Author's Note:
Una sa lahat, gusto ko mag-pasalamat sayo kasi nagkaroon ka ng time at pinili mong i-click ang story na ito.
Di pa po ako professional o ano man. Starter palang. xD
At yep. Lalaki ako. Pero don't worry. May 2 POVs ang story na to para sa lead na babae at lalaki. Mas feel ko lang kasi na focused ang story sa babae kasi yun nga, mas gaganda yung story. :)
Inspired yung story na 'to sa song ni Taylor Swift na Speak Now. Pero inspired lang. Mehehe.
Reader na ako dati pa dito sa Wattpad. Pero ngayon ko lang naisipan gumawa ng story. Dati ko pa to ginagawa pero yun nga, nagyon ko lang na-feel i-publish dito.
Kailangan ko po yung comments niyo to make trhe story better. Your suggestions and recommendations. Pero sana po, walang harsh or rude comments ah? Once again, starter palang ako.
Di ko rin sure kung kakayanin ko matapos to pero if hopefully successful, itutuloy ko. Like and become a fan narin kung gusto niyo. Walang pumipilit. :))
And please...sana i-share niyo po ito sa co-Wattpad readers, friends, schoolmates, family, officemates, etc. niyo. :D
Geh. So yun. Tagalog to. Mahal ko ang Pinas eh. Haha. Yun lang. Sana magustuhan niyo kahit papaano. Salamaaat! :D
- - - - - - - - - - - - -
PROLOGUE (na hindi naman ata.)
Hala. Ano ba yan. Nakatitig lahat ng tao sakin.
Nakatayo ako dun na parang ewan lang. Nanginginig yung mga kamay ko.
Ikaw naman kasi Lei eh. Ba't ka pa kasi tumayo? May karapatan ka ba? Di ba wala?
Nagbulungan ang mga tao. May narinig pa akong sumigaw na gulat na gulat. May narinig pa akong flash sa direksyon ko. Pinicturan ata ako.
Pero kahit yun ang mga nangyayari, tumingin lang ako sa mga mata niya at yun. Pakiramdam ko, nawala lahat ng tao sa paligid ko at siya lang nakikita ko.
Kaso, di lang to daydream eh. Totoo na pala.
Hay. Epal na ako. Epal na utak. At lalong epal na puso.
Kulit mo kasi eh. Yan tuloy. Sinunod kita.
Ayan. Tumibok nanaman ang puso ko. Nakita ko lang mukha niya.
Ayy. ANO BA YAAAAAN. Dami kong iniisip eh eto nga ako, nakatayo sa isang simbahan at sa isang kasal. Di ko alam kung ano ang sumapi sakin pero nang nag-announce na si Father na magsalita na ang mga tumututol sa kasal ay tinayo ako ng aking mga paa.
At yun. Nasabi ko yung mga salitang naririnig mo sa mga pelikula pero hindi sa totoong buhay.
At sadly, makatotohanan na 'to.
"TUMUTUTOL AKO."
Yang dalawang salitang yan ang sinabi ko. Parang nag-eecho parin siya sa buong simbahan.
Yun nga. Biglang-bigla ang mga tao.
Di ko alam ang gagawin ko.
Awat nga muna. Pano ba ako nakarating sa sitwasyon na to?
Dati ay isa lang akong simpleng babae na naghahanap ng aking knight in shining armor tapos ngayon andito ako, tumututol sa kasal ng aking mahal at inannounce ko pa sa sanlibutan.
Kapag mahal mo daw ang isang tao, ipaglaban mo.
Eto ako ngayon, tinatry kong ipaglaban siya. Ano kaya mangyayari? Ipaglalaban niya rin kaya ako?
Sabi nila Speak Now or forever hold your peace.
Hahayaan ko nga lang ba siya mawala sakin at manahimik nalang o magpakatatag para tuluyan siyang maabot?
Pano ba to nagsimula? Ba't ba ako napunta sa sitwasyong to?
Sabi ng best friend ko, ay yung araw na umalis papuntang Ireland ang aking nanay at nakilala ko SIYA sa airport. Ang pagkakaalam ko, 14 years old ako nun.
Sabi naman ng best friend ng mahal ko, nagsimula nang bumalik siya sa buhay ko.
Sabi naman ng bride ng mahal ko, nagsimula to nung naging official friends kami.
Pero para sa akin,
ang nagsimula ng lahat ng to
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ay ang tibok ng puso ko.
Para sa kanya.
At sa kanya lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/832849-288-k451159.jpg)
YOU ARE READING
And they said Speak Now
Roman d'amourKapag mahal mo daw ang isang tao, ipaglaban mo. Eto ako ngayon, tinatry kong ipaglaban siya. Ano kaya mangyayari? Ipaglalaban niya rin kaya ako? Sabi nila Speak Now or forever hold your peace. Hahayaan ko nga lang ba siya mawala sakin at manahimik n...