Last Chapter

18 0 3
                                    

A/N: Di ko kayang sad story yung ending, ang sakit sa puso bhe. Ito na yung pinaka-last talaga.

***

Tatlong buwan na yung nakalilipas simula nung mawala yung pangatlo sana nilang anak. Ginawa nila para mag work yung pamilya nila ulit. At nagtagumpay sila dahil kay Fire na walang sawang minamahal yung pamilya nya.

Gumagayak na silang lahat para pumasok sa trabaho at yung dalawang bata sa school.

"Good bye, mama, dada! We'll do our best." Ngumiti si Winter sa kanila at humalik sa pisngi nina Ses at Fire.

"Dad! Ingat kayo ah. Muah!" Niyakap ni Autumn at hinalikan sa pisngi ang mga magulang nya.

"I will, anak. Ingat din kayo. Bye! I love you." Kumaway na si Fire sa kanila habang yung dalawang bata tumatakbo na papasok.

Parehas lang sila ni Ses ng office. Gusto kasi ni Fire na mas mabantayan nya si Ses. Katrabaho rin nila sina Rea na ngayon lalaki na. Reynan na tawag nila sa kanya dahil fiancé nya na si Faria.

Birthday ngayon ni Ses, pero magkagalit sila. Kaya ngayon, nagdrive sya ng tahimik. Hindi sya papasok ngayon sa trabaho dahil ang sabi nya kay Ses may lakad daw sila ng iba nyang mga katrabaho, hindi pumayag si Ses kaya ngayon nagkagalit sila.

"Bye." Sabi ni Ses kay Fire nang makarating na sila sa opisina.

Kahit magkagalit sila hinalikan nya ang asawa nya tanda ng pagmamahalan nila. Bumaba na si Ses sa kotse, hinintay muna ni Fire na makapasok si Ses sa opisina hanggang sa umalis na sya. Dinaan nya ang nga roses na binila nya at yung regalo na para kay Ses.

Maya maya lang ay dumating na yung ibang kasama ni Fire sa pag aayos. Syempre walang iba kundi yung anim na tropa ni Ses. Sina Hazel, Marco, Faria, Wilya at Reynan. May iba pang dumating na katrabaho nila. Tinulungan nila si Fire dahil gusto nila maging successful ang lahat.

"Yung cake na pinabili ko?" Tanong ni Fire kay Marco.

"Nasa kotse. Teka kunin ko." Kumaripas ng takbo si Marco.

Ang venue kasi nila ay sa forest. Forest na maaliwalas sa mata at tiyak na makakapagrelax ka. Pinalibutan ni Fire ng mga petals ng roses yung paligid. Kahit pagod na sya ay pinagpatuloy nya pa rin. Kulay pula at puti ang theme ng mga bagay dahil yon ang paborito ni Delises.

Dumating si Marco na dala na ang cake. Iniligay nila ito sa mahabang lamesa kasama ng iba pang mga handa. Hindi maiwasan mapangiti ni Fire sa nakikita nya ngayon na nagtutulungan silang lahat.

Isa isa na dunating ang iba pang bisita. Tinulungan nila si Fire. Maya maya lang ay natapos na ang paghahanda nila.

"Okay, tapos na! Fire, sunduin mo na yung dalawang bata at gumayak na kayo." Sabi sa kanya ni Wilya.

"Sige, sobrang salamat sa pagtulong. Teka, pano si Ses?" Tila nag iisip na tanong ni Fire.

"Mamaya ka na magpasalamat, hahaha. Kay Del? Jusko, ako na bahala! Ako susundo." Sagot sa kanya ni Wilya.

"Ingat kayo, Wilya. Ingatan mo sya." Ngumiti na lamang sa kanya si Wilya bilang tugon.

Sumakay na sa kotse si Fire at sinundo na ang mga anak nya. Umuwi muna sila sa bahay upang magpalit ng damit at makapag-refresh. Inuna muna nyang bihisan ang mga anak nya bago sya.

First Sight (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon