Chapter four

48 2 0
                                    

Chapter 4 - Decision

Camille's POV

Uggghhh! Kumukulo ang tiyan ko! Teka.... anong oras na ba? Umaga na pala... ANO UMAGA NA?! Ibig bang sabihin hindi na nila ako ginising? Alam kasi nilang pagod ako eh, pagod umiyak dahil sa sinabi ni mamsie... kamusta na kaya si mamsie?

Nag-ayos muna ako ng sarili at patakbong pumunta sa kusina kasi naman gutom na ako. Hello? Kahapon pa ako hindi nakakakain noh.

Pagbaba ko nakita ko si mama at papa pati narin si mamsie at papsie. Kaya pala nadaanan ko yung guestroom nililinis ni Yaya kasi dito sila natulog. Tahimik lang akong pumunta sa pwesto nila, nasisiguro kong hindi pa nila ako napapansin. Napatigil ako ng marinig ang sinabi ni mamsie..

"May sakit ako, gusto ko man lang masilayan ang apo kong magpakasal bago man lang ako mamatay, kapag nakita ko na syang naikasal mapapanatag na ang loob ko." Sabi ni mamsie habang umiiyak.

Natigilan ako, bakit?? May sakit pala si mamsie. Hindi ko nalamayang napatingin napala sila sa direksyon ko. Nakita nila akong umiiyak. Nabigla sila eh base sa mukha nila. Tumakbo ako sa sala at niyakap si mamsie, umiyak lang ako ng umiyak. Sobra pala talaga akong mahal ni mamsie.

"Tahan na apo, ayokong nakikita kang umiiyak. Pasensya ka na at hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa sakit ko, ayoko lang namang mag-alala ka." Sabi sakin ni mamsie habang inaalo ako, ramdam kong umiiyak din siya kasi nababasa yung balikat ko.

"Sorry po mamsie, sorry po talaga...." paulit-ulit na sabi ko kay mamsie. Nagui-guilty ako sa pagbabalewala sa sinabi ni mamsie. Tinignan ko si papsie, napakalungkot nang mukha niya.

"Shhhhhsshh.. apo tahan na. Kasalanan ko naman iyon dahil binigla Kita. Pasensya narin apo." Sabi sakin ni mamsie.

"Mamsie, sasaya po ba kayo kapag pumayag na ako?" Tanong ko kay mamsie. Nagulat ata siya sa sinabi ko pero nakabawi din siya at ngumiti.

"Oo naman apo, hindi lang ako sasaya, mapapanatag pa ako" sabi ni mamsie habang nakangiti. Ang ngiting yun. Mukhang kailangan ko nang magdesisyon. Sana sa gagawin kong desisyon, maging maayos na ang lahat.

"Opo mamsie, Gagawin ko na po." Sabi ko ng nakangiti. Kumalas siya sa yakap at niyakap ulit ako ng mahigpit.

Kumalas ako sa yakap, nakita kong sobrang saya ni mamsie nadadala tuloy ako. Nakita korin ang parents kong nakangiti saakin.

"Group hug!!!!!" Sabi ko at nagyakapan kami. Ang saya.

Pagkatapos non, masaya kaming kumain ng almusal. Yung tungkol sa dinner namin ng FIANCEE ko, pag-uusapan nalang daw kasi hindi pa yata nagdedesisyon ang mapapangasawa ko kung sakali.

Jay Ashton's POV

Nasa kwarto lang ako nang biglang may kumatok.

"Sir nandyan po ag grandparents niyo, hinihitay po kayo." Sabi sakin ni yaya. Natigilan ako tungkol siguro yun sa marriage ko.

Tumango lang ako. What's the essence of saying anything? Masasayang lang laway ko. Masanay na kayo.

Bumaba na sya, naligo ako at bumaba na.

Pagbungad ko sakanila, niyakap agad ako ni lola, sweet ng lola ko. Tinapik naman ako ni lolo sa balikat. Umupo na kami.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa apo. Gusto kong pakasalan mo ang anak ni janileen at francis. Mapagbibigyan mo ba kami?" Sabi ni lola habang ang mga mata niya ay nakikiusap. Shit, konti nalang bibigay na ako sa gusto nila.

Hindi, hindi pwede.... fuck no way....

"Apo, pagbigyan mo na kami." Sabi ni lolo. Hays.. pano ba to? Tanggapin ko na ba?

Fuck!!!!!!!!

*Ting*

Napangisi ako sa naisip ko, okay papayag na ako, gagawin ko to para ipamukha sa monique nayon ang sinayang niya. Gagantihan ko siya.

"Okay, Deal" Sabi ko. Nagulat sila dahil basta nalang akong pumayag, ineexpect siguro nilang pipilitin pa nila ako. Alam kasi nilang ayaw ko ng ganitong mga set-up. Niyakap nila ako, niyakap ko rin sila pabalik....

"Thank you apo." Sabi nila sakin.

Nagstay pa sila hanggang dinner bago umuwi. Fiancee ko maghanda ka na? Gagamitin kita para makapaghiganti sa first love ko...

Sana hindi ako mahirapan.

Arrange Marriage With The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon