Kinabahan ako sa narinig ko at pumunta din ako sa locker section. Etchusera din ako e! At nakita ko silang nag-aaway! Omg!!!!Si Shawn my crush tsaka si Nathanielle my loves nag-aaway. Bakit sila nagbubugbugan?
"Prrrrttttt!" Pito ng gwardiya na aawat sakanilang pag-aaway.
"Bitawan mo na siya!" Sabi ng guard na tinatanggal ang mga kamay ni Shawn sa balikat ni Nathan.
"Hayop ka!" Sabi ni Shawn na hawak naman ng mga kaibigan niyang mga lalaki para pinipigilan siya na sumugod kay Nathan.
"Fuck you! Wala akong ginagawa sayo!" Sagot naman ni Nathan na may dumudugong labi. Na pinipigilan naman ng mga kaibigan niyang varsity din.
"Gago ka! Umalis ka dito, damn you Nathan!" Sabi ni Shawn na halatang hingal na hingal.
"Ikaw ang umalis dito, Ahas ka, hayop ka!" Sabi naman ni Nathan na gusto pading sumugod pero pinipigilan ng mga kasama niya.
May mga tatlong gwardiya pa na dumating pero hindi na nila naabutan ang gulo.
"Asan na sila?" Sabi nung guard na medyo chubby.
"Kuya guard, sorry to say pero late na kayo!" Sabing pairap ng studyanteng bakla na nasa may gilid ko.
"Antagal kasi tumakbo, taba-taba kasi!" Sabi pa ng isa niyang kasama pero pabulong.
Natawa ako du'n pero hindi iyon sapat para makalimuan ko ang nangyari. Oo alam kong wala akong pake at wala talaga akong karapatan para pakialaman ang away nila pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang bigat!
Dumating ang sunod dapat na teacher namin na si Ms. Quete at ang Principal namin na si Mrs. Delgado.
"Mr. Lopez and Mr. Monteiro to my office now!" Sabi ni Mrs. Delgado at sabay alis dahil may phone call.
Nagtinginan lang ng masama si Nathan at Shawn. Pero marami padin ang mga studyante na nakapalibot sakanila. Nakita ko si Nikka na alalang-alala ang mukha, hindi ko alam kung para ba sa mahal niya na si Shawn o para sa kuya niya.
"What are you two waiting for? Move!" Sabi ni Ms. Quete. At pumunta na nga ang dalawa sa principal's office.
"And you, all of you! Go back to your rooms now!" Dagdag pa niya at nagsikilos na ang mga studyante na bumalik sa mga classrooms nila.
Nathanielle's POV
"Ay hijo! Buti nalang at dumating ka na. Si mommy mo kasi nagwawala sa taas, aakyat na sana ako pero dumating ka na. Mas mabuti siguro na ikaw nalang ang umakyat du'n!" Sabi ni Yaya Dori.
Siya ang tumatayong nanay namin ni Nikka kapag hindi namin maramdaman ang pagkakaroon ng isang ina. Pinagdasal ko nga na sana kami nalang ang mga anak niya e, buti pa kasi siya kahit malayo ang mga anak at apo niya ay laging andyan siya para tulungan ang mga ito at maging caring kahit sa tawag lang sa telepono sila nag-uusap. E si mommy, walang paki alam samin. Ang alam niya lang ay ang saktan kami ni Nikka.
"Ganon po ba yaya! Where's mom po?" Sabi ko na nag-aalala.
"Nasa may kwarto niya iho!" Sabi ni yaya Dori na alala din ang mukha.
BINABASA MO ANG
I'm Always Be The Proudest
RomanceHindi lahat ng bagay sa mundo masaya. Hindi din lahat malungkot. Kapag mabilis ang oras, masaya ka. Kapag mabagal, malungkot ka. Lahat naman tayo ay gusto ng kasiyahan, yung tipong walang na lang sanang problema na dumating. "Kahit wala akong kapit...