Part 2 Ride

4 0 0
                                    


Whaaaa!. Anong ginagawa ni Nathan dito ng napaka aga? 6:00 palang at sa pagkaka alam ko ang pasok namin ay 8:00 am.

Nagmadali akong kumilos. Hanggang sa matapos ko ng ayusin ang sarili ko. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Nathan na nakasandal sa may kotse niya habang pinapa-ikot ang susi nito.

"Nathan!" Sigaw ko.

Ng makita niya ako ay inayos niya ang kaniyang tayo. "Goodmorning!" Sabi niya ng nakangiti. Para bang nakakita siya ng dyosa! Char!

"Matanong ko lang ha? Ba't ang aga mo naman, maya pa pasok natin diba?" Sabi ko na parang nahihiya.

"May pupuntahan kasi tayo!" Sabi niya sabay hila sa kamay ko at pinapasok sa loob ng kotse niya.

"Wait lang, araaaaay! Huwag mo naman akong itulak..." Pilit kong sabi habang tinutulak akong papasok sa loob ng kotse.

"Sorry. Ikaw kasi e, baka tumanggi ka pa." Sabi niya at isinarado ang pintuan nito.

Pagkapasok niya sa kaniyang sasakyan ay nararamdaman mo talaga yung peace sa paligid. Yung walang maingay, isabay mo na yung amoy lemon  sa loob ng sasakyan. Ayan bongga!

"Fasten your seatbelt!" Pabulong niyang sabi at tinitigan niya ko.

"Hindi pa ko nagpaalam kay nanay!" Sabi ko na parang robot na dire-diretso mag salita at nakatingin lang sa isang direction.

"I already make paalam to nanay na!" Sabi niya at tumingin sakin. Habang pinapaandar ang kotse niya.

Tama ba yung narinig ko? Nanay? Kailan pa sila naging close?

Bigla siyang tumingin sakin "Ang bait-bait kasi ng nanay mo! Sana ganon din mommy ko!" Sabi niya ng malumanay.

Hala. Nababasa ba niya yung nasa isip ko or baka nagsasalita lang ko mag-isa na hindi ko lang namamalayan.

"Umm. Ba't mo naman nasabi yon?" Sabi ko.

"If you differentiate my mom to nanay Hellen? Sobrang layo ng ugali ni mommy." Sabi niyang focus lang sa pagmamaneho.

"Paano?" Tanong ko.

"Yung mommy mo mabait. My mom is also kind but not that...you know yung parang, mabait lang when your friends are around." Sabi niya ng nakakunot ang noo pero naka focus padin sa pagdra-drive.

"Yun lang?" Sabi ko na medyo natatawa.

"My mom don't even care about us Skhye. Lagi pa siyang galit kahit maliit lang na bagay. Hindi ko alam kung may anak ba siya o wala." Medyo pagalit na siya.

Ganon pala siya kapag nagagalit noh? Namumula yung ilong niya. Akala mo umiiyak pero hindi. Hindi ko din alam kung malulungkot ako para sakanya dahil sa situation nilang yon o matutuwa dahil ang cute niya magalit hahahahaha.
"Hindi ko alam kung dahil ba kay daddy kaya siya nagkaka ganon!"

"Siguro kailangan mo lang kausapin yung mommy mo. Mag-usap kayo, yung kayo lang dalawa."  Sabi ko ng may maalala ako. "San nga pala tayo pupunta?"

"Gusto ko pumunta sa simbahan. Wala kasi ako makasama kaya sinundo kita?" Sabi niya.

Ako? Kasama? Simbahan? "Wait lang ha? Anong meron at gusto mo magsimba?" Nagtataka kong sabi.

I'm Always Be The ProudestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon