Hi! Salamat ulit sa pagbasa nito. Sana magustuhan niyo. Vote, Like and Comment ha? :D
Yung picture sa right yung parang imagined na Lei at Nathan. Look there. Parang yan narin yung first encounter nila sa isa't isa. -------->
Salamat! :)
- - - - - - - - - - - - -
"Lei?"
Usog sa braso.
"Lei."
Shake sa braso.
"LEI. HOY."
Tulak.
"LLLLLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!"
Wrestling sa kama!
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Dumilat ang mga mata ko at nakaramdam ng mabigat na bagay na nakapatong sakin.
Tumalon pala si Kuya Eric sa akin. Grabe. Antok pa ako. Tapos yun. Dinaganan pa ako ni Kuya sa kama. Ang sakit.
"Ano ba kuya! Umalis ka nga diyan! Kitang antok na antok pa yung tao eh." -___-
"Di ako aalis dito hanggang sa tumayo ka at magbihis. Susunduin na natin si mama sa airport!"
Ay! Oo nga pala. Ngayon pala ang dating ni mama galing Ireland. Miss ko na siya. T_T
"Paano ako tatayo dito eh andyan ka? Hay nako. Sinira mo beauty rest ko."
"Anong beauty rest ka diyan? Wag ka nga. Di bagay! Baka ugly rest. Hahaha!" Tumayo na si kuya at yun, pinagtripan nanaman ako!
"Alis! Chupeee! Me will bihis-bihis na." sabi ko sa kanya habang tinutulak ko siya paalis sa kwarto ko. At pinalo ko siya sa braso at sinara ang pinto. Ganyan kami lagi. Awayan pero ganyan talaga. Bati-bati rin. Haha.
Naligo ako ng madalian pero di ko parin nakalimutan mag-concert sandali sa CR. Star in the making ata tong nilalang na to. Hahaha!
Binuksan ko ang aking mahiwagang closet papuntang Narnia. Joke. Haha. Ayun. Hinalungkat ko ang aking refrigerator ng damit at naghanap ng disenteng damit.
Di ko alam kung bakit pero may instinct sakin na nagsasabi na magsuot daw ako ng maganda. Pero yung simple lang.
Nang nakabihis na ako with leggings and a dress-like top, pumunta na ako sa wall mirror ko.
Tinapat ko yung electric fan sa buhok ko para matuyo. Nagsuklay-suklay rin ako habang tinignan ko ang reflection ko.
Oo nga pala. Ingay ingay ko eh hindi ko pa pinakikilala ang sarili ko. Oh, habang nakatingin ako sa sarili ko sa salamin, ipapakilala ko ang aking sarili. Wahaha.
Ako si Leila Lyn Florentino. Madalas akong tawaging Lei. Minsan Lyn pero mas trip ng tao ang Lei. At never pa ata akong natawag na Leila. Kaya nagtataka ako kung bakit ganun pa pangalan ko sa birth certificate ko. XD
5"3 ako. Mehehe. Buhok ko ay magpaka-wavy na ewan at hanggang kalahati lang ng likod ko. Tamang haba lang. May pagka-brown daw eyes ko. Di ako payatot. Di rin ako mataba. Tama lang talaga. Parang ginawa lang akong Medium sized na tao eh. XD
YOU ARE READING
And they said Speak Now
RomanceKapag mahal mo daw ang isang tao, ipaglaban mo. Eto ako ngayon, tinatry kong ipaglaban siya. Ano kaya mangyayari? Ipaglalaban niya rin kaya ako? Sabi nila Speak Now or forever hold your peace. Hahayaan ko nga lang ba siya mawala sakin at manahimik n...