E. R.

15.7K 318 6
                                    

"Dadalhin na kita sa hospital. Baka madehydrate ka."

"Okay lang ako, nahihilo lang."

"Anong nahihilo lang eh 3x ka nang sumusuka. BETH! BETH!"

"Huwag kang sumigaw ang sakit ng ulo ko."

"Sir?"

"Pupunta kami ng hospital Tawagan mo si Julio papuntahin mo dito at kunin niya anggamit ni JinKyung. Iprepare mo na yung mga damit na kakailanganin niya for 2 days. Di ko alam kung gaano kami katagal dun. Sabihin mo kay Mang Julio tawaga niya ako."

"Yes sir,"

"Buksan mo yung pinto at yung gate."

Binuhat ako ni Jota papuntang sasakyan. Nakita ko naka shorts at shirt lang ako at walang slippers. Siya naman ay naka plaid shorts siya at moccasins, naka white shirt siya na may JUDO ang harap. Nakapambahay lang siya. Pero siyempre guapo pa din.

Pagkalabas ng Village ay pinaharurot na niya ang sasakyan.

"Huwag ka masyado mabilis. Okay lang ako."

Pagdatingnamin sa E.R.,

"Ano nangyari sa kanya, SIr?"

"She collapsed late this afternoon and then after she ate she threw up 3 times since an hour ago. She has not been able to stand up by herself since 5 this afternoon. I had to carry her to the bathroom from our bed."

"How are you related to her sir? and what's her name?"

He looked at the nurse weirdly.

"Her name is Jinkyung Jimenez, she's my wife."

"Okay sir, kindly complete her details with the nurse there sir while I check her up."

Hindi ko na maalala kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari. Basta narinig ko na lang ang doctor na

"Ma'am, kailan po kayo last na nagka period?"

PERIOD? Ha? Kailan na nga ulit yun? Di ko na maalala eh. Pano busy ako lately.Hindiko maalala kung nagka period na ako. Last month nagka period ba ako? This month wala pa.


"I'm not sure eh.This month wala pa kasi due ako sa 20th pa."


"Hmmm. Regular po ba kayo?"


"Minsan pag busy nadedelay ako."


"Ma'am kukunan po namin kayo ng blood sample ha. Sisiguraduhin langpo namin."


"Okay po."


"in the mean time Ma'am, since mag 11 na, i pa admit na lang namin kayo, and tomorrow na lang kayo madischarge. We need to make sure, kung ano ang problema."


Lumapit si Jota sa akin pagkatapos siyang kausapin ng doctor. Tahimik siya at mukhang malalim ang iniisip. Hindiko mabasa kung ano ang nararamdaman niya or kung ano ang iniisip niya.


"Sabi nila i admit daw ako."


"Oo. Pumayag ako. We're waiting for the suite, they are preparing it na."


"Sorry. Baka busy ka pa, dumagdag pa ako sa work mo."


Tumingin siya sa akin. Malungkot.


"Ano ka ba, asawa kita siyempre ako ang mga aalaga sa yo."


Riiing! Riiing! Riiing!


"Hello? Oh Julio, nasa ER "pa kami. Andito ka na? Direcho ka na lang dito sa ER."


Riiiing! Riiiing!


"Hello? Ma, andito kami ngayon sa St Luke's Taguig. Okay Ma. Paakyat pa lang kami sa suite room po. Okay naman na po siya. Nakahiga po. Sige po Ma."


"Si Mommy?"


"Hindi, si Mama yun kasama niya si Mommy. Punta daw sila dito ngayon."


"Kasama din ba nila ang kuya ko?"


"Oo, Nandito daw si Ate Hannah, may c.s. pero tapos na daw. Papunta na daw siya dito."


"Okay."


Speaking of the devil, dumating na ang ate ko. Naka scrub suit pa siya. Obvious ngang galing sa operating room, walang make up eh.


"Jota, Silky, what happened?"


"Nagsususka siya kanina pang 7 ate. Tapos nag collapse siya sa stage kanina sa graduation niya."


"I heard. HAhaha nakakahiya."


Kinuha ng ate ko ang kamay ko at chineck ang wrist ko. Tumingin siya sa akin at kay Jota seryoso siya.


"Ano sabi ng attending doctor?"


"Nag blood sample siya, may duda daw yung doctor pero antayin pa daw angresult eh. Ma admit siya ngayon."


Tumango tango lang ang ate ko at pinuntahan ang nurses' station. Tinanong niya yung nurse. Ibinigay ang chart ko sa kanya. Habang nakikipag usap ang ate sa mga nandun, dumating ang attending doctor ko. Nag usap sila at ipinakilala niya angsarili na kapatid niyaako. Inabot nung doctor ang result sa ate ko. Blankolang ang mukha niya habang binabasa niya ang resulta ng test ko.


"Jota, Silky, gusto niyo bang umuwi or dito na lang kayo muna for the night?"


"Ano ba result ate> Okay lang ba akong umuwi or hindi?"


"Hmmm okay lang naman kayong umuwi eh. Mag enjoy, mag celebrate."


"Bakit ate, okay lang ba si Jinkyung? Wala bang malalang sakit or what?"


"Hahaha kayong mga bata talaga. Wala siyang sakit.Normal lang yan sa buntis."


BUNTIS? SINO? AKO? What? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lumingon ako kay Jota at nakita ko ang pagkabigla din sa mukha niya.


"Oh, parang nagulat kayo pareho? "


"Hindi maari to ate. Jota...?"


Tumingin si Jota sa akin. Poker face. Walang expression ang mukha


"Bakit? Wala pa sa plano?"



"Hindi ate nagulat lang kami. Unexpected ito Honey."


"Magdodoctor pa ako."


"Ituloy mo pag nanganak ka na. Masyado kang negative little sister. Tsaka be happy hindi naman lahat ng mag asawa nagkakaanak. Consider it a blessing."


Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa oras na to basta nag umpisa na akong umiyak. Iyak ako ng iyak. Dumating ang mga pamilya namin, umiiyak pa din ako. Hanggang sa umuwi na kami sa bahay, umiiyak pa din ako. Lahat masaya sa balita, kami lang ni Jota ang mukhang malungkot sa balita.

THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon