Chapter 63: Zandra vs Krissy
Zandra's POV
yung titig nilang dalawa sakin... hindi ko makalimutan...
Isang buwan na pala ang nakalipas...October na.
*recess
nandito ako ngayon, minimeeting lahat ng batch rep and mga captain ng mga varsity para iannounce sa kanila yung balak ko sa intrams na naapprove na ng CSC.
"so, ang plano is per batch ang team. Ito yung list ng mga sports, yung mga sasali, ipasign niyo lang dito," binigyan ko nung mga papers yung mga batch rep para sila magpasign, "sa basketball team, 12 ang pwede sumali, sa volleyball 12 din, sa badminton, isa for singles boy and 1 for the girl also then isang pair for doubles, same with tennis, 1 rep for swimming, 15 for football, 1 boy and 1 girl for taekwando. Yan lang mga sports na sinali ni ahia justin eh."
"kahit sino pwede sumali?" tanong ni Pat
"uhm pwede naman, pero example ako, varsity na ng basketball, bawal ako sumali pero pwede ako sumali sa ibang sports. Pero tactic niyo kung sino isasali, pwede kayo magplano sino isasali na pinakamagaling na pangbato niyo" sagot ko.
"so anong gagawin ng mga varsity miss dude?" tanong ni ahia Von
"kung sino manalo sa mga per batch na match, yun makakalaban ng varsity. So yung last match is Varsity vs Champions."
they all nodded.
"so, any more questions?" dagdag ko bago matapos.
walang sumagot.
"so, yun lang naman, thank you." at tumayo na kami at pumunta sa kani-kanilang mga batch.
Sabay na kaming umakyat ni Pat papunta sa floor namin, pero nag-aya siyang umupo muna sa lobby ng floor namin.
"sino kaya pwedeng maging mga representative ng bawat sport for our batch Zandra?" tanong ni Pat
napaisip naman ako.. ang hirap din pala kung hindi mga varsity ang isasali pero ok na din kasi para di lugi kung mas madaming varsity sa isang batch..
"hmm... kung sa taekwando.. alam ko si Gino ng section C, blackbelter na ehh pero di siya nagvarsity." sabi ko.
"oonga nooh! sige sige!" nilista namanniya dun sa form.
tas nag-isip ulit kami...
"kung sa babae na tennis is si Lianne tapos sa lalaki si Hanz ok ba yun?" suggest ni Pat
"pwede na din, magaling din sila ehh.. pag free time sa PE, naglalaro sila ehh magaling din. Sino sa doubles?"
"pwede kaya yung kambal?"
"sila Jane at Jade?" sila lang naman kasi kambal ng batch hahaha!
"oo, kasi sa church namin, naglalaro sila ehh.. nagchampion nga sila sa inter-church ehh.."
"o,edi ok na sila." so nilista niya ulit.
"sa swimming, si Jared na lang." request ni pat so umoo na lang ako.
"nako, ang mahirap makabuo ng team sa basketball, volleyball at football ang dami kasi." napakamot ng ulo si Pat
"oonga ehh.. hmmm..." naisip ko, si KD, isasali ko sa football hahahahha! Di ko lang alam kung naglalaro siya. Tanong ko na lang mamaya.
"mamaya na nga lang problemahin to! time na pala" at tumakbo na kami ni pat sa classroom.
**
ang ginawa namin sa mga malalaking team, naglagay na lang kami ng sign up papers sa bawat section. 3 section lang naman kami per batch. So kung sino gusto sumali, yun na lang. dinivide by 3 na lang namin. tig 3 per sec sa bbol and vbol and tig-5 sa football.
BINABASA MO ANG
Unlucky I'm In Love with My Best Friend
Teen Fiction[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, may kulang pa din. Yun ay ang makita sana sya ng kanyang bestfriend na si Zandrick bilang isang ba...