Chapter 5

9 0 0
                                    

Fire's POV

8 years ago...

Ang sarap sa feeling na kasama mo na ngayon yung taong mahal mo. Yung may sarili na kayong bahay. Nagmamahalan kayo ng tunay. Puro nga yata puso ang umaaligid dito sa bahay. Masaya.. Pero may mga makulit..

"Dada! Comb my hair!"

"No, ako muna. Papaaa!"

"Ano ba! Autumn, ako muna."

"No! Autumn goes first. Winter, you go away!"

"Parang bata. Bahala ka dyan!"

"Ano ba, wag nga kayo mag away. Parehas kayong bata, 4 years old! Autumn Ice! Winter Ice!" Sabi ko sa kanila.

"But, dada.. Ako nauna." Sabi ni Winter na parang iiyak.

Dalawang bata na sobrang kulit pero nakakapagpasaya samin. Si Autumn Ice Santiago at Winter Ice Santiago. Parehong babae, 4 years old na sila pero si Autumn, parang teen ager kung umasta eh.

"Anong nangyayari dito?"

Bumaba sya sa hagdan. Bakit ba ganito, kahit may anak na kami ang ganda nya pa rin? Tumabi yung asawa ko sa akin at tinignan yung dalawang bata sa harap namin.

"Mama, si Autumn kasi. Ako nauna eh." Tinuro ni Winter si Autumn.

"Okay. Come here Autumn. Winter, go to your dada."

Umupo si Winter sa harap ko at binigay sakin yung suklay nya. Sinimulan kong suklayin yung buhok nya. Tumingin ako sa asawa ko na sinusuklay ang buhok ni Autumn. Napatingin sya sakin, umiling ng nakangiti.

Sya ang peace officer dito sa bahay. Napakabuti nyang nanay. Napakabuti nyang asawa. Ang swerte ko kay Delises..

"Mama. Sorry, naaway ko si Winter." Sabi ni Autumn sa kanya.

"It's okay, baby. Wag lang mauulit at wag sosobra ha. Oh ayan, ayos na yung buhok mo." Ngumiti sya kay Autumn.

Natapos ko ng suklayin si Winter. Lumapit na sya sa kapatid nya at nakipaglaro. Lumapit ako sa asawa ko.

"Ang kulit nila. Hahaha" masaya nyang sabi nya sakin.

"Hahaha. Queen of the ruler ka naman dito kaya ayos lang." tumatawa kong sabi sa kanya.

Umupo kami sa tapat ng mga anak namin. Yumakap sya sa bewang ko at nilagay yung ulo nya sa balikat ko. Naramdaman ko na parang inaamoy nya ko, ganyan sya lagi. Buti nga't mabango ako.

"Hmm, bakit ba ang bango mo? Nanggigigil tuloy ako." Sabi nya habang inaamoy pa rin ako.

First Sight (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon