi naman siya gwapo damn
"Bwesit kasi yung king na yun! Akala mo kung sino hindi naman gwapo tss sarap niyang paslangin" inis na sagot ko sa kanya buti na lang at andito siya na pwede kong paglabasan ng sama ng loob sana makaalala na ako
Hindi man lang siya sumagot sa akin tss useless
"Malapit na ba akong makaalala?" Seryosong tanong ko sa kanya
"Hindi ko alam queen, and queen kailangan mong gumamit ng contacts para takpan ang mga mata mo" sabi niya sa akin nagtaka naman ako
"And why? Black naman na yung mata ko aah" sabi ko sa kanya
"Black yan pero kung nagagalit ka nagiging red ang kulay ng mata mo" sabi niya sa akin at nawala na
"Astig, sino ba talaga ako?" bulong ko sa aking sarili dahil nagiiba pala yung kulay ng mata ko pero teka hindi naman ako si queen eeh bat ba queen ng queen to nakashabu ba yung robot na yun tanungin ko kaya sila mama at papa? Tss whatever as if may alam sila hays
Nagpalit ako ng damit t-shirt na black at pants atsaka nag converse lang ako bibili akong contact lense wala namang mawawala kung susundin ko yung robot na yun na walang pangalan
Tumakas ako dun sa kuyang nagbabantay hindi naman gaano kataasan yung pader kaya natalon ko kaso nahirapan ako huhu ang sakit bawal kasi lumabas sa campus kapag weekdays tss daming arte ang nasa loob lang kasi ng campus namin puro kainan lang tss
Nagpara agad ako ng taxi at sinabi ko sa mall
Makalipas ang ilang minuto ay andito na ako sa mall pumasok na lang ako at hinanap kung saan pwede makabili ng contacts hmm ayun!
Pagkapasok ko sa EO ayan yung name ng store eeh. Nagtanong ako dun sa babae na sales lady
"Miss san makakakuha ng contact lense?" Tanong ko dun sa babae
"Ahm ma'am come with me" sabi niya ngumiti ako at sinundan siya
"Ano po bang gusto niyong kulay ma'am?" Tanong sa akin ni jen? Jen yung name niya nakalagay sa damit niya eeh
"Black" sagot ko sa kanya
"Ah pero ma'am black na po mga mata niyo?" Sabi niya sa akin tinaasan ko siya ng kilay
"Bibigyan mo ako o sasabihin ko sa manager niyo na paalisin ka na dito?" pananakot ko sa kanya pero jokie jokie lang yan haha mabait naman ako noh pero kasi naiinis ako lalo na kapag nagmamadali ako tumakas lang ako baka mamaya mahuli pa ako
"Sorry po ma'am" natatarantang sabi niya at hinanap ang ang pinapahanap ko
Pagkahanap niya sinabi kong isuot niya na sa aking mga mata ginawa naman niya. Pero nakakapagtaka first time ko mag contacts pero bakit parang sanay na ako? Aargh whatever
"5 thousand ma'am" sabi niya sa akin kinuha ko yung pitaka ko at binigay sa kanya yung 5k
Huhu kawawang alexa wala na siyang baon T_T
Lumabas na ako sa store na yun at umuwi na nagpara ako ng taxi at sinabi ko ang name ng school namin
****
YOU ARE READING
The Long Lost GANGSTER
AksiShe's a hearthless gangster before She's like a demon She can kill you in just a blink of an eye But what if she can't remember anything And she live like a normal person, by the help of others, and you treat them like your real family Can she r...