Chapter 22: Is that him?!!

481K 9.9K 2.6K
                                    

Chapter 22: Is that him?!!

Zandra's POV


Haayy... ang bilis naman matapos ng summer.

First day of classes na ngayon.

Pero masaya naman, kasi classmates kami ni Zandy. 

And parehas pa kaming nasa star section kasi top 30 kami sa batch last school year! 

Hmm, kanina pa ko nabobother...

ano kayang magiging reaction nila sa bagong Zandrick?!


*'BEEP BEEP BEEP

"Zandra! Ayan na si Zandrick!" tawag sakin ni yaya galing sa baba. 

"Opo yaya, pababa na!" sagot ko at takbo naman ako pababa. 


Sinalubong ako ni yaya sa may baba ng hagdan at binigay ang mga gamit ko. 


"O wala ka na bang nakalimutan?" paniniguro ni yaya. 

"Wala na po ya, thanks!" sabi ko sabay smile. 

"Di bo be chia lo? (di ka na kakain?)" tanong sakin ni mommy pagkadating ko sa dining area. 

"Di na po ma, sa school na lang po." sabi ko. 

"O Zandrick." biglang tawag ni daddy pagkapasok ni Zandrick. 


Tinignan ko naman yung kakapasok lang sa main door, si Zandy. 

Nagbless naman sya kay Daddy at nagbeso kay mommy. 


"Sorry Zandy ahh..." paghingi ko ng tawad. 

"Okay lang, sanay na ko." sabi niya sabay nguso. 

"Talaga naman tong inaanak ko, mas lalong gumagwapo!!!" biglang sabi ni mommy. 

"Hehehehe, thanks tita." 

"O sya, ki ki(go go), baka malate pa kayo sa first day." sabi ni daddy. 

"O, galingan nyong dalawa ha." sabi ni mommy. 

"Yes dad mom! Bye!" sabi ko sabay kiss sa cheeks nila. 

"Sige po tita, tito." paalam ni Zandy. 

"O, bantayan mo yang baby namin ah." paalala naman ni daddy. 

"Ako na pong bahala dito sa hyper na 'to hahaha!" sabi niya sabay pisil ng pisngi ko. ARAY! Pinalo ko nga hahahaha! 

"Bye po!" paalam ni Zandy at hinila ko na sya papuntang kotse. 



*sa school*

Pagbaba namin ng kotse, deretso kami ng hallway papuntang stairs. 

Pinagtitinginan kami ng mga students. 

"Uii sino yung kasama ni Zandra? ang gwapo naman!" 

"oonga ehh, baka new student! "

"Kung new student, bakit deretsong star sec? Imposible yun... "


"Hala, di ba nila ako nakikilala?" bulong niya sakin. 

"Haha! Di ka lang nila mamukhaan." sabi ko naman sabay smile. 


Pagpasok namin sa classroom, ganon pa din reaction ng mga tao.

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon