"Ano kase um...umm!" Utal niyang sabi."Isa pa, kakaltukan na kita!" Naging seryoso na ko.
"Ano kase...gusto ko sanang sabihin na...pizza...yun pizza... tama pizza muna tayo bago ka umuwi!" Sabi niya sabay talikod at hinila ang kamay ko.
"Oy, wait lang!" Sabi ko. Hindi talaga iyon ang gustong sabihin ni Nathan e. Parang iba kaso di niya masabi.
"Tara na! Tara na kasi!" Pilit niyang sabi pero hindi padin nakaharap sa akin. At hinihila ang mga kamay ko habang tumatakbo.
"Eto na. Hinihila mo na nga ako e! Ayyyyyyyyyyyyyyy!" Sigaw ko ng biglang may nakabangga akong babae. Maputi, maganda, sexy at naka floral dress siya with matching high heels. Biglang binitawan ni Nathan yung mga kamay ko ng makita niya yung babaeng nakabangga ko.
"Miss sorry po! Eto kasing kasama ko hinihila ako e!" Sabi ko na nagbibigay dispensa.
"It's okay!" Sabi niya na nakangiti.
Lumingon ako kay Nathan at mukhang kinakabahan siya. "Hoy, anyare sayo!" Sabi ko.
"Oo nga Nathan. What is wrong with you?" Sabi ng babae.
Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko kilala niya si Nathan? Tumingin ulit ako kay Nathan. Nakatingin lang siya sa babae pero bigla siyang nagsalita.
"C-Cindy! Cindy what are you doing here?" Gulat niyang sabi.
"Masama ba? Masama ba na andito ako?" Sabi niya. Cindy pala ang pangalan niya. Hindi siya nakwento sakin ni Nathan.
"Hindi naman. So andito ka ba para kay-" biglang pinutol ni Cindy ang sasabihin ni Nathan.
"Oo. Anyway is that your girl?" Tanong niya habang tinititigan ako up and down at parang nandidiri. Hinintay ko lang ang sagot ni Nathan. Hindi ko alam bakit hindi ako maka-imik.
"Hindi pa. Pero soon!" Malakas na loob na sabi ni Nathan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maliliitan sa sarili ko. Bakit ang mga mayayaman, ang baba ng tingin nila sa ibang tao? Ano porke't ba mayayaman lang sila ay pwede silang maka asta ng basta-basta tulad ng Cindy na yan!
"Oh my gosh! Ganyan pala mga taste mo. Buti nalang di kita sinagot noong niligawan moko kasi baka kapag nalaman nila na naging ex kita, ano nalang tingin nila sakin? Pumatol ako sa cheap na lalake?" Sabi niya sabay smirk kay Nathan at baling sa akin.
"Anyway byeeeee poor girl!" Sabi niya sabay kindat at umalis na siya.
"Pigilan moko ha? Matatadyakan ko na yong babaeng yon?" Inis kong sabi. Sumusobra na siya.
"Bayaan mo na siya. Let's go na!" Pigil niyang sabi.
Nauna na siyang naglakad. Yung kaninang energy niya, nawala dahil lang sa eksena kanina. Mukha siyang malungkot. Sumunod lang ako sa likuran niya.
"Naaathannn! Okay ka lang?" Sabi ko. Oo aaminin ko nagi-guilty ako kase hindi sana lalaitin ng babaeng iyon si Nathan kung hindi dahil sakin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
Walang salita na lumabas sa bibig niya. Nakatungo lang siya ngayon. Malayo na kami sa campus at hindi ko alam na naglalakad nga talaga kami. Na pwede naman kaming sumakay ng Taxi.
"Sa tingin ko, kailangan na natin mag-commute. Malayo payong restaurants e!" Sabi ko na nakatingin sakanya habang naglalakad.
May kotse si Nathan pero hindi niya iyon gamit dahil sumabay sila ni Nikka sa daddy nila.
BINABASA MO ANG
I'm Always Be The Proudest
RomanceHindi lahat ng bagay sa mundo masaya. Hindi din lahat malungkot. Kapag mabilis ang oras, masaya ka. Kapag mabagal, malungkot ka. Lahat naman tayo ay gusto ng kasiyahan, yung tipong walang na lang sanang problema na dumating. "Kahit wala akong kapit...