Tigilan natin ito.
Eto ang sinabi ko ng manlamig ako sayo. Pero mahal ko, pag-ibig ko sayo di kailanman nagbago.
Ang gusto ko lang naman ay maituro sayo, kung pano ibalik ang dating pagtingin, ang dati mong halik.
Pero talagang nagbago ka at ako'y nawalan ng pag-asa. Mapagmataas ka na. Di ka man lang humingi ng patawad sa mga nagawa mo, bagkus ay idiniin mo pa na wala kang kasalanan.
Di mo naiintindihan.
Di mo ako pinaglaanan.
Wala na ang dating ikaw.
Pero tandaan mo. Ako'y umaasa parin na sa akin ika'y muling tumingin.
Tumingin na para bang may kailangan tayong ayusin.
Tumingin na para bang gusto mo nang bumalik sa akin.
Habulin mo ang oras. May panahon pa.
Pero sana nga'y mangyari na sa pagdating ng panahon na pareho na tayong handa, ako ang gusto mong makasama hanggang sa pagtanda gaya ang pinangako mo sakin nung bago pa lang tayong magkasama.
Maghihintay ako.
Kahit sa kaunting pag-asa na ang pinanghahawakan ko lang ay ang mga pangako mo at ang sinabi mong mahal na mahal mo ako.
Kahit masakit dahil sa pagkaulila ko sayo.
Kahit di mo na ako balingan ng tingin.
Sana andyan ka parin, kahit wala ka na.