"OMG!!" Tili ng mga girls sa labas ng classroom."Ang gwapo talaga ni Shawn!" Sabi ng isang babaeng nakasilip sa bintana.
"Excuse me!" Sabi ni Shawn sa mga girls na nakaharang sa pintuan ng classroom.
"Hi Shawn!" Sabi nga mga girls. Binigyan naman ni Shawn ng tipid na ngiti ang mga babaeng patay na patay sakanya.
Skyhe's pov
Oo aaminin ko napopogi-an ako kay Shawn pero hanggang du'n lang yon. Umupo na siya sa kaniyang upuan. Nasa may likuran ako nakaupo at nasa pangalawang unahan siya. Bago dumating ang prof namin ay nag-usap usap muna sila Jane, Nikka at Brylle. Sila yung mga sikat dito sa Campus. Samantalang si Shawn naman ang Campus Crush. Oh diba? Pogi nga!
"Guys alam niyo ba na may transferee dito sa West Kingdom College." Sabi ni Jane na may umaalong brown na buhok.
"Onga daw e! Pagkaka-alam ko chix yon!" Tumingin si Brylle kay Shawn sabay tawa.
"I won't let that happen. Ayokong maging isa siya sa mga babae ni Shawn." Sabi naman ni Nikka na naka-dark lipstick. Actually magaganda at pogi sila. Kaya nga naging famous e. Matagal ng gusto ni Nikka si Shawn pero ewan ko kay Shawn, mapili siya. Maganda naman yung tao, sexy, mayaman, matalino kaso kung gaano kaganda ang labas na anyo niya ay naging kasing pangit naman ng attitude niya.
"Tomorrow ata siya papasok!" Sagot ni Jane kay Brylle.
"Oh! Look who's staring at us?" Sarkastikong sabi ni Nikka. Nakita niyang nakatingin ako sa kanila. Simula noong nag-aral ako dito sa WKC ay iritang-irita na sa akin yang si Nikka. Siguro dahil noong nagkagusto sa akin ang kaniyang Kuya. At ayaw niya ako para dito kaya iniwasan ako ni Nathanielle which is yung kuya niya hanggang sa maka graduate na yung kuya niya at kaming 3rd yr dati ang 4th yr na ngayon.
Niyuko ko nalang ang ulo ko dahil alam kong aasarin nanaman nila ako. Ayoko silang patulan dahil ayoko ng gulo. Mapapagod din yang mga yan at titigilan din nila ako.
"Not us! Kundi si Shawn ang tinititigan niya." Tawang sabi ni Jane na parang may pinaparating na akala mo naman magkakagusto sayo yan. Sorry! Parang ganon!
Pero ibinaling ko nalang yung mga mata ko sa binuklat kong book na Tuesdays with Morry. Kapag wala akong ginagawa ay nagbabasa nalang ako ng nobela. Wala pa naman si prof kaya eto basahin ko muna.
"I'm sorry I'm late students. I just have an emergency a while ago so that's why. Okay let's proceed to our new topic." Sabi ng prof namin na may dalang loptop at nagsusulat ng topic sa whiteboard.
Pagkatapos ng isang subject ay naging mas malaya ako dahil hindi ko magiging kaklase ang mga tatlong bibe na iyon. Pero si Shawn kaklase ko padin hanggang sa susunod na subject. Ganda ng buhay!
Biglang tumabi sakin ang isang classmate ko na si Bryanna.
"Skhye alam mo ba? Kanina ko pa nahuhili si Mr. Crush na pasulyap-sulyap sayo!"
"Ha? Ako?" Gulat kong tanong.
"Hindi girl, siguro yang pader dyan sa likuran mo!" Irap niya sakin.
"Nagtatanong lang ako. Naku! Madumi ba yung mukha ko, may mali ba?" Tanong ko at baka tama ako kaya niya ako sinusulyap-sulyapan.
"Gaga! Hindi noh! Ganda mo nga today e." Sambit niya.
"Hay naku. Tigil-tigilan moko ah. Sige na lilibre na kita ng Spaghetti mamayang recess." Tawa kong sabi.
Si Bryanna ay kaibigan ko simula noong Grade 1 palang kami. Parehas kami ng course kaya hanggang ngayon magkaklase padin kami. Galing nga e noh? Kaya maituturing ko na siyang Bff.
Hanggang sa dumating nanaman ang teacher namin sa subject na ito.
BINABASA MO ANG
I'm Always Be The Proudest
RomanceHindi lahat ng bagay sa mundo masaya. Hindi din lahat malungkot. Kapag mabilis ang oras, masaya ka. Kapag mabagal, malungkot ka. Lahat naman tayo ay gusto ng kasiyahan, yung tipong walang na lang sanang problema na dumating. "Kahit wala akong kapit...