One: Entrance Exam

31 5 6
                                    

I was abandoned at the age of twelve. At ang tanging alam ko lang ay ang pangalan ko at ang katotohanang nawawala ang alaala ko. Alam kong may kumuha no'n. Ang hindi ko alam ay kung sino.

At dahil walang may alam kung saan ako galing, kinupkop ako ng pamilyang nakakita sa akin at ginawang alipin. Simpleng pamilya lang sila. Pilya lang talaga ang anak nila na sobrang kinaiinisan ko. Ako lagi ang pinapagalitan at pinarurusahan pag nagkakasala siya dahil ako ang itinutiro niya. Si Burn Lazula.

Not until a year after adopting me. Professors from Arkeins, one of the only two places in the world where every child who turns thirteen every year hones their supernatural abilities, gone to our village for the yearly Entrance Exam or EE to be able to enter Arkeins.

Okay naman lahat at nakapasok din ako sa Arkeins. Lahat kasi ay dapat sumali dahil nasa batas ito ng kingdom namin, ang London. Open for public ang EE kaya nakapanood ako. Yung isa nagkaroon ng tenga at buntot ng pusa! Tapos meron ding nakakapagpatubo ng halaman out of nowhere! Na-excite ako kasi ang galing nila!

"Uwahh... Ano kayang kapangyarihan ko?" Excited na kausap ko sa sarili habang nakahilera sa iba pang mga bata na kasali sa EE.

"N-Natatakot ako... Bakit kasi mga bata lang ang kasali?" mangiyak-ngiyak na tanong sa'kin ng nasa harap ko.

Dahil doon malungkot akong napaisip. "Hmm... Bakit nga kaya?"

"Ang tanga mo talaga, Lirica! Malamang wala silang kapangyarihan! Bakit ka ba kasi nandito? Dapat nasa bahay ka at nagpapakaalipin. Hindi yung hanggang dito umaabot yang katangahan mo!" Sabi ni Burn na nasa likuran ko pala.

"Sabi ng babaeng walang ibang ginagawa kundi ang makabasag at makasira sa paligid niya." Parinig ko.

"Ano!?" Sigaw ni Burn.

"Sshh!" Awat ng isang Professor na nakabantay sa pila namin.

"Ano... Sino ba yang mayabang na nasa likod mo?" Bulong sakin ng nasa harap ko.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Hindi ko nga rin kilala yang baliw na yan e." Sagot ko. Humagikgik naman siya dahil doon.

Nasa bandang hulihan ako ng pila kaya makakapanood pa ako ng matagal sa mga nauunang mag-EE.

Nang ako na ang susunod, tinulak ako ni Burn. "Ako ang mauuna, Lirica. Alipin ka lang e!"

Hindi na ako pumalag kahit gusto ko na siyang patulan. Makikita niya. Hindi ako mananatiling alipin. Alam kong hindi yon para sa'kin.

Nung sya na ang nasa stage e may sinabi sa kanya yung ibang professors. Tapos ay pinalutang nya ang mga bagay sa paligid nya gaya ng mga bato at paso. Nagpalakpakan naman ang lahat.

Bakit kailangang makapasok siya?

"Susunod." Anang professor na nagbabantay sa pila.

Pumunta naman agad ako sa stage.

"You can do whatever you want on that stage, child. May espesyal na spell yan kung saan inaalis ang restraint nyo para mailabas ang kapangyarihan nyo, kung meron man." Nakangiting saad ng isang professor.

Lumingon ako sa mga nanonood dahil sa kaba. Nakita ko si Burn. And she mouthed "talunan" which made me mad.

"You can start now."

Nang sabihin yon, agad lumabas ang kulay asul at itim na apoy sa buong katawan ko. At masama akong nakatingin kay Burn. Dahil doon kumalat ang apoy ko papunta sa pwesto ni Burn kung saan muntik na syang masunog kung hindi ko lang pinigilan. Tumili pa sya sa takot. Nung makahuma sya e tinignan nya ako ng masama. Nginitian ko lang sya ng nakakaloko. Akala nya yata buong buhay ko e hahayaan ko syang maliitin ako, asa pa sya.

"Enough!" anang isang professor na babae. "Put out your fire now!" Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Sorry po." Hinging paumanhin ko nang mapansin kong tila natakot sila. Bakit kaya?

"No, it's okay. I am Prof. Zellen. And we should get going now." aniya. Umakyat sya sa stage at tumabi sakin. May mahabang scepter syang hawak na may kulay pulang gem sa dulo. Kulay puti at wavy naman ang hanggang bewang nyang buhok. Maamo ang mukha nya pero mapapansin mo ang pagkaistrikto nya, lalo na sa tindig niya.

Sumunod naman ang ibang professors at ang mga batang nakapasa papunta sa stage. "Hanggang sa muli." Ani Prof. Zellen at itinukod ang scepter nya sa sahig.

Nagkaroon ng magical circle sa kinatatayuan namin at naglaho ang lahat ng nasa paligid namin. Napalitan ito ng kulay itim na langit na merong napakaraming bituin. Ang ganda!

Paglipas ng nakamamanghang sandali ay nakarating din kami kung nasaan man kami nakarating.

Next: "That witch everyone calls Lirica... inside Arkeins."

© AyskrimEscape

Black WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon