Mga letrang di-maintindihan
ang nagkalat na tintang luhaan
mga salitang nadarama ko
nang bitawan mo ang aking pusoang papel, noon ay plantsado pa
ngayon ay punit at may gusot na
kanina'y malinis, walang dumi
tila ang pag-ibig natin datingunit 'to'y unti'unting nagbagonang siya'y dumating sa buhay monakakainis, nakakaiyak
Pinulot ko ang puso kong nawasaknatatandaan ko pa noon pa man
ako lang ang iyong tinitignan
kamay ko lang 'yong hinahawakan
pagtawa ko'y ikaw ang dahilandati, ako lang 'yong iniibig
pangalan ko lang 'yong bukambibig
dati, oo matagal na iyon
matagal nang pag-ibig ko'y 'yong tinaponngayon at sinusulat ko ito
ninanais kong sabihin sayo
minahal kita ng sobra-sobra
pero gaya ng sinulat ko, 'to'y 'yong binuranangungulila ako sa'yong piling
sapagkat presensya mo'y ako'y naumaling
nakakaadik, lagi kang nariyan
ngunit lumikas ka sa ibang daannais kong malapitan kang muli
pero masakit, di ako ang 'yong pinili
sa halip, siya, siyang sumira satin
umiyak, ang tanging pwede kong gawinpero, bakit nga ba? bakit gan'to?
wala kang sinabing kahit ano
basta bigla-biglaan na lang
sa akin, may malaking nagkulanghalata na, pero di mo mapansin
ang sakit na dinulot mo sa akin
pagod na ako sa kakaiyak
para sa lumisan kong kabiyakat sa naturang sulat na ito
sana nama'y maintindihan mo
kahit na ako'y sinaktan mo na
patatawarin kita sayong nagawadahil minamahal at mamahalin kita
kahit na may kasama kang iba
minamahal at mamahalin kita
at itong sulat na'to ang pruwebaWritten by AamirahG