Chapter 2

18 0 0
                                    

Del's POV

Kinabukas bumangon ako ng maaga. Nakita ko si Wilya sa sala namin, sabay yata kami papasok. Kumain muna ako, niyaya ko pa sya eh. Kaso ayaw nya talaga. Kumain na daw sya. Kilala kasi ni mommy lahat ng tropa ko.

"Sige na anak, baka malate pa kayo eh. Ingat girls, love you!" hinalikan nya ko sa pisngi at niyakap nya si Wilya.

Pagkarating namin sa school sinalubong kami ng tropa sa isang araw na yung botohan dito eh. Last na ikot namin sa buong school then tapos na. May klase naman ngayon. Yung mga lalaban lang ang nakaskip sa class. Kasali rin nga pala dito si Marco, vice-president ko.

"Marco and Delises, you may skip the class." sabi samin ni ma'am.

Tumayo na kami ni Marco, hinila ko na sya. Bago pa man kami makalabas tinignan ko si Fire pero nakatingin sya sa kamay kong nakahawak sa braso no Marco. Weird talaga, bahala sya don.

"Thanks ma'am! See you classmates, suportahan nyo kami!" sinarado ko na yung pinto.

Nakipagkita na kami sa iba pa at inikot na ang buong school. Pumupunta kami sa bawat room kasi last na namin to magpapakilala.

"Hi! Hindi ako si Delmonte hindi rin ako si Delinovato. Wag kayo, alam kong Demi yon hahaha. Delises Camus nga pala. Bumoto kung sino ang boboto, lumayo ang hindi boboto. Salamat!"

Yon ang last na classroom na pupuntahan namin kaya ngayon, lunch break na. Pumunta na ako sa tropa ko at sabay kaming kumain. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong Fire na nakita. Teka, bat ko ba hinahanap yung bwisit na apoy na yon? Hay, bahala sya.

"Girls & brothers, wala ba kayong nafi'feel? Wala si apoy dito, walang hot huhuhu." Baklang sabi ni Rhea. May pagnanasa kasi yan kay Fire eh.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero nagbilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng naramdaman ko na bumibilis ito ng bumibilis.

"Omg! Girl, hika ba yan?! Jusko, dahil yata sa sinabi ko!" -Rhea.

"Del naman. May kinain ka bang bawal sayo?" Umiling ako kay Marco.

"Nako ah. Sasapakin kita ng bag ko para mailabas mo yang hika mo na yan!" sabi naman ni Wilya, sinamaan ko sya ng tingin.

Inalalayan naman ako ni Faria and Leonar, si Hazel naman ay hinihimas ako sa likod.

"O-okay lang a-ako. Para k-kayong tanga." Medyo tawa kong sabi.

Feeling ko, hindi asthma yon. Parang ibang pakiramdam yung pagsikip ng dibdib ko.

Hindi naman mahigpit ang bra ko noh.

Patuloy lang sila sa pagkain. Nagpaalam ako na pupunta lang ako sa cr. Humarap ako sa salamin nito. Nakita ko yung namumula kong mukha pati na rin yung pawis na tumutulo sa noo ko. Bigla na naman akong parang kinabahan. Napahawak ako sa braso ko, hindi ko alam pero doon ako napahawak. Napainda naman ako sa sakit ng maramdaman ko ang kirot sa tyan ko. Ano ba nangyayari sakin?!

First Sight (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon