Araw-araw, nahaharap tayo sa iba't ibang klaseng experience. Malaki man o maliit, nadadala natin ito dahil sa kahit aong iwas natin minsan ay naapektuhan tayo. Masaya man o malungkot, dinadala tayo minsan sa unexpected na experience kahit inisip mo na, kahit inimagine mo na, iba kapag andun ka na talaga.
Sa lahat ng mga experience na pwede nating maranasan, nasusubok ang limitasyon ng ating kakayahan at kaisipan. Minsan ay nakikita natin ang ating sarili na hanggang dito na lang pero minsan ay natutulak tayo sa mas pwede pa nating gawin, na hindi lang pala tayo hanggang dito, kaya pala hanggang doon.
Katulad ng kwento ng grupo ng mga student leaders ng Green Hope, isang environmental organisation sa loob ng University of San Lukas. Sila ay binubuo ng siyam na leaders na nagmula sa iba't ibang kurso at iba't ibang estado ng buhay. Sila ang mapapadpad sa isang isla na susubok sa limitasyon ng kayong kakayahan at kaisipan. Sila ay sina Yana, Ranny, Rita, Lia, at ang mga magbebest friends na sina Gab, Poy, Vince, at Kayl.
Gab Alajar, 19 years old. Publication Officer - Electronic Communications.
Siya ang computer wizard sa grupo. Marami na siyang listahan na mg nahack kaya naman most wanted siya hindi lang sa mundo ng hacking pero pati narin sa mga babae na nabibingwit niya. Medyo chikboy kasi si Gab. Sa lahat ata ng pinupuntahan ng grupo ay meron siyang babaeng laging nabibighani, at gulo na laging napapasukan, may pagkatroublemaker. Pero siya ang pinaka maabilidad sa lahat.
Poy Mendoza, 19 years old. Treasurer - Architecture.
Bukod sa galing niya sa science ay may galing rin sa pagluluto si Empoy. Laging mga specialties niya ang hinahanap ng lahat sa mga okasyon. Palabiro rin si Empoy kaso nga lang ay madalas mapikon kapag siya naman ang biniro at mas nag level-up simula nung maghiwalay yung mga magulang niya. Pero sa lahat ay siya ang pinaka matalino.
Verni Morales, 19 years old. Treasurer - Architecture.
YOU ARE READING
Isla Balintataw
Fiction généraleTungkol sa grupo ng mga student leaders ng isang environmental organisation sa isang university na nagkaroon ng immersion at team building acivity sa isang tagong isla sa Pilipinas. Dito masusukat ang limitasyon ng kanilang kakayahan at kaisipan. Di...