Yen's POV
Pagkatapos ng pananghalian ayon nagkayayaang maligo sa dagat ang barkada at infairnes nakisabay ang BOYS STEPS at ako andito at masayang pinapanood sila
Yen pwede ba kitang makausap?~ Ms. Ella
tumango lang ako
at sumunod rin ako sa kanya, andito kami ngayon sa isa sa mga small cottages dito sa resort
kumusta ang nararamdaman mo ngayon?
okay na naman po.. deny pa yen
ngumiti siya "alam kong di ka pa totally okay, you are just saying that kasi ayaw mong maapektuhan yong mga taong nakapiligid sayo"
wow! manghuhula lang ang peg ni Ms. Ella
ngumiti ako di ko lang ho kasi akalaing sa ganoong paraan magtatapos ang relasyon namin ni Van. Honestly di ko nga inisip na darating kami sa ganitong punto akala ko kasi talaga na siya na!
Ganoon naman talaga yan yen kahit gusto pa natin na sila na pero pag di talaga sila ang para sa atin hindi at hindi iyon mangyayari.
tama nga naman si Ms. Ella baka hindi talaga para sakin si Van
bigla na lang tumulo yong mga luha ko kaya agad naman akong niyakap ni Ms. Ella wow! niyakap ako ni Ms. Ella dati sa pangarap lang to pero ngayon totoong totoo na..
at alam mo ba na habang nasasaktan ka ngayon ay sobrang nasasaktan din ako!
bakit po? agad ko namang pinahid yong mga luha ko
kasi ayokong nakikitang nasasaktan at umiiyak ang kapatid ko! nakangiti niyang sabi
ano daw!? ayaw niyang makita ang kapatid niyang umiiyak
kumunot na talaga ang noo ko
yen, kapatid kita!
nagulat naman ako sa sinabi ni Ms. Ella di ako makapagsalita hinihintay ko talaga na sabihin niyang joke
Yen I'm serious magkapatid tayo
p-pero paano po yon nangyari? nauutal ko pang sabi
grabe na talaga tong mga revelation sa life ko
bata pa lang si mama ng maghiwalay ang lolo at lola natin hanggang sa makapag asawa na si mama at ipinanganak ako at dahil sobrang sakitin ako noong araw napilitan sila mama na ibigay ako kay lolo hanggang sa pumanaw na si lolo at si mama ayaw payagan ni lola na dumalaw kaya di rin kami nagkita ni mama kaya ng mahanap ko kayo agad kong iniabot sa kanya ang sulat ni lolo ang paghingi ni lolo ng tawad kina mama at ngayon andito na ako di na ako papayag na mahihiwalay pa kayo nila mama at lola sakin
di ko alam pero agad ko na lang siyang niyakap halo-halo na talaga yong emosyon ko ngayon di ko akalaing may ate pala ako and I got my advice from my ate
kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya
a-ate?! sambit ko
tumango tango lang siya
ang saya ko! sobra thank You Lord!
sabay naman kaming napalingon ng may magpalakpakan at paglingon namin ayon nakita ko ang barkada at ang buong BOYS STEPS lahat sila naka ngiti at ang gwapo talaga ni Nathan na nakangiti sakin ngayon.
ANG REUNION NG MAG ATE!! sigaw ni Carlo
_________________________________________________________________
ayan magkapatid pala si Ms. Ella at si yen pa talaga!
VOTE and COMMENT! GOD BLESS!!
BINABASA MO ANG
My Dancefloor King
General FictionIsang sikat na mananayaw at isang simpleng babae na very religious ang magkakatagpo is there a chance na magka gusto rin sa kanya si boy gayong pati location nila ay magkalayo. At ang buhay na meron sila ngayon ay magka salungat. Would she follow...