"Naaalala ko pa"
Noong unang beses tayong nagkita
Ika'y lumapit, tila mangangamusta
Hiyang-hiya ka pa noon, pero di ito alintana
Habang ako'y naguguluhan sa iyong ginagawaNoong ikalawang beses nama'y nagkatinginan
Muli, lumapit ka't nakipagkwentuhan
Hindi ko alam, pero naging tuloy-tuloy ang usapan
Hanggang sa umabot na ito nung uwianNoong ikatlong beses ay nagpatulong ka sa akin
Nagpaturo ka sa iyong takdang aralin
Natuwa pa ako noon sa iyong pagkinig ng mariin
At di ko namalayang ako'y matagal nang nakatinginNoong ika-apat na beses, at nagtuloy-tuloy na
Labis ang pagkalapit natin sa isa't isa
Hindi bilang kaibigan, ngunit higit pa
Dahil ako ay iyong mahal na palaNoong mga araw na nagdaan
Ay di na kita pinansin ni minsan
Inaamin ko'y ito'y dahil sa alinlangan
Dahil alam ko sa sarili kong pagmamahal mo'y di ko mapapantayanNoong isang buwan na ang lumaon
Mistula'y emosyon ko'y di umaayon
Dahil nang binigyan tayo ng pagkakataon
Nagkagusto ako sayo sa di malamang rasonNoong mga sumunod na araw
Pagmamahal ko sayo'y nagsi-apaw
Sa presensya mo'y ako'y uhaw
Dahil pati sa'king panaginip, ako'y 'yong dinadalawNoong araw na iyon, ako'y umamin
Ukol sa nagraragasa kong damdamin
Di ko alam pero ika'y di komportableng napatingin
At doon ko nakitang di mo na pala ako kayang mahalinNoong kinabukasan na iyon
Mugto ang mga mata, ako'y bumangon
Pilit ko sa kalungkutan ako'y umahon
Kahit na luha ko'y umaagos tila ambonAt noong ako'y sandaliang mapatingin
Iyong kasama'y agaw pansin
Ako'y napaluha, luhang di mo dinggin
Sapagkat sa selos, ang sarili ko'y di ko kayang sagipinNgayon, lahat ito'y nasa aking isipan
Ating alaala ng noo'y tila ayaw lumisan
Ang sarili ko'y aking natagpuan
Lunod sa ating pinagsamahang nakaraanLunod sa luhang kailanman aking di napigilan
Lunod sa pagsimangot na nakikita ko sa salamin sa harapan
Lunod sa nakaraang paulit-ulit kong binabalikan
Lunod, lunod na lunod na ako, sa pagasang itutuloy mo ang ating sumpaanAng sumpaang di mo ko iiwanan
Ang sumpaang sa tabi ko'y ika'y aasahan
Ang sumpaang ika'y mananatiling kaibigan
Ang sumpaang nagawa mong wakasanAt eto ako, muli'y nalulunod
Paulit-ulit na dumadaan sa isipan, nakakapagod
Pero naalala ko ang iyong pagmamahal na binigay mong malugod
At naalala ko rin ang eksena niyong dalawang aking napanoodAt oo, hindi lang pala ako
Hindi lang pala ako ang mayroong matang mugto
Hindi lang pala ako ang nasaktan ng wasto
Pero ako lang ang hindi sumukoHindi ako susuko
Kahit na nandyan na siya sa tabi mo
Kahit na puso ko'y nagdurugo
Kahit na sinira mo ang iyong pangakoNgunit sana'y ako'y iyong matulungan
Tulungan mo akong tanggalin ang aking mga pasan
Ang pasan kong alaala nating pinagsamahan
Nais kong makalimot sa tuwing ika'y madadaananDahil sa tuwing ako'y mapapatingin
Hindi ko maiwasan ang aking damdamin
Gayon alam kong di mo na ako kayang mahalin
At di ka na muling mapapasaakinA/N: Hi! Mahilig akong gumawa ng tula, and ngayon ko lang naisipang gumawa ng compilation :)) Ito pa lang ang ipupublish ko, but I hope you liked it! Mwah!
Written by AamirahG.