3rd Chapter.

68 3 4
                                    

-Aeah Fhaye Miranda-

Natigilan rin ako nang mapansin kong tumigil sa paglalakad si Zairah.

Nagtaka lang ako, kasi may dumaan lang na lalaking estudyante sa harap niya, tapos parang naiiyak na siya agad?

Pero mas lalo akong natigilan nang mabasa ko ang buka ng bibig niya.

"R-ram." - Sabi niya nang walang boses.

So, it means. Ang lalaking yun ay si Ram? Haay. Pano ko ba matutulungan 'tong bestfriend ko eh, kahit ako namomroblema din dahil miss ko na si Jarred.

Patong-patong naman 'tong problema ko! Hindi ko na muna pinansin ang kalagayan ni Zairah. Mamaya kami mag-uusap.

Nag-vibrate naman ang cellphone ko. Sino kaya ang magtetext sakin? Eh halos sampung tao lang laman ng contacts ko.

Ibang number? -_-

"Hi Fhaye, how're you? Pasensiya na. Busy ako this past few days. Ngayon lang ako nakapagtext. I really miss you so much! Ingat ka palaga, wag manlalalaki huh? Uuwi na 'ko soon! Iloveyou!"

Ayan lang naman ang text na na-recieve ko. At ayan! Kumpleto na araw ko! Ganyan ko kamahal si Pula. Konting sweet message lang niyan, halos magpakamatay na 'ko sa kilig. Hahaha! Magtatatlong taon na kaya kami. Pero eto, going stronger. :)

*

Pagdating naming sa cafeteria, kumain na kami at konting kwentuhan. Tinitignan ko lang si Zairah. Halatang-halata kong hindi siya okay. Napatingin naman siya sakin at binigyan lang ako ng BAKIT-LOOK. Nagresponse naman ako, binigyan ko lang siya ng OKAY-KA-LANG-BA-LOOK. Di niya sinagot, umalis na lang siya bigla. Masundan nga.

"Girls, wait uh? Kita na lang tayo sa room." - Sabi ko, hindi ko na sila hinintay na magsalita, umalis na lang ako kaagad.

Habang hinahabol ko si Zairah, nakikita ko yung mga galaw niya, nagpupunas siya ng luha habang madaling-madali na naglalakad.

"Aw." - Sabi ko nang may bumangga saking lalaki.

Guess what? Nilagpasan ako! Tsk.

"HOY!" - Tawag ko dun sa lalaking bumangga sakin. \

Humarap siya, t-teka? si Ram 'to diba?

"Ikaw ba si Ram?" - Tanong ko.

"Yes. Why?"

*BOGSH!*

Pagkatapos ko siyang sapakin, umalis na 'ko sa harapan niya.

Wala siyang karapatan na saktan ang bestfriend ko. Ulitin niya pa 'yun! Di lang 'yan matitikman niya galling sakin!

*

Pagkarating ko sa rooftop, nakita ko si Zairah na iyak ng iyak. Nilapitan ko siya.

"Zai. Okay ka lang?" - Tanong ko.

Tanga ko!! Malamang HINDI! >//<

Tinignan lang niya 'ko at niyakap ng sobrang higpit.

"Aeah. Ang sakit!!" - Sabi niya na iyak pa din ng iyak.

"Ssh. Im here. Wag ka nang umiyak. Ano ba kasing nangyari?" - Sabi ko.

Nagpunas muna siya ng luha at nag-inhale exhale.

"Ganito kasi yun.. Naging kami last last day! Every girls dream ang maging girlfriend niya. How lucky I am kasi napa-sakin siya. Mahal na mahal ko siya Aeah! Kaya lang hindi ko maibigay ang gusto niya kaya iniwan niya ko." - Explain niya.

Grabe 'to! Ano pa't bestfriend niya ko kung di siya nagk-kwento sakin?!

"Ano ba 'yung di mo ma-ibigay?" - Tanong ko.

"Sex." - Sabi niya nang naka-yuko.

WHAT? Sex? As in, yung ginagawa ng mag-asawa? Shit!

Eh, dapat pala hindi lang sapak nabigay ko dun eh. >:(

"Tsk. Tanga ka na ba ngayon Zairah Maey? NAKO! Pasalamat 'yung tanginang Ram na 'yun at sapak lang inabot niyasakin! Kundi..." - Sabi ko.

"ANO? Sinapak mo siya? Bakit mo ginawa 'yun?" - Nagtatakang tanong niya.

"Eh sinaktan ka eh! Dapat lang 'yun!" - Sabi ko.

"Tsk. Balak ko pa namang magpatulong sayo!" - Sabi ni Zai na medyo disappointed.

"Ha? Anong klaseng tulong naman?" - Tanong ko.

"Make him fall for you. Then, paiyakin mo!" - Komportableng sagot niya.

Wait.. Teka..

Eh? May boyfriend ako eh.

Tsaka never kong pagtataksilan si Pula no!

He's my life. Pag-nawala siya sakin di ko kaya!

PROMISE.

"Don't worry, secret lang naman eh. Di malalaman ni Jarred. Kung malaman man niya, edi mag-explain ka. Punta ka sa bahay bukas, papakita ko sayo 'yung mga steps." - Sabi niya at iniwan ako sa rooftop. "Thanks nga pala!" - Pahabol pa niya at tuluyan nang umalis.

After 5-10 minutes, medyo nahimasmasan na 'ko.

Pero, 'yung sinabi ni Zairah...

"Make him fall for you. Then, paiyakin mo!"

Ganon? Paiiyakin ko 'yung gagong 'yun? Ang imposible naman yata!

Ni-hindi nga 'ko marunong magpaiyak ng lalaki eh! Tss.

Zairah Maey! Dagdag problema nanaman 'yang pag-iyak mo! Ms. Iyakin ka talaga kahit kailan!

-Ram Dominguez-

Fuck!

Hindi ba niya ko kilala? O sadyang may sayad siya?

Model ako! >//<

Anong muka na irarampa ko sa harap ng maraming tao? Haay!

I swear! Oras na magkita kami, magbabayad siya sa ginawa niya sakin!

Damn that girl! Whoever she is.

*

"Oh? What happened?" - Tanong ni Daddy nang makita niya ko.

"Tss. Later pa! Badtrip pa 'ko!" - Sagot ko.

"Hey honey! Mukang nakita na ni Ram ang katapat niya! Hahaha!" - Narinig kong sabi ni Daddy kay Mommy.

First time kasi nilang makita na may nakagawa sakin nito. At sa muka ko pa! Sapakin ba naman ako? Tsk. Badtrip!

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko nahiga agad ako.

Tumingala sa kisame at ini-unan ang dalawang braso ko.

Napa-isip ako.. Karma na ba sakin 'to? Dahil babaero ako? Hindi pa naman siguro!

"Hindi naman ako magkaka-ganito kung hindi mo 'ko iniwan eh." - Sabi ko bigla.

Anna AGAIN!

Get off of my mind Anna.

Iniwan mo 'ko! 8 years ka nang wala, pero para sakin nandiyan ka pa rin.

Kahit ayoko nang umasa na babalik ka pa't magpapakita sakin, may space pa rin sa puso ko na umaasang babalikan mo 'ko at tutuparin ang mga pangakong iniwan mo.

Pinipilit kong wag maging ma-drama kaso di ko mapigilan.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

-MNHTR.

Inspiring comments please? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Failed; Accidentally Inloved.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon