Two: Taciel Library

13 4 0
                                    

"Welcome to Arkeins, newbies!" Anang isang... babaeing lumilipad sa ere na may pakpak ng paru-paro.

"She is Grenda, Arkeins' guide for newbies. Isa syang Wind Fairy. Lagi syang nasa harap ng Mist Fountain para sa lahat ng may kailangan at tanong patungkol sa Arkeins." Ani Prof. Zellen at itinuro ang fountain sa harap namin. Sa likod naman namin ay isang malaking gate. "At ngayon, sya ang maglilibot sa inyo dito sa buong Arkeins. Magkita tayo mamayang gabi sa Grand Hall." Dugtong niya at umalis na kasama ang ibang professors.

"Salamat, Lady Zellen." Kaway naman ni Grenda sa papaalis na mga professors. "Ngayon! Excited na ba kayo mga bata?" Masayang baling nya samin habang patuloy sa paglipad.

Maraming sumagot ng oo at tahimik naman kaming iba habang nakatanaw sa paligid. Nakamamangha ang paligid. May mga building sa paligid na... nakatagilid ng kaunti. Uwaah! Weird pero ang cool!

"Ang first stop natin ay ang Taciel Library! Maghawak-hawak kayo ng kamay, mga bata!" Ani Grenda. Ginawa naman namin yon. "Ahr Riha Faer." aniya.

At nagkaroon na naman ng magic circle sa lupa! Pero iba ito, dahil imbis na magbago ang paligid e unti-unti kaming lumutang sa lupa habang patuloy na tinutungtungan ang magic circle na kulay green!

"Astig!" Hiyaw ko. Ganun din ang ibang mga kasama kong bata.

"Destination: Tacial Library!" Ani Grenda. At akala ko smooth lang ang magiging lipad namin at magagawa kong pagmasdan ang buong Arkeins mula sa himpapawid pero hindi!

"Waaaaahh!" Sigaw naming lahat. Paano, napakabilis ng lipad namin! Para kaming sumakay ng rollercoaster! I cry.

"Huehuehue. Nandito na tayo, mga bata." Ani Grenda na halatang tuwang tuwa sa kalokohan nya. Ako, heto, magulo ang buhok at feeling ko babaliktad ang sikmura ko sa hilo. Ganun sin ang iba kong kasama. May mga nakasalampak na nga sa lupa at halatang hilpng hilo din.

"K-Kailangan ba talagang ganoon kabilis?" Nahihilong tanong ko habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay ko sa tuhod ko.

"Hindi naman. Yon talaga ang welcome gift ko sa inyo Hahaha!" Ani Grenda at lumipad papunta sa harap ng isang napakataas na building. "Tara na, newbies!" Hilong hilo man e sumunod pa rin kami. Ang gandang welcome non, promise! Tae. Nahihilo pa akooo.

"Kamusta ang mga bagong dating?" Anang isang lalaking may patulis na tenga. Gwapo ito at lalaking lalaki ang tindig. Sino kaya sya?

"Huehuehue. Ayoon, wala pa ring kupas ang welcome gift ko." Masayang sagot naman ni Grenda.

"Sino sya, Fae Grenda?" usyoso ng isang kasama naming bata.

"Ah, mukhang okay na kayo. Ako si Gabrin, isa akong elf." magalang na pakilala nya. Nag-"ahh" naman ang iba. "At ako ang tagapagbantay nitong Taciel Library." Turo niya sa buiding na nasa harap namin.

Sabay-sabay kaming tumingala para alamin kung gaano kataas ang building pero sa pinakataas e wala ito dulo at tila nag-fade lang ito. Paano ko ba ie-explain? Sabihin nating nagdrawing ako ng isang building tapos yung pinakatuktok e binura ko at iniwan sa ganong ayos. Pak ganern!

"Bakit po ganyan ang hitsura?" Turo ng isa samin sa itaas ng building. Tumingala naman si Gabrin para tignan ang tinutukoy nito.

"Taciel. Pinagsamang dalawang salitang Tal at Ciel na ang ibig sabihin ay heaven. Ibig sabihin ay kasing taas ito ng kalangitan. Hindi mo lang nakikita ang pisikal na anyo nito dahil itinatago ito ng isang uri ng mahika. Tara sa loob?" Ani Gabrin at kusang bumukas ang malaking double door na gawa sa kahoy.

Sumunod naman kami pero napahinto ako nang mapansin kong hindi umaalis sa pwesto si Grenda. "Hindi ka ba sasama sa loob?" Tanong ko.

"H-Hindi. Hindi ako mahilig sa mga libro." Ngiwing sagot niya. Bakit kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon