As usualmpag ganitong mga gatherings sa bahay nola, palagi kaming late dimating. Ewan ko ba kung sinasadya niya para magka grand entrance siya pag dating. Si Jota bunso din sa kanila parang ako.
Kanina pag alis ni Mommy, back to old Jota na naman. Hindi na naman ako pinansin. Ako naman nag grocery muna kami ni Beth para may magawa. Saturday so wala ako work. Sabi kasi ni Jota, pag weekend dapat walang fashion show.
Pag dating ko from grocery akala ko okay na siya. Pag pasok ko sa room, ayun tulog. Haaay so ako pa naghintay sa kanya. Siyempre kung maraming tao dapat may aktingan. Dapat sweet kami. Holding hands. Akbay. Hug etc. Pero di niya alam, hindi pa tapos ang araw. Yung war namin tuloy pa din hahaha.
Nagugulat siya pag tinatawag ko siyang "Honey" o kaya hinahawakan ko mukha niya or hinahaplos ko yung braso niya in public. Since morning nagpapa ramihan kami ng sweet moves o couple moves in public. Nakakarami siya eh. Pano mas magaling mag manuever, nakakainis. Mamaya ako naman ang gaganti.
"Hay salamat nandito na mag asawa. Ang tagal niyo ha."
"Mommy si Jota kasi natilog ayaw niya bumangon. Tinulak ko pa nga para maligo."
"Siyempre nasa honeymoon stage pa kami kaya yung pagligo naligo ulit siya."
Gago talaga to grrrrr!
Nagtawanan ang mga kamag anak nila. Kinantiyawan kami ng mga pinsan niyang nandun.
"So kailan namin makikita ang apo namin?"
"Papa?
Paglingon ko sa familiar na boses, nakita ko ang tatay at nanay ko nakangiti. Yun kuya ko isa din sa nangangantiyaw.
"Jota, bilisan mo bayaw. Hahaha"
Huuuu wala akong kakampi dito. Eto kasing lalaking ito kung maka display sobra. PDA pala gusto mo ha. Mamaya.
Kumakain kami ni Jota kasama ang mga pinsan niyang puro businessminded. Mas matanda sila kay Jota at mga single pa. Puro business ang pinagnuusapan. Gusto ko na nga matulog sa table eh. Kung hindi lang ako kumakain. In fairness sa kanya, ipinagbabalat niya ako ng shrimp usin hisnspoon and fork. Hindi na yata siya nakakakain. Pano puro business.
"Yung therm..."
Nagulat siya hahahaha. Sinubuan ko siya ng food
"Eh kanina ka pa nag bi business talk jan dinka naman kumakain. Subuan na lang kita. Nagtawanan na lang ang mga pinsan niya. 2 points!
Nang matapos ang kainan may inilabas na cake na may congratulations Jota. Maraming lumapit sa kanya para I congratulate. Napansin ko na kapag madaming lumalapit sa kanya kinikuha niya ang kamay ko. Hindi lang ngayon pati na pag inaambush interview siya na magkasama kami at pag may mga taong gustong magpapictures sa kanya. Baka arte arte lang.
"Jota kanta na!"
"Jota! Jota! Jota!"
Etong lalaking ito gusto niya talagang center of attraction haha.
"Ang dami niyo. Bakit kayo nandito lahat? Anyways, thank you for coming. Sige na kakanta na ko. Teka nasan asawa ko? Honey, dito ka."
Naku naman.
"Silk nasan ka daw!"
Siyempre ayoko namang mag inarte. Pumunta ako sa tabi niya.
"Ang ganda ng asawa ko no? "
Kinurot ko siya. Na sinuklian niya ng kiss sa forehead ko. Haaay nakakadami na talaga to.
"Etong kantang to ang unang unang kinanta ko para kay Jinkyung. I hope she remembers. Hindi niya kasi ako pinapansin nun eh."
"I'll hold the door
Please come in
And just sit here for a while....""I remember.." bulong ko sa kanya. Tinignan niya ako na parang nagulat. Ngumiti siya at hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Feeling ko napaka romantic ang moment na to. Wala na ako paki kung nag iinarte lang siya sa akin. Basta at this moment, feel na feel ko na in love kami.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MILLIONAIRE IS MY HUSBAND
RomansaIt's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone was shocked by the sudden union of the two. Not even their closest friends and families had known abou...